Advanced MACD Strategy - Forex Market Stop Loss Take Profit Price

Estratehiya ng Advanced na MACD

0 0 Vote
Instructor

Estratehiya ng Advanced na MACD

Ika-limampu t siyam na sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, ang Estratehiya ng Advanced na MACD ay pag-aaralan.

Estratehiya ng Advancedna MACD

Ang Advanced na MACD ay naaayon para sa isang range na merkado, habang lumilikha ito ng mga maling signalsa walang kasiguraduhang merkado na magreresulta sa pagkalugi ng kapital. Ang halaga dapat ng MACD property ay 25, 41 at 21.

Ang Advanced na MACD ay lumilikha ng mga signal sa tuwing ang linya ng signal ay lumalampas sa mga bar papunta sa itaas o ilalim.

Ang mangangalakal ay maaaring i-aplay ang AdvancedMACD sa lahat ng simbulo na may range na merkado lalo na sa EURUSD at GBPUSD.

Ang order sa Pagbili ay maaaring ilagay sa tuwing ang mga bar at linya ng signal ay nasa ilalim ng antas na 0, at ang linya ng signal ay kumilos sa ilalim ng mga bar.

Ang order sa Pagbenta ay maaaring ilagay sa tuwing ang mga bar at linya ng signal ay nasa ibabaw ng antas na 0, at ang linya ng signal ay kumilos sa ibabaw ng mga bar.

Take Profit at Loss Stop na mga Presyo

Ang halaga ng Take Profit ay sa pagitan ng dalawampu t dalawa at animnapu t tatlong pips base sa ibang kumpirmasyon at uri ng pattern ng kandila sa ipinasok na presyo.

Advanced MACD Strategy - Trading Signal by Forex Market Trading Patterns and Indicators

Ang presyo ng Stop Loss ay maaaring matukoy sa iba t-ibang paraan:

  1. Ang SL ay maaaring ilagay sa isang dako kung saan ang linya ng signal ay lumampas muli sa mga bar.
  2. Ang SL ay maaaring tukuyin base sa pag-aanalisa ng hinaharap na pangunahing nakakalendaryong balita.
  3. Ang SL ay maaaring dalawampu t isa hanggang apatnapung pips na malayo mula sa ipinasok na presyo.

Ang AdvancedMACD ay maaaring isama sa RSI, Stochastic at candlestick na patternpara sa mas maaasahang signal.

Sa GBPUSD na tsart sa MT4 na platform, sa H1 na haba ng oras ang mangangalakal ay kayang tumuklas ng isang punto kung saan ang linya ng signalay kumilos ng mas mababa kaysa sa mga bar, gayundin ang Engulfing Bullishna candlestick sa takbo ng merkado, kaya ang order sa Pagbili ay maaaring ilagay sa dakong ito.

Isa pang halimbawa, ang linya ng signal ay lumampas sa mga bar papunta sa itaas at ang makapangyarihang Bearish na kandila ay nabuo, kaya ang isang signalsa Pagbenta ay nalikha.

Advanced MACD Strategy - MetaTrader Trading Platform Price Chart - Moving Average Trend Lines

Sa halimbawang ito, ang linya ng signal ay dumaan sa mga bar papunta sa ilalim ng ang isang Piercing Line ay nabuo sa takbo ng merkado, kaya ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng order sa Pagbili sa puntong ito.

Isa pang halimbawa ang nagpapakita na sa tuwing ang isang linya ng signal ay lumampas sa mga bar sa isang tiyak na dako kung saan isang makapangyarihang patterno candlestick ay nabuo, ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng isang order.

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates