Complementary Definitions in Financial Market - Hedge Definition

Mga Kahulugang Bumubuo sa Pinansyal na Merkado

0 0 Vote
Instructor

Mga Kahulugang Bumubuo sa Pinansyal na Merkado

Ika-limang Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, ating titingnan ang mga Kahulugang Bumubuo sa Pinansyal na Merkado:swap, komisyon, hedging, Carry Trade at ang epekto ng swapsa pagpapalitan. Tulad ng binanggit natin sa nakaraang sesyon, mayroong iba t-ibang paraan ang broker upang kunin ang tubo mula sa isang panig. Ang isa dito ay tinatawag na spread at ang isa pa ay tinatawag na komisyon, isang bayad na sinisingil ng isang ahente o kumpanya ng ahente upang isagawa ang mga transaksyon sa pagitan ng mga mamimili at mga nagbebenta. Ito ay madalas nangyayari sa mga future accounts at ito ay isang bayaran lang.

Komisyon

Ang komisyon ay parehas lamang sa babayaran mo kung ikaw ay bibili o magbebenta ng bahay sa pamamagitan ng ahente ng real estate. Ngayon kung titingnan natin ang platform, kung ikaw ay tututok sa palitan ng langis na ating ginawa, makikita mo na ang komisyon ay nabayaran at ito ay kaugnay lamang sa future trades; walang nabanggit na komisyon sa kalakalan ng banyagang pagpapalitan. Mayroong dalawang uri ng account na hindi pa natin nakikita: NDD (No Dealing Desk)at ECN (Electronic Communication Network). Sa mga accounts na ito mayroong komisyon para sa broker sa kalakalan ng banyagang pagpapalitan, katulad ng sa future trades. Tatalakayin natin klase ng accountna ito ng mas detalyado sa darating na panahon.

Swap

Napag-usapan na natin ng kaunti ang tungkol sa swap at nabigyan kayo ng ilang impormasyon tungkol dito sa nakalipas na sesyon, gayunpaman, sapagkat ito ay mahalaga at mahirap na paksa, pag-uusapan natin ito ngayon ng mas detalyado. Ang swap o hindi nagbabagong halaga ng interes ay isang uri ng bayad na binabayaran ng isang panig para sa mahabang kalakalan. Ang halaga ng swapay kinukwenta bawat araw tuwing hatinggabi sa server time ng broker. Ang mga palitan na bukas bago ang 00:00 at napanatiling bukas pagkatapos nito ay magkakaroon ng swap rate. Titingnan natin ngayon kung paano kinukwenta ang swap.

Complementary Definitions in Financial Market - Commission and Fee - Order Specification Table

Halimbawa, sa AUDUSD, ang halaga ng interes ng AUD sa puntong ito ay 2.5 na porsiyento menos ang halaga ng interes ng USD, kung saan sa puntong ito ay 0.25 na porsiyento. Base sa formula na ito ang pagkakaiba ng interes sa pagitan ng AUD at USD ay 2.5 menos 0.25 na porsiyento, kung saan ito ay katumbas ng 2.25 na porsiyento. Tulad ng nabanggit natin nung nakaraan, sa bawat dolyar ang isang lotay katumbas ng 100,000 at atin itong i-multiply sa 2.25 na porsiyento, tayo ay magkakaroon ng taunang swap na 2,250 na dolyar at kung hatiin natin ang numerong ito sa 360 upang ipakita at pang-araw-araw na halaga, ito ay humigit-kumulang na 6.25 na dolyar na halaga ng swap na interes na makukuha o madedepositohan sa iyong account. Ito ay nakadepende kung ikaw ay bibili o magbebenta sa iyong posisyon. Tuwing ikaw ay bumibili ng palitan sa mataas na halaga ng interes, ang swap ay positibo at kung ikaw ay bibili ng palitan sa mababang halaga ng interes o magbebenta sa AUDUSD, ang swap ay negatibo. Para sa mas maliwanag na pagkaunawa dito, eto ang halimbawa sa AUDUSD. Sapagkat ang AUD ay may mas mataas na halaga ng interes, ang iyong account ay madedepositohan ng positibong swap para sa mga posisyon ng bukas na pagbili at negatibong swap naman sa posisyong bukas na pagbebenta. Upang maunawaan kung paano kinukwenta ang swap, tingnan ang mga sumusunod na halimbawa.

Complementary Definitions in Financial Market - MetaTrader Trades Information and Balance of Trading Account

Ang pagkakaiba ng halaga ng interes, sa kasong ito ay AUDUSD, gaya ng pagkwenta natin kanina ay 6.25 menos X, kung saan ito ang broker s cut, na siyang katumbas ng Y. Sa gayon, 6.25 X = Y. Kaya ang Y ay ang numero na mas mababa sa 6.25 na idadagdag sa iyong account tuwing gabi para sa iyong bukas na posisyon sa AUDUSD.

Ang pagkwenta sa negatibong swap, kung saan ay maaalis sa mula sa iyong accounttuwing gabi para sa anumang bukas na posisyon ay tulad nito:

Sa kasong ito ang pagkakaiba ng halaga ng interes ay 6.25 na dolyar menos ang brokers cutna nangangahulugang 6.25 na dolyar menos X ay katumbas ng Z at sapagkat negatibo ang halaga ng interes dito kaya ang Z ay negatibo din. Kung titingnan mo ngayon ang platform, halimbawa dito tayo ay bumili at nagbenta ng isang lot ng AUDUSD. Kung titingnan mo ng mabuti, ang positibong swapay 27.40 at ang negatibong swap ay -35.93. Ibig nitong sabihin na ang positibong swap ay laging mas mababa sa negatibong swap. Ito ay dahil sa ang brokers cut sa positibong swap ay ibinabawas at sa negatibong swap ay idinadagdag sapagkat pareho silang negatibo. Mahalaga na malaman na tuwing Miyerkules, ang swap ay sinisingil ng tatlong beses sa account dahil sa weekends (sarado ang merkado tuwing Sabado at Linggo). Samakatuwid, tuwing Miyerkules, ang bukas na posisyon ay masisingil ng tatlong beses sa halaga ng positibo o negatibong swap.

Complementary Definitions in Financial Market - Calculate Swap - Positive and Negative Swap

Hedge

Ang Hedge o Hedgingay isang pamumuhunan sa indibidwal na pagpapalitan na magkasabay sa dalawang paraan. Sa simpleng pakahulugan, ito ay ang pagbenta o pagbili ng uri ng assetna magkasabay. Ang layunin ng hedging ay ang igarantiya ang presyo ng assethanggang sa nakatakdang oras sa hinaharap. Sisiguruhin nito ang offsetng potensyal na pagkabawas o pagdagdag sa asset. Halimbawa, ang isang negosyante ay sang-ayon na bumili ng powder na tsokolate mula sa ibang bansa at aabutin ng dalawa hanggang tatlong buwan upang ito ay maihatid sa kanya. Sa loob ng panahong iyon maaari niyang maranasan ang matinding fluctuationsa merkado. Maaari itong positibo o negatibo. Samakatuwid, binabalak niya din na ibenta ang kaparehas na dami ng powder ng tsokolate nabinili niya sa pamamagitan ng pagbubukas ng bagong account ng magkasabay. Sa ganitong pagkakaayos, kung tumaas ang presyo ng powder ng tsokolate, gayundin ang asset na kanyang binili at ang posisyon niya sa pagbenta ay haharap sa pagkalugi sa parehas na dami. Sa simpleng pakahulugan, ibig nitong sabihin na siya ay break even. At sa kabaligtaran, kung ang presyo ng powderna tsokolate ay bumaba, ay posisyon niya sa pagbili ay magkakaroon ng tubo at muli ang kanilang pagkakaiba ay magiging pareho lang at siya ay magiging break even muli. Sa ganitong paraan, lahat ng negosyante ay makakasiguro sa kanilang asset sa loob ng merkado. Mayroon din isa pang paraan, ito ay tinatawag na Arbitrage, kung saan ito ay kilala sa panghinaharap na kalakalan. Pag-uusapan natin ito sa mga susunod na sesyon.

Carry Trading

Ang susunod na paksa ay ang Carry Trading, na ginawa hindi lang para gumawa ng tubo sa sarili nitong posisyon, kundi upang gumawa ng tubo sa pagkakaiba ng halaga ng interes. Halimbawa, kung titingnan mo ang palitan na ginawa natin dito, kung saan ay isang lot sa AUDUSD, ang pagkalugi sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay magiging dalawampu t apat na dolyar at ang halaga ng swapay dalawampu t pitong dolyar na nangangahulugang kahit na ang posisyon nito ay haharap sa pagkalugi, ang swap nito ay positibo. Habang mas matagal na nakabukas ang swap, ganoon din karami ang swap na makukuha nito at ang numero ay magiging makabuluhan. Kaya ang carry trade ay ang mga tumutubo mula sa pagkakaiba ng halaga ng interes o swap.

Complementary Definitions in Financial Market - Hedging Trading Strategy in Fluctuating Forex Market Symbol

Ang mga kalakalang ito ay madalas ginagawa sa mataas na antas ng pagpapalitan. Ang mga panig na interesado sa ganitong kalakalan ay mangangailangan ng dalawang magkaibang broker:ang isa ay malaya sa swap o malaya sa halaga ng interes at ang isa ay may swap. Sa nakikita ninyo sa platform, bumili tayo at nagbenta minsan at nagtapos sa negatibong swap na tatlumpu t limang dolyar at positibong swap na dalawampu t pitong dolyar, kaya upang magkaroon ng tubo, kailangan mong makipagkasundo sa isang broker na may swap. Para sa positibo at negatibong swap kinakailangan mong makipagkasundo sa isang broker na malaya sa swap o sa halaga ng interes. Isa sa mga broker na nag-aalok ng malayang swap ay ang ICM (International Creative Management Broker).

Complementary Definitions in Financial Market - Carry Trade and Exchange Rate - Metatrader 4

Kung titingnan mo ng mabuti ulit, ang mga posisyon ay naiwang nakabukas dito sa loob ng ilang araw at wala itong kasamang swap.

Ang isang lotna kalakalan sa AUDUSD, kung saan ay nasa kalakalan na ng ganitong broker, ay hindi kasali sa anumang swap. Sa ganitong paraan, makakabili tayo sa iba pang broker tulad ng FXPRO upang magkaroon ng tubo mula sa positibong swap, at magbenta sa iba pang broker na walang swap. Sa ganitong paraan, tayo ay nag-hedge , na ang ibig sabihin hindi tayo nagkaroon ng tubo o lugi ngunit sa tamang oras ang halaga ng swap ay tataas ng malaking halaga. Pagdating naman sa carry trades, ang pinaka-kilalang palitan sa merkado na interesado ang maraming panig ay ang AUDJPY at AUDUSD. Kung inyong napapansin, may mas malaking posibilidad na bumili ng palitan sa mas mataas na halaga ng interes, na magreresulta sa swap. Samakatuwid, nakakaapekto ang swap sa proseso, sapagkat ang mga mangangalakal ay nais bumili upang sila ay magkaroon ng tubo at mangalap ng swap, ibig sabihin ang mga panig ay madalas tumututok sa mga kalakalan kung saan sila ay magkakaroon ng tubo at makakakolekta ng swap ng sabay. Kung nais mong gumawa ng tamang hakbang sa ganitong uri ng palitan, nararapat na magkaroon ka ng perpektong pang-unawa sa market inflation sa oras na iyon. Ibig sabihin, sa oras ng mataas na inflation, upang magkaroon ng tubo at swapna iyong dapat bilhin, at kung nakakaranas ng flat market o market turndown, nararapat na balaking magbenta. Halimbawa, ang FXPRO brokersa AUDUSD para sa lingguhang panahon, kapag ang merkado ay nakakaranas ng inflation, ang halaga ng ganitong palitan ay mabilis tumataas. Ito ay may magandang tubo at swap, at may zigzag na ruta sa ordinaryong merkado, kung saan ay abot-kaya pagdating sa swap. Gayunpaman, sa market deflationang halaga nito ay tataas muli pagkatapos ng matinding pagbaba. Pinapakita nito ang pataas na takbo ng merkado sa pares ng pananalaping ito.

Complementary Definitions in Financial Market - Positive and Negative Swap Interest Rate on a Currency

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates