Bollinger Bands Indicator Strategy - Forex Market Trading Method

Estratehiya ng Bollinger Bands na Indicator

0 0 Vote
Instructor

Estratehiya ng Bollinger Bands na Indicator

Ika-limampu t anim na sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, pag-aaralan natin ang Estratehiya ng Bollinger Bands na Indicator .

Bollinger Bands

Ang Bollinger Bands ay isang nababagay na estratehiya sa isang merkado na may direksyon. Ang kasangkapan na ito ay gumagamit ng Moving Average kung saan ang gitnang linya lamang, EMA50, ang nagagamit. Sa tuwing ang takbo ay nasa ibabaw ng gitnang linya at isang makabuluhang candlestick ang nabuo, isang mahalagang signal ang nalikha.

Ang ilan sa mga makabuluhan at malakas na candlestickpara sa order ng Pagbenta ay ang: Dark Cloud, Engulfing at Shooting Star.

Ang ilan sa mga makabuluhan at malakas na candlestickpara sa order ng Pagbili ay ang: Piercing Line, Engulfingat Hammer.

Ang ipinasok na presyo ay maaaring tukuyin base sa candlestick principal, kaya, sa isang order ng Pagbenta ang mangangalakal ay kailangan maglagay ng ipinasok na presyo na mas mababa kaysa sa isang Bearish na kandila, habang sa order ng Pagbili ito ay mas mataas sa isang Bullish na kandila.

Bollinger Bands Indicator Strategy - Exponential Moving Average 50 - Shooting Star Candlestick

Ang Bollinger Bands ay maaaring gamitin sa lahat ng simbulo kung mayroon silang pataas o pababang takbo, lalo na sa EURUSD, GBPUSD, Ginto, Pilak at Langis, gayunpaman, ang pinakamainam na mga simbulo para sa paraan na ito ay ang Langis at Ginto.

Ang mangangalakal ay maaaring gamitin ang estratehiyang ito sa lahat ng haba ng oras, ngunit ang pinakamagandang resulta ay sa H1, H4, Pang-araw-araw at Lingguhan.

Ang order sa Pagbili ay maaaring ilagay sa isang pataas na takbo, kapag mayroong pagbaba sa gitnang linya (EMA50) at isang makapangyarihang Bullishna kandila ang nabuo sa EMA50.

Sa isang pababang takbo, isang pansamantalang pagtaas ang lalabas papunta sa EMA50, kaya isang order sa Pagbenta ang maaaring ilagay pagkatapos mabuo sa EMA50 ng isang Bearish na candlestick.

Ilang mga halimbawa ang maaaring suriin muli sa mga tsart ng MT4. Sa pataas na takbong ito, mayroong ilang punto kung saan ang mga Bullish na kandila ay nabuo sa EMA50, ang gitnang linya, pagkatapos ng pansamantalang pagbaba. Ang unang signal sa Pagbili ay nalikha nung ang Hanging Man na patternng kandila ay nabuo malapit sa EMA50. Kasunod ang pataas na takbo. Muli isa pang pagbaba sa EMA50 ang natapos pagkatapos mabuo ng isang Hammer na pattern. Ang estratehiyang ito ay maaaring gamitin sa maraming punto sa takbong ito. Kaya ang pataas na takbo ay nagpatuloy pagkatapos ng mabuo ng mga patternng isang makapangyarihang kandila. Iba pang mga halimbawa sa isang pataas na takbo, kung saan ang mga order sa Pagbili ay nalikha pagkatapos mabuo sa EMA50 ng mga Bullish candlestick na pattern. Sa pababang takbo, mayroong halimbawa na ang kandila ay hindi nabuo sa ilalim ng EMA50 kaya hindi ito malakas na pattern ng candlestick na maaaring ilagay sa isang ordersa Pagbenta. Sa kabilang punto, isang Tweezers na pattern ang nabuo kaya ang mangangalakal ay ay maaaring makapaglagay ng order sa Pagbenta.

Bollinger Bands Indicator Strategy - Engulfing and Hammer Candlestick Patterns

Ang Stop Loss na presyo para sa estratehiyang ito ay kailangan ilagay lima hanggang labinlimang pips sa ibabaw ng Bearish na kandila ng mga order sa Pagbenta at sa ilalim ng Bullish na kandila sa orderng Pagbili.

Ang presyo ng Take Profit ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng dalawang paraan:

1.Kung ang Pagbenta o Pagbili na signal ay nalikha, pagkatapos ng pagkwenta ng haba ng kandila , kilala bilang X, at ang presyo ng TP ay X na pips sa ibabaw ng kandilang iyon sa Bullishna order o sa ilalim ng naturang kandila sa isang Bearish na order.

Bollinger Bands Indicator Strategy - Bollinger Bands on MT4, EMA50, Pending, Buy and Sell Orders

2.Kung mayroong pattern sa puntong iyon, ang presyo ng TP ay maaaring matukoy ng pattern na iyon tulad ng Head and Shoulders, Double Top o Bottom.

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates