Bullish and Bearish Hidden Divergence- Financial Trading Signals 

Bullish at Bearish Hidden Divergence

0 0 Vote
Instructor

Bullish at Bearish Hidden Divergence

Ika-apatnapu t Tatlong sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito ang Bullish at Bearish Hidden Divergenceay pag-aaralan.

Hidden Divergence

Isa sa mga pinakamakabuluhang isyu na hindi isinasaalang-alang ng mga mangangalakal ay ang Hidden Divergence. Ang Hidden Divergence ay nabubuo sa pagkakasundo sa takbo ng merkado, kaya itinuturo nito ang nababagay na presyo upang ilagay ang order. Hindi gaya ng Divergenceat Convergence, nirerekomenda na ang mangangalakal ay maglagay ng orderbase sa Hidden Divergence.

Kahit pagkatapos ng maraming pagsasanay magiging mahirap upang tuklasin ang Hidden Divergence sa tsart, dahil dito karamihan ng mga mangangalakal ay hindi ito ginagamit.

Ang Hidden Divergence sa Bullishna takbo: Kung ang kararaan na lambak ay mas mataas kaysa sa naunang lambak sa isang takbo ng merkado, at ang kararaang lambak ay mas mababa kaysa sa naunang lambak sa isang Oscillator, isang Hidden Divergence sa isang Bullishna takbo ang nabuo.

Bullish and Bearish Hidden Divergence - Continuation Trading Signals on Agreeing Direction

Ang Hidden Divergence sa Bearishna takbo: Kung ang kararaan na tuktok ay mas mababa kaysa sa naunang tuktok sa isang takbo ng merkado, at ang kararaang tuktok ay mas mataas kaysa sa naunang tuktok sa isang Oscillator, isang Hidden Divergence sa isang Bearishna takbo ang nabuo.

Ang MACD, RSI at AO ay ang pinakamainam na oscillatorupang matuklasan ang Hidden Divergence sa isang takbo ng merkado. Ang mangangalakal ay maaaring mag-download ng nabagong AO mula sa PForex.com, na pinahusay para sa mas mataas na paggamit.

Ang mangangalakal ay maaaring magpasok ng AO, o Awesome Oscillator, mula sa Bill William s na optionng Indicator menu. Ang mangangalakal ay maaaring magpasok ng antas na 0 mula sa AO properties na window. Halimbawa, mayroong ilang tuktok sa ibabaw ng antas na 0 sa AO na tsart na may katumbas na tuktok ng takbo ng merkado. Kung ang mga tuktok ay konektado ng isang Trendline, ang linya sa isang tsart ng merkado ay may pababang slope, habang ang linya sa tsart ng AO ay may pataas na direksyon. Kaya isang Hidden Divergence ang nabuo sa rehiyon na ito, na nagtuturo pagkatapos ng bawat tuktok sa pababang takbo, ang merkado ay nakakuha ng sapat na potensyal para sa patuloy na pababang takbo. Isa pang halimbawa ng isang Hidden Divergencesa isang Bullish na takbo. Ang mga lambak ng merkado at AO na takbo ay konektado sa Trendline. Ang Trendline ay may pataas na direksyon sa merkado, habang ang Trendline sa AO na tsart ay may pababang slope. Ang Hidden Divergence na ito ay nagkumpirma ng marami pang pataas na takbo pagkatapos nito mabuo. Sa pataas na takbong ito pagkatapos ng maikling pagbaba, isang mabisang potensyal para sa pataas na takbo ang nabuo. Isa pang Hidden Divergence bago pa ang halimbawang ito ang nabuo din. Sa kabila ng katotohanan na mahirap tuklasin ang Hidden Divergence, nagpapakita ito ng malaking pagkakataon para sa isang matagumpay na order. Ang mga halimbawang ito ay iginuhit sa kamay, gayunpaman, ang nabagong AO na makikita sa PForex.com ay iginuguhit ng kusa ang lahat ng Hidden Divergence. Ang mangangalakal ay maaaring baguhin ang haba ng oras upang tukuyin ang marami pang Hidden Divergence sa merkado. Halimbawa, mayroong napakagandang lugar upang ilagay ang order kung saan ay mahirap tukuyin ng mangangalakal. Isa pang halimbawa sa malawak na layo, isang Hidden Divergence ang nabuo na maaaring hindi natuklasan kung ang nabagong AO ay hindi ginamit. Sa tsart ng Ginto, mula 2001 hanggang 2014 isang Hidden Divergence ang nabuo na naguhit ng kusa ng nabagong AO. Marami pang halimbawa ang maaaring pag-aralan upang mapahusay ang abilidad sa pagtuklas ng Hidden Divergence sa isang merkado.

Bullish and Bearish Hidden Divergence -  Sell Orders, On Peaks, AO Indicator - Uptrend and Downtrend

Bullish and Bearish Hidden Divergence - Support and Resistance Levels - Forex Market Analysis

Maaaring pagsamahin ng mangangalakal ang Hidden Divergence sa iba pang mga pattern at kundisyon upang matuklasan ang nararapat na punto. Mayroong kagamit-gamit na puna para sa mga mangangalakal:

  • Ang ilang mga pasalungat na pattern, tulad ng Head at Shoulder, Double Top at Bottom,Triple Top at Bottom o isang Wedge,ay maaaring magkumpirma ng isang Hidden Divergence upang maglagay ng matagumpay na order.

    -Ang Overbought at Oversold ay maaaring ikumpirma ang nais na order na hango mula sa Hidden Divergence.

    Bullish and Bearish Hidden Divergence - Double Top Bottom - Fibonacci, Head and Shoulder

    -Ang Hidden Divergence ay nagkukumpirma na ang mangangalakal ay kailangan ilagay ang order na may nagkakasundong direksyon sa takbo ng merkado.

    -Kung mayroong maikling pasalungat na swingsa mahabang takbo, ang Hidden Divergence ay maaaring gamitin upang matuklasan ang mga punto para ilagay ang mga orderna may nagkakasundong direksyon sa mahabang takbo.

    -Ang mga continuationna kandila ay maaaring magkumpirma ng signal ng Hidden Divergence.

  • Ang Fibonnacina pattern ay maaaring gamitin upang hanguin ang kumpirmasyon sa signalng Hidden Divergence.
  • Ang pangsuporta at panglaban na mga linya ay maaaring gamitin upang makuha kumpirmasyon sa signalng Hidden Divergence.

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates