Bonuses and Promotions plus Competitions - Terms and Conditions

Mga Bonus at Promosyon saka Kompetisyon

0 0 Vote
Instructor

Mga Bonus at Promosyon saka Kompetisyon

Ika-labinglimang Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito pag-uusapan natin ang tungkol sa mga Bonus at Promosyon saka Kompetisyon o paligsahan.

Ang mga brokeray nag-aalok ng mga bonus, promosyon, kasunduan at kompetisyon o paligsahan sa kanilang mga mangangalakal upang mas makilala nila ang kanilang mga broker.

Ito ay naiiba sa bawat broker at hindi nangyayari sa lahat ng pagkakataon.

Ang Dahilan ng Bonus

Ang dahilan nito ay sapagkat ang mga baguhang mangangalakal ay nakakakuha ng mas maliwanag na pagkakaunawa sa pinansyal na merkado at nagiging mas pamilyar sa totoong mga accountat transaksyon. Isa din itong magandang paraan upang simulan ang kanilang kalakalan.

Sa pangkalahatan, isa din itong magandang paraan upang subukan ang isang bagong broker at ikumpara ito sa iba. Maraming mangangalakal ang gumagamit ng iba t-ibang mga alok upang subukan ang bagong broker, ang kanilang pagganap at mga patakaran.

Atin ngayong titingnan ang bagay na ito ng mas mabuti at bibigyan ng pansin ang lahat ng iba t ibang uri nito.

Mababang deposito sa mababang presyo

Ito ay humigit-kumulang sa pagitan ng limampu hanggang isandaang dolyar bilang bonus sa kanyang deposito. Ang bonus mismo ay hindi maaaring maibawas sa account sa pamamagitan ng mangangalakal, ngunit ang tubo na ginagawa ng isang panig gamit ang bonus na ito ay maaaring mabawas.

Bonuses and Promotions plus Competitions - Low Deposit Limit - Minimum Trade Withdrawal Rule

Pagdeposito ng bonus na may mataas na halaga

Halimbawa, nagbigay ang broker ng isanlibong dolyar sa isang panig bilang bonus at muli hindi ito maaaring bawasin mula sa accountng panig, ngunit ang tubo na nagawa nila gamit ang bonus na ito ay maaaring makuha. Ang pagkakaiba sa pagitan ng uring ito at ng nauna ay ang tubo ay maaaring mapakanila sa Ilalim ng ilang pangyayari. Kailangan nilang tumubo o kailangan nilang gumawa ng namumukod tanging kalakalan o kombinasyon ng dalawa. Halimbawa, ang pinakamababang halaga na maaaring mabawas mula sa accountay anim na libong dolyar at ang pinakamababang halaga na maaaring ikalakal ay limampung lot kung kaya kailangan mapangasiwaan ng panig na abutin ang mga layuning ito o kombinasyon ng dalawa.

Ang porsyento ng nadepositong halaga ng bonus

Ito ay nangyayari lamang sa mga panig na may totoong account at ito ay nagagawa base sa halaga na idineposito ng isang panig sa kanyang account. Kung nais ng isang mangangalakal na matanggap ang ganitong uri ng bonus mayroong mga patakaran na kailangan nilang sundin. Halimbawa, kung nais mong matanggap ang bonus na ito, ang pinakamababang halaga na dapat ideposito ay dalawang daang dolyar.

Bonuses and Promotions plus Competitions - The Percentage of Deposited Bonus Amount

Halimbawa, mayroong kilalang brokerna nagbibigay ng tatlumpung porsyentong bonus, at kung ikaw ay nagdeposito ng isanlibong dolyar sa iyong account ang iyong balanse ay magiging isanlibo at tatlong daang dolyar dahil sa promosyon. Gayundin, pipilitin din nila ang isang bagay, kung mayroong pinakamababang halaga, mayroon ding pinakamataas na halaga, halimbawa hanggang limang libong dolyar. Kaya kung nagdeposito ka ng higit sa limang libong dolyar, wala kang matatanggap na bonus.

Ang Bonus na may Margin

Ang ilan sa mga bonus na ito ay may kasamang margin kaya ang halaga ng pagkalugi ay aabot sa halaga na idineposito kasama ang bonus. Halimbawa, isipin na ang isang panig ay nagdeposito ng isanlibong dolyar (USD). Kapag isinaalang-alang ang halaga ng bonus, ang kanyang balanse ay magiging isanlibo at tatlong daang dolyar (USD). Kapag nalugi siya ng isanlibo at dalawang daang dolyar, lahat ng kanyang idinepositong kapital (isanlibong dolyar) at dalawang daang dolyar ng bonusay mawawala.

Mayroong ilang mga bonus kung saan hindi kasama ang margin. Ibig nitong sabihin na kung ang iyong accountay humaharap ngayon sa pagkalugi, maaari ka lamang sumugal sa halaga na idineposito mo at ang bonus ay hindi kasama. Kung mangyari na mawala ang iyong idineposito at aalisin ng broker ang bonus, na kilala sa tawag na Bonus Outsa pinansyal na merkado. Halimbawa, kung nagdeposito ka ng isanlibong dolyar at tumanggap ka ng tatlong daang dolyar bilang bonus, ang iyong account ay magiging isanlibo at tatlong daang dolyar. Kung mawala ang iyong paunang isanlibong dolyar aalisin din ng brokerang tatlong daang bonus at makakatanggap ka ng margin call.

Bonuses and Promotions plus Competitions - Minimum Deposit Limit - Margin Call with Bonus

Paunawa

Isang mahalagang bagay na kailangan mong malaman ay maaaring kunin ng broker ang naturang bonus mula sa iyong account sa anumang oras ng walang anumang dahilan o paliwanag dahil sa kontrata na iyong nilagdaan sa simula ng magbukas ka ng accountsa broker.

Pag-abuso sa Bonus

Ito ay ginagamit upang pigilan ang mga panig na mandaya gamit ang mga bonus. Ito ay mailalarawan kapag ang isang panig ay nagbukas ng dalawang accountsa Ilalim ng dalawang magkaibang pangalan sa iisang broker, o dalawang panig na nagbukas ng account sa iisang broker o maaaring ito ay dalawang panig na nagbukas ng mga account sa dalawang magkaibang brokerna may alok na bonus.

Halimbawa, ang unang broker ay ang FIBO, nag-alok sila ng limampung porsyentong bonus at ang isa ay IronFx na nag-aalok din ng limampung porsyentong bonus. Para sa mas malinaw na

pagkaunawa, ay magbibigay ako dito ng halimbawa.

Isipin na may dalawa tayong panig at nagbalak sila na magbukas ng bawat isa ng account. Ang unang accountay may deposito na sampung libong dolyar na may limampung porsyentong bonus, kaya ang kabuuang balanse ay labinglimang libong dolyar. Pareho din nito ay ikalawang account.

Ngayon ang gagawin ng mga panig na ito ay magsisimula sila ng kalakalan sa iisang simbulo, at kasabay nito sa kabilang direksyon, halimbawa pinili nila ang EURUSD, sa unang account ang mangangalakal ay nagbenta ng labinlimang lot habang ang ikalawang mangangalakal ay bumili ng labinlimang lot.

Bonuses and Promotions plus Competitions - Bonus Abuse - Opposite Trades and Orders - Pip and Volume Traded Lot

Ang pag-iisip ng tamang direksyon ay hindi na mahalaga. Kaya pagkatapos ng isandaang pip, ang isa sa mga account ay zeroat ang isa ay tatlumpung libong dolyar. Ngayon kung magkkwenta ka napakadaling makita na sila ay madaling nakapandaya.

Ang kabuuang halaga ng parehas na nadepositong pondo ay dalawampung libong dolyar (USD). Ngayon ay mayroon silang tatlumpung libong dolyar, idinepositong halaga na dalawampung libong dolyar (USD) at ang kanilang tubo na sampung libong dolyar. Kaya anumang oras na maramdaman ng brokerna ang isang panig o mga panig ay nandaraya gamit ang mga bonus, maaari nilang madaling makuha ang bonus mula sa account.

Ang iyong account ay madadagdagan ng bonus at magagamit mo ito sa pagkakalakal. Mayroong mga ilang kundisyon dito na dapat mong bigyan ng pansin.

Ang mga bonus ay mapupunta sa iyo pagkatapos ng tiyak na halaga ng transaksyon. Halimbawa, kung ang iyong bonus ay nahahati sa limang bahagi at para sa bawat isang sampu o dalawampung lotna iyong makalakal isa sa mga bahagi nito ang mailalabas at mapupunta sa iyo.

Sa bawat halaga na iyong ikinalakal ay matatanggap mo ang bonusmo para dito at maaari itong mula isang lot hanggang sa anumang halaga.

Mayroon ding isang bonus na may tiyak na kundisyon gamit ang pip, oras ng pagkakalakal at simbulo. Halimbawa, ang patakaran ng broker ay nagsasabi na ang kalakalan ay dapat tumagal ng higit sa limang minuto at ang transaksyon ay dapat higit sa limang pip. Maaari din itong nakabase sa mga simbulo, halimbawa ang patakaran ng broker ay ang mga bonus ay pwede lamang sa kalakalan ng Langis o sa tiyak na pananalapi tulad ng EURUSD.

Bonuses and Promotions plus Competitions - Credit with Rules and Terms - Take Profit and Withdraw Capital

Mga Kompetisyon at Paligsahan

Ang mga kompetisyon at paligsahan na ito ay ginagawa sa dalawang paraan:

Sa mga demo account, dinedeposito ng brokerang bonus sa account ng mangangalakal, at madalas ang pag-signup sa bonus na ito ay nagsisimula sa tatlumpung araw bago magsimula ang kompetisyon, na nagbibigay sa mga tao ng sapat na oras upang mag-sign up. Ang paligsahan mismo ay tumatagal ng labinglima hanggang tatlumpung araw upang makumpleto at sa huli ay mayroong premyo para sa mga nangungunang mangangalakal.

Sa mga kompetisyong ito, madalas na maglalagay ang brokerng ilang patakaran tulad ng: ang kalakalan ay dapat gawin ng isang mangangalakal o ang paggamit ng anumang eksperto ay pinapayagan. Para sa iba, lahat ng kalakalan ay nararapat gawin mismo ng mga mangangalakal at ang pag paggamit ng mga eksperto ay ipinagbabawal. Kaya mahalaga na basahin muna ang mga tuntunin at kundisyon bago ka pumasok sa isang kompetisyon.

Mga Kompetisyon para sa totoong mga account

Ang isang mangangalakal ay nagdedeposito ng tiyak na halaga upang makapasok sa paligsahan at sapagkat ito ay kanyang pera, mas nagkakaroon ng saysay ang kompetisyon. Gayundin ang mga tuntunin at kundisyon ay mas makatwiran at katanggap-tanggap at ang premyo ng mga nangungunang mangangalakal ay mas kaakit-akit.

Bonuses and Promotions plus Competitions - Real Accounts - Minimum Deposit and Trading Volume Lot

Upang malaman mo lagi ang bago at malaman ang iba pang tungkol sa promosyon, mga bonus at kompetisyon, maaari kang magpadala ng email sa [email protected] o bumisita sa aming website at puntahan ang seksyon ng News at babalitaan namin kayo sa hinaharap.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates