Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns Forex Market

Continuation at Reversal Head and Shoulder na Pattern

10 1 Vote
Instructor

Continuation at Reversal Head and Shoulder na Pattern

Ikadalawampu t Siyam sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, ang Continuation at Head and Shoulder naPattern ay tatalakayin. Bago ang karagdagang paliwanag tungkol sa mga patternna ito, ang mga mangangalakal ay kailangan alamin ang ilang mga kinakailangan na isyu.

Neckline Downtrend

Ang Neckline ay maaaring iguhit ng mangangalakal sa pamamagitan ng pagkonekta ng lambak ng kaliwang balikat sa lambak ng kanang balikat. Ang kaliwang lambak ay nasa pagitan ng kaliwang balikat at Ulo, habang ang kanang lambak ay nasa pagitan ng Ulo at kanang balikat. Dahil sa katotohanan na ang Head and Shoulder ay isang pasalungat na pattern, ang pagkakaayos na ito ay mabubuo sa pataas na takbo ang kahihinatnan ay ang makikitang takbo ay pababa habang ang presyo ng merkado ay lumalampas sa neckline.

Neckline Uptrend

Muli, ang Neckline ay maaaring iguhit ng mangangalakal sa pamamagitan ng pagkonekta ng tuktok ng kaliwang balikat sa tuktok ng kanang balikat. Ang kaliwang tuktok ay nasa pagitan ng kaliwang balikat at Ulo, habang ang kanang tuktok ay nasa pagitan ng Ulo at kanang balikat. Sapagkat ang pagkakaayos ng Head and Shoulders ay mabubuo sa pababang takbo, ang nahulaang direksyon ng presyo ay magiging pataas pagkatapos nito lumampas sa neckline.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Valley and Downward Trend of Neckline

H Height

Ang patayong linya sa pagitan ng tuktok ng Ulo at Neckline sa pababang takbo o ilalim ng Ulo at Neckline.

Entry Price

Ang order entry price ay ang punto kung saan ang Neckline ay lumampas sa presyo ng merkado.

Take Profit

Ang Take Profit ay katumbas ng H o kalahati ng H value.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Trading Entry Price - Take Profit and Stop Loss Price is Height of Pattern

Stop Loss

Sa pababang paraan, ang Stop Loss ay nasa ibabaw ng dulo ng kanang balikat, habang sa pataas na paraan, ang presyo ng Stop Loss ay maaaring ilagay sa ilalim ng lambak ng kanang balikat.

Last Kiss

Ang Last Kiss ay isang naaayong pwesto kung saan ang mga mangangalakal ay maaaring maglagay ng order, ito ay nangyayari tuwing ang presyo ay bumabalik sa Neckline pagkatapos nito lumampas nung una.

Ang mga graph ay nagpapakita ng paglalarawan ng iba t-ibang pattern ng Head and Shoulder. Mayroong tatlong iba t-ibang pasalungat na uri na may maliit na kaibahan. Sa isang pataas na takbo, sa unang graph, ang presyo ay kumikilos pataas sa isang pataas na takbo hanggang maabot nito ang tuktok ng kaliwang balikat, saka ang maliit na pagbaba ay susundan ng isang pataas na takbo sa tuktok ng Ulo, isang pagbaba ang susundan ng isang pagtaas at hindi magtatagal, ang pababang paggalaw ay lalampas sa necklinena may karagdagang pagbaba. Ang gitnang graph ay nagpapakita ng isa pang halimbawa ng pataas na takbo. Ang Kaliwang balikat, Ulo at kanang balikat ay nabuo at ang Neckline ay maaaring maiguhit sa pataas na takbo sa pamamagitan ng pagkonekta ng lambak ng kaliwang balikat sa lambak ng kanang balikat. Ang H ay isang patayong linya mula sa tuktok ng Ulo papunta sa Neckline. Ang Neckline minsan ay pahalang habang ito ay madalas may slope. Ang kanang itaas na graph ay nagpapakita ng Neckline sa gradientna linya kung saan ang mangangalakal ay hindi naglalagay ng anumang orderdahil sa hindi tama o huling entry price.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Downtrend and Uptrend Neckline Exit Price

Sa pababang paraan, ang Neckline ay nagkokonekta sa tuktok ng kaliwang balikat papunta sa tuktok ng kanang balikat. Ang H ay ang patayong linya sa pagitan ng ilalim ng Ulo at Neckline. Ang pababang Necklineay makikita sa kaliwang graph, habang ang pataas na neckline ay makikita sa kanang graph na may huling breakout point na hindi naaangkop sa paglalagay ng order. Ang Entry point ay ang breakoutna presyo kung saan ang presyo ay lumampas sa neckline, kaya pataas na takbo ang mangangalakal ay makakapaglagay ng Sell order sa isang breakout point, sa tatlong pinakamataas na graph. Ang tatlong mabababang graphay nagpapakita ng pababang merkado, kung saan ang mangangalakal ay naglalagay ng Buy order sa isang breakout point. Ang Stop Loss sa Sell order ay maaaring nasa ibabaw ng tuktok ng kanang balikat habang ang Buy order ay maaaring mas mababa kaysa sa lambak ng kanang balikat.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Bullish and Bearish Neckline

Mayroong tatlong iba t-ibang uri ng relasyon sa pagitan ng H at kanang balikat. Ang kaliwang graph ay nagpapakita ng patternna ang taas ng kanang balikat ay mas mababa sa H/2. Ang uring ito ng Head and Shoulder ay kumakatawan sa pinakamagandang oportunidad upang maglagay ng Sell order. Ang gitnang graph ay pinapakita na ang H/2 ay katumbas ang taas ng kanang balikat, kaya ang TP at SL ay may parehas na halaga ngunit sa magkasalungat na direksyon. Ang kanang graph ay nagpapakita na ang taas ng kanang balikat ay mas mataas kaysa sa H/2. Sa uring ito, ang halaga ng SL ay mas malaki kaysa sa TP, kaya ang uring ito ay hindi mairerekomenda na maglagay ng order. Kadalasan, ang TP ay iniaayon sa halaga ng H/2 na malayo sa breakout point. Ang kaliwang ibabang graph ay nagtuturo ng pinakamagandang kondisyon para sa mangangalakal upang maglagay ng Sell order, kung saan ang Neckline ay may pataas na takbo. Ang kanang ibabang graph ay nagpapakita ng pinakapangit na kondisyon para sa mangangalakal na maglagay ng Sell order, kung saan ang Necklineay may pababang takbo.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Breakout Entry Price - Height H is Close Price

Ang Bullish at Bearish Head and Shoulderna pattern ay may parehas na kondisyon at paraan kung ang pag-uusapan ay ang relasyon sa pagitan ng taas ng kanang balikat at H/2.

Continuation Head and Shoulder

Ang Continuation Head and Shoulder ay pinapakita sa mga sumunod na graph. Ang kaliwang graph ay nagpapakita ng pataas na takbo, kasunod ang maliit na pagbaba. Ang kaliwang balikat, Ulo at kanang balikat ay nabuo na may pataas ng direksyon na lumampas sa Neckline. Sa paglilinaw, ang pataas na takbo ay sinundan pagkatapos na ang head and shoulder ay mabuo, kaya, ang pattern na ito ay nauuri bilang continuation. Sa kanang graph, ang continuation head and shoulder ay nabubuo.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Support and Resistance, Peaks and Valleys

Ang Head and Shoulder ay isang natatanging patternna nagbibigay ng parehas na continuation at pasalungat na pagkakaayos.

Ang mangangalakal ay maaaring suriin ang MT4 para sa ilan pang halimbawa. Halimbawa, mayroong pasalungat na head and shoulder. Ang mangangalakal ay maaaring iguhit ang kanyang pigura sa pamamagitan ng Trendline option sa toolbar. Ang kaliwang balikat ay kasunod ang Ulo at Kanang balikat, upang ang neckline ay maiguguhit ng madali. Ang paggalaw ng takbo ay maaaring mahulaan sa pamamagitan ng paggamit ng pattern ng Fibonacci sa H na linya. Ang Fibonacci ay nagpapakita na ang takbo ay nalampasan ang halaga ng H/2 kasunod ang pagbaba, gayunpaman, ito ay lumampas sa halaga ng H mula sa breakout point. Ang mangangalakal ay kailangan magsanay ng lubusan upang mapahusay ang kanyang abilidad sa pagkakalakal. Mas madaling gumuhit ng assymetrical head and shoulder na patternkung saan ay mahirap itong tukuyin.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - Fibonacci, Support and Resistance Levels

Mayroong isa pang halimbawa, na may mahabang kaliwang balikat kasunod ng Ulo at maliit na kanang balikat, kung saan ang necklineay isang pataas na linya. Parehas na kaliwa at kanang lambak ay konektado, at Fibonaccina pattern ay iginuhit na may patayong pagkakaayos sa H, saka ito maaaring ilipat ng pwesto sa breakout point upang makilala ang H/2 at H na punto. Ang takbo ay sinundan ng pababang direksyon at nalampasan ang H/2 na presyo. Sa halimbawang ito, ang mangangalakal ay maaaring gumuhit ng ibang patternng head and shoulder, gayunpaman, ang breakout point nito ay masyado ng huli. Ang pattern ng continuation head and shoulderay madaling maiguguhit sa pababang takbo. Ang Neckline ay maaaring iguhit sa pamamagitan ng pagkonekta sa kaliwa at kanang lambak, na may pataas na direksyon. Ang Fibonacci na pattern ay maaaring tumulong sa mangangalakal na madaling hanapin ang H/2 at H na presyo, katulad ng nakalipas na halimbawa. Parehas na H at H/2 na presyo ay maabot ng presyo ng merkado.

Isa pang halimbawa ang makikita sa D1 na haba ng oras. Sa pataas na takbo, ang continuation head and shoulder ay maaaring iguhit. Ang halimbawa ng Fibonacci ay inilagay sa H na linya. Ang mangangalakal ay maaaring ibahin ang pwesto ng Fibonacci na linya upang ibaba ang alingawngaw sa tsart. Ang H/2 at H ay naabot ng takbo ng merkado. Mayroong maraming halimbawa ng iba t-ibang haba ng oras ng isang simbulo. Ang mangangalakal ay maaaring makita ang pattern ng Head and Shouldersa H4 na haba ng oras, upang ang isang rehiyon ay maaaring markahan para sa karagdagang pag-aaral. Ang kaliwang balikat, Ulo at kanang balikat ay maaaring mabilis na matukoy. Magkakaroon ng iba t-ibang haba ng balikat sa isang pattern, kaya, ang Head and Shoulders ay maaaring maging assymetric na pattern. Isa pang pasalungat na head and shoulder sa pababang takbo. Ang nakalipas na pattern ay isang pataas na linya, habang ang bagong halimbawa ay may pababang neckline.

Continuation and Reversal Head and Shoulder Patterns - H and H/2 on MetaTrader Price Charts

Ito na muna sa sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates