Option Provider and Contract Types - Short Term Contract

Tagapagbigay ng Binary na Pagpipilian at Mga Uri ng Kontrata

0 0 Vote
Instructor

Tagapagbigay ng Binary na Pagpipilian at Mga Uri ng Kontrata

Ika-labingtatlong Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito pag-uusapan natin ang tungkol sa Tagapagbigay ng Binary na Pagpipilian at Mga Uri ng Kontrata at titingnan din natin ang 24option.com ng mas detalyado.

24Option

Oras na nasa 24option na na website, ilagay ang iyong username at password, hahayaan ka nito na bumili at magbenta gamit ang pagpipilian na pangangalakal. Una sa lahat, kung titingnan mo sa taas sa kanang bahagi, makikita mo ang deposito na icon, ang iyong username at balance sa account.

Para sa mga tao na may totoong account, makikita ang Banking at My Account buttonsna upang magkontrol sa kanilang account. Mayroon din pangkalakal na buttonna siya nating pag-uusapan mamaya sa sesyon na ito.

Ang oras ng serverna pinapakita dito ay 15:44:08; at ika-30 ng Mayo taong 2014. Ang expiry times, gaya ng nakikita ninyo ay 15:50, 15:55.

Ang porsyento ng tubo at ang simbulo na napili ay makikita din dito.

Ang porsyento ng pagbenta at pagbili ng mga asset, na sa pamamagitan ng pagtingin, makikita na gusto ng mga mangangalakal na magbenta ng mabilis.

Kung nais mong suriin ang merkado, bahagya mo lamang pindutin ang button dito at ang window na ito ay magbubukas kung saan ay makikita mo ang anumang tsart sa anumang pananalapi na gusto mo.

Pagsasa-ayos ng Tanawin

May iba pang pamantayang pagpipilian kung full screen o kalahati ng normal na sukat. Mayroong kapakipakinabang na aspeto tulad ng patayo at pahalang na tanawin at layo ng oras na may iba t-ibang bahagi tulad ng isang minuto, limang minuto, tatlumpung minuto at isang oras. Maaari mong buksan ang tsart sa Metatraderupang masuri ang takbo ng merkado sa pagtuklas ng naaayon na spot, at makakapaglagay ka na ng order sa nakabase sa web na platformna ito. Lahat ng impormasyon na iyong kinakailangan ay makikita din dito, tulad ng tsart mismo at ang oras ng pagsasara.

Binary option Provider and Contract Types - 24Option Expiration Contract - High Low Live Account

Mataas o Mababa

Ngayon, dito hindi na natin kailangan bumili o magbenta ng may pagpipilian, sa ganitong paraan, kailangan mong pumili ng Mataas o Mababa at ang halaga ng puhunan sa order(Premium) na ito at saka pindutin ang Buy na button. Ibig nitong sabihin na bumili ka ng kontrata na may mas mataas o mas mababa na presyong inaaasam kumpara sa kasalukuyang presyo. Kung titingnan mo ang ibabang bahagi ng pahina, ang mga pagpipilian na kalakalan na nakabukas pa din ay makikita sa seksyon na ito, ngunit sa kasong ito, wala tayo kahit isa.

Ang kasunod nito ay ang mga saradong kalakalan; ito ay magbibigay ng buod ng lahat ng kalakalan na ginawa mo sa nakaraan.

Makikita mo ang mga uri ng kalakalan na na ginawa mo tulad ng mataas, mababa at maiksing termino. Ang sumunod na hilera ay nagpapakita kung ang inaasam na presyo (strike price) ay mas mataas o mas mababa kaysa sa ipinasok na presyo. Ang sumunod doon ay ang asset at ang simbulo na na gusto mo, at sumunod doon ay ang petsa at oras ng paglagay ng kalakal, ang Premium, presyong inaasam, halaga ng pagtatapos na presyo at ang huli ay ang oras kung kailan nagsara ang kalakalan (expiry time), ang huling hilera ay nagpapakita ng tubo mula sa naibigay na order.

Binary option Provider and Contract Types - Higher Lower Contract - Premium Buy and Sell Order

Halimbawa

Halimbawa, kung titingnan mo ang unang kalakalan (mataas at mababa), ang kalakalan ay pataas; ang ating prediksyon ay ang presyo ay magsasara ng mas mataas sa 1.37030, ngunit ang katotohanan ay ito ay nagsara ng 1.37037. Ito ay nagsara ng may pitong pipet at tayo ay tumubo mula sa kontratang ito.

Kung tayo ay mamumuhunan ng isandaang dolyar at ang naging tubo natin ay walumpu t tatlong dolyar, ang kabuuang ating matatanggap ay isandaan at walumpu t tatlong dolyar. Ito ay sa kadahilanang, sa mga uri ng kalakal na ito, anumang tubo na iyong magawa ay madadagdag sa iyong puhunan. Gayunpaman, sabihin nating namuhunan tayo ng limampung dolyar at hindi tayo tumubo dito, tayo ay mawawalan ng limampung dolyar.

Signal

Ngayon ay pag-uusapan natin ang tinatawag na signal. Ito ay kaugnay sa mga panig na may mas mataas na puhunan na kayang gawing aktibo ang seksyon na ito upang subaybayan ang kanilang mga kalakalan at ang merkado. Sa seksyon na ito makikita mo ang lahat ng iba t-ibang uri ng kalakalan tulad ng mataas at mababa, one touch boundary at maiksing termino.

Binary option Provider and Contract Types - High Low Contract with Certain Payout - Premium Expiry

Kung pipilin mo ang mataas at mababa, ang unang pagpipilian ay ang mas mataas o mas mababa, na ibig sabihin ay mas mataas o mas mababa sa natatanging halaga base sa price index. Halimbawa ang presyo sa merkado sa puntong ito para sa EURUSD ay 1.36097 na ipinapakita dito.

Pagpipilian sa Pagbili

Maaari kang pumili ng mas mataas o mas mababa sa price index ng merkado at ang accountna ito ay magsasara; sa nakikita ninyo, ang oras ng pagsasara ay 16:00. Saka ka makakapili ng Mababa o Mataas base sa iyong prediksyon.

Ngayon ay makakapili ka ng halaga, halimbawa, limampung dolyar, at sasabihin nito kung gaano kalaking tubo ang magagawa mo. Dito ay pinapakita na walumpu t tatlong porsyento, sa ganitong paraan, kung ang iyong prediksyon ay tama, saka ka magkakaroon ng 91.50 na dolyar mula sa kontratang ito, limampung dolyar mula sa iyong paunang puhunan (premium) at 41.50 bilang iyong tubo. Ngayon kung bibilhin mo ang pagpipilian na ito, makikita mo na nakarehistro ito sa seksyon ng bukas na kalakalan at ang lahat ng detalye tungkol sa kalakalang ito ay naririto upang makita mo, tulad ng ID ng transaksyon, oras ng pagbili at ang iyong napili.

Ang ikalawang bahagi ay nasa Itaas o Ibabang seksyon, na sa oras na ito ay hindi makikita ng mga mangangalakal. Ang porsyento ng payout (tubo) dito ay mas mataas sa seksyon ng mataas at mababa.

Binary option Provider and Contract Types - Above and Below Contract - Payout Percentage of Contract

Narito na ito ngayon, at muli mkakapili ka ng simbulo, ang halaga ng payout, mula dalawang daan at dalawampung porsyento hanggang tatlong daan at animnapung porsyento, ang presyong inaasam at huli ang oras ng pagtatapos. Halimbawa, sa kontratang (EURUSD) ang presyong inaasam na mas mataas sa 1.36179 ay magbibigay ng dalawang daan at dalawampung porsyentong payout. Ang presyong inaasam na 1.36186 ay magbibigay ng tatlong daan at animnapung porsyento, habang ang presyong inaasam na 1.36111 ay may dalawang daan at dalawampung porsyentong payout.

Mga Kalakalan

Sa nakikita ninyo, sapagkat ang nasa Ibabaw at nasa Ilalim na kalakalan ay mas mahirap kaysa sa mataas/mababa na sistema, ang porsyento ng payout dito ay mas mataas. Halimbawa, maaari tayong pumili sa ibaba at mamuhunan ng limampung dolyara at muli ito ay rehistrado, ngunit halalahanin na ito ay demo account at kailangan mong magsanay at suriing mabuti ang takbo ng merkado bago gumawa ng anumang kalakalan.

Ang sumunod na seksyon ay ang Touch na uri ng kontrata. Ang unang bahagi dito ay ang touch at no touch. Ang price index sa merkado ay 1.36114 at ang presyong inaasam ay 1.36144 halos mas mataas ng tatlong pip. Kung naniniwala tayo na ang presyo sa merkado ay maaabot ang ating inaasam na presyo bago ang oras ng pagtatapos, piliin dapat natin ang touch; ngunit kung tayo ay naniniwala na hindi nito maaabot ang presyong inaasam bago ang oras ng pagtatapos, dapat nating piliin ang no touch. Halimbawa dito iniisip natin na aabot ito sa presyo bago ang oras ng pagtatapos at nakipagkalakal tayo, at muli ito ay rehistrado dito.

Sa High Yield Touch na seksyon, ang pagkakaiba sa pagitan ng ating tinantyang presyo at ng price index sa merkado ay mas malaki. Halimbawa, mayroon tayong pagitan na halos labingapat na pip. Ang oras ng pagtatapos ay maaari ding maiayos. At muli, malaya ka na pumili kung ito ay tataas o bababa, dito tayo ay namuhunan ng isandaang dolyar at pinili ang mas mababang presyo. Posible din na gumawa ng kalakalan sa merkado ng langis.

Boundary

Sa uri ng Pagpipilian na ito, isang channel na may dalawang presyo, isang mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo at ang isa ay mas mababa kaysa kasalukuyang presyo, ay nakalaan. Muli ang oras ng pagtatapos ay nakaayos dito. Kung huhulaan natin na ang presyo ay mapupunta sa channel, saka natin pipiliin ang In, ngunit kung ang presyo ay mapupunta sa labas ng channelna ito sa oras ng pagtatapos, saka natin maaaring piliin ang Out. Ang uri na ito ng Binary na Pagpipilian ay nararapat na malapit sa oras ng paghahayag ng pangunahing balita. Halimbawa, sa kalakalan ng langis, sapagkat hinulaan natin na ang presyo ay lalabas sa channel na ito sa oras ng pagtatapos, maaari nating piliin ang Out sa Langis na may isandaang dolyar bilang halaga ng Premium. Ang High Yield Boundary ay nagbibigay ng mas mataas na halaga ng payout habang ang mangangalakal ay kailangang tukuyin kung ang presyo ay magiging mas tataas o mas bababa kaysa sa mga tiyak na halaga sa oras ng pagtatapos.

Binary option Provider and Contract Types - Pip gap - Contract Expiry Expiration time - Above and Below

Maikling Termino

Ang seksyon na ito ay para sa mga panig na nagnanais gawin ang kanilang mga kalakalan sa loob ng mas maliit yugto ng oras, ang mga yugto ng oras na mayroon dito ay tatlumpung segundo, animnapung segundo, dalawang minuto at limang minuto.

Binary option Provider and Contract Types - Boundary and Short-term - One and No Touch Target Price

Tayo ay namuhunan ng limampung dolyar, at muli ito ay rehistrado. Ang uri na ito ay higit na kapaki-pakinabang malapit sa oras ng pagbabalita. Maraming tao ang nahihirapang tumutok sa lahat ng mga simbulong ipinapakita, sa kabutihang palad mayroong paraan upang ipakita lamang ang mga simbulong interesado ka sa pamamagitan ng pagpindot sa setting sa pagpipiliang ito. Anumang pangunahing pananalapi o kalakal ay maaaring piliin para sa ikagiginhawa mo. Ito ay makakatulong sa pagganap ng platform sapagkat ito ay nakabase sa web. Ang mga limitadong simbulo at streamline ay nakakadagdag ng bilis sa platformna ito.

Mayroon syempre na ibang website na ating titingnan sa hinaharap, ngunit ang isa sa mga pinakamaaasahan ay ang 24option.com. Para sa iba pang impormasyon maaaring bumisita lagi sa ating website.

Alalahanin na maaari mo kaming tawagan upang magbukas ng pagpipiliang account at tutulungan ka namin ng buong pag-aalaga at pagpapahalaga.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates