Different Types of Trading Account - Floating and Fix Spread

Iba\\'t-ibang Uri ng Account na Pangkalakal

0 0 Vote
Instructor

Iba\\'t-ibang Uri ng Account na Pangkalakal

Ika-walong Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, tatalakayin natin ang Iba t-ibang Uri ng Account na Pangkalakal at kung paano pumili ng isa, gayundin ang Micro Market o Market Makersa Direkta o STP Account.

Maraming mga tao na nagnanais magbukas ng account sa isang broker at simulan ang kanilang negosyo ay hindi alam kung paano pumili ng kanilang account. Nawa sa pagtatapos ng sesyon na ito ay mararamdaman mo na mas panatag ka sa pagpili ng tamang desisyon.

Fixed Spread Account

Ang unang uri ng accountna pangkalakal ay ang Fixed Spread account. Halimbawa, ang pinakamaliit na halaga ng spread ay mula 2 pips sa EURUSD, sa isang hindi matatag na merkado na maraming pagtaas at pagbaba, ito ay hindi nagbabago, nananatili itong sa parehong estado.

Ang spreaday isang halaga na may apat na numero. Ang mga broker ay madalas nag-aalok ng spread sa kanilang mga mamimili ng walang pagbabago sa halaga, dahil dito ginagarantiya nila ang halaga nito laban sa matinding fluctuationsa iba t-ibang uri ng order ng mga mamimili tulad ng mga nabitin na order, lalo na sa take profit at stop loss sa isang order.

Floating Spread Account

Ang ikalawang uri ng account na pangkalakal ay ang Floating Spread account. Nagsisimula ito sa mas mababang halaga kaysa sa fixed spread account. Halimbawa, sa EURUSD nagsisimula ito sa 1.5 pips, gayunpaman, kapag ang merkado ay nakakaranas ng matinding fluctuation, ang spread ay tumataas sa mas mataas na makabuluhang halaga. Sa kasong ito sa EUDUSD, ito ay tatlo hanggang apat na beses na malaki kaysa sa pinakamababang halaga nito. Ito ay kilala bilang spread widening .

Different Types of Trading Account - Fix and Floating Spread - STP, NDD and ECN - Commission and Spread Fee

Ang mga accountna ito ay madalas nasa limang numero na format, kung saan ay mas madali itong nakikilala. Dahil sa fluctuation sa loob ng merkado nagbabago ang spread margin. Habang nagbabago ang margin na ito, direkta nitong naaapektuhan ang iyong mga order, na maaaring magresulta sa kusang pagbukas o pagsara ng anumang order na mayroon ka.

Different Types of Trading Account - Different Trading Account of Exness - Cent, Mini, Classic and ECN

Direktang Account

Ang ikatlong uri ng account na pangkalakal ay ang direktang account.

Ito ay nahahati sa:

  • STP o Straight Through Processing account
  • ECN o Electronic Communication Network account
  • NDD o Non Dealing Desk account

Base sa mga accountna ito, inaaako ng mga broker na nag-aalok sila ng matuwid na accountsa merkado at wala itong kasama na pagmamanipula. Ibig lang nitong sabihin na lahat ng pagkabawas o pagdagdag ay direktang larawan ng merkado at ang walang kinalaman ang broker sa proseso nito. Ang mga uri ng account na ito ay nasa limang numero din na format at ang mga transaksyon ay ginagawa ng napakabilis sapagkat ito ay may interbank na koneksyon kung saan ang isang panig ay nakikipagkasundo.

Mga Uri ng Komisyon at Spread

Ang dapat mong malaman tungkol sa mga account na ito ay may ilang broker na nangongolekta lamang ng spread, ang iba ay pinagsamang spread at komisyon, habang ang ilang ay komisyon lamang.

Different Types of Trading Account - MT4 Fixed, Floating, NDD and Ctrader STP Fibo Group - Leverage and Commission

Kung titingnan natin ngayon ang ilan sa mga website dito, halimbawa sa Exness, makikita mo na ang panimulang halaga ay nasa pamantayan, ang cent at ang mini account, at ipinapakita nito ang zero para sa ECN account na madalas tumutukoy sa komisyon ng broker.

Ngayon ay magpunta tayo sa FIBO group na website, sa nakikita mo, mayroong iba t-ibang account dito, fixed, floating, NDD at STP. Ang pinakamababang spread para sa fixed account ay 2, para sa floatingay 0.8, para sa NDD at STP ay nagsisimula sa zero. Mayroong komisyon na sinisingil dito na 0.003% ng kabuuan.

Tingnan naman natin ang isa pang website ng broker, ang Alpari-Forex, muli ang balance ng account ay makikita dito.

Ang isa pa ay ang ICM, na nagbibigay sa mga mamimili ng iba t-ibang account tulad ng Micro, Prime at Professional account. Ang natatanging brokerna ito ay hindi nag-aalok ng anumang ECN na account sa mga kliyente nito.

Kahinaan ng Direktang Account

Ngayon ay pag-usapan natin ang kahinaan ng direktang account. Madalas ina-anunsiyo ng mga broker ang ganitong uri ng account at hinihimok ang mga mamimili na magbukas ng ganitong account, ang floatingat lalo na ang ECN. Gayunpaman, kailangan mong malaman na ang ganitong mga account ay madalas magandang piliin para sa pinansyal na institusyon na may malaking halaga ng kapital, at hindi sa mga indibidwal na panig.

Different Types of Trading Account - Nano, STP and NDD Accounts in Alpari - MetaTrader MT 4

Ito ay dahil sa ang mga account na ito ay may kasamang pagtaas ng spread, hindi gaya ng floating accounts kung saan ang spread ay mapapalawak lamang sa ilang halaga.

Halimbawa, sa EURUSD maaari itong tumaas hanggang dalawampu t siyam na pips at sa merkado ng ginto maaari itong tumaas hanggang isang daan at dalawampu, isangdaan at tatlumpu hanggang isangdaan at limampung pips. Maaari din itong magkaroon ng mabilis na pagbagsak sa leverage kapag ang merkado ay nakakaranas ng matinding fluctuation at maaari itong bumaba sa rationa 1:25 (1 to 25).

Halimbawa sa ECN account, sa nakikita mo, ang halaga ng leverage ay pabago-bago at maaaring bumagsak anumang oras. Ito ay napakadelikado para sa account at sa may hawak ng account. Kaya kailangan na isandaang porsyento kang nakatutok kapag pumipili ng account.

Ang pinakadelikadong panahon kung saan maaaring magkaroon ng malaking pagkalugi ang isang panig ay kapag mayroon itong nabitin na order. Ito ay dahil ang mga order ay hindi pa isandaang porsyentong sigurado, ngunit maaari na itong mabuo anumang oras; mayroon ito laging malaking panganib na ang spreaday tataas. At muli, kapag nagsasara ng account, ang pagbagsak ng leverageay dilikado na magdudulot ng seryosong problema sa mga mamumuhunan.

Market Maker (Dealing Desk)

Ito na ang panahon upang ipakilala sa iyo ang Market Maker o Dealing Desk. Madalas na maraming tanong ang mga mamumuhunan tungkol dito at kung paano ito gumagana. Una sa lahat, ikukumpara natin ang Market Maker sa STP. Ang pinaikling salita sa market maker ay maipapakita bilang MM o DD (Dealing Desk). Sila ay mga broker na tinatanggap ang panganib na hawakan ang ilang mga sharesng natatanging security, upang mapangasiwaan ang kalakalan sa securityna iyon.

Different Types of Trading Account - Minimum Deposit - Trading Platform - Prime and Professional - Leverage and Commission

Ibig nitong sabihin na lahat ng transaksyon ay base sa pamamahala ng panganib ng isang brokerat hindi base sa natatanging uri ng account. Hindi ito kaugnay sa uri ng account tulad ng floating spread, fixed spread o STP. Maraming mga maling paniniwala tungkol sa bagay na ito. Sabi ng iba na sa market maker, ang mga order ay hindi natatanggap at bawat isa ay ipoproseso muna; na ang tubo ng mamimili ay katumbas ng pagkalugi ng broker, at sa STP account, ang mga broker ay maaari lamang kunin ang kanilang komisyon; o ang mga account na may apat na numero ay hindi makakarating sa merkado at tanging ang mga limang numero na account lamang ang nararapat sa merkado.

Gaya ng sabi kanina, ito lahat ay mga maling paniniwala at upang maging malinaw ang lahat sa iyo, ilalarawan natin sa hinaharap ang lahat ng ginagawa ng mga broker.

Ang katotoohanan ay ang fixed spread account ang posibleng pinakamagandang accountpara sa mga mamimili, upang makagawa sa merkadong ito ng malaya at malinaw.

Different Types of Trading Account - Market Maker and Dealing Desk against STP NDD - Leverage

Ang serbisyo na inaalok ng mga mapagkakatiwalaang broker sa mga mamimili ay pinakanararapat na halaga at ang posibleng pinakamagandang alok tungkol sa proseso ng pagbili at pagbenta. Ibinabahagi din nila agad ang impormasyon sa mga mamimili, tulad ng presyo sa bangko.

Nag-aalok sila ng posibleng pinakamagandang alok sa kanilang mga mamimili upang maging mas mabilis para sa kanila ang makipagkalakal.

Kaya din nilang kontrolin ang leverage at cash float value sa pamamagitan ng panloob na transaksyon at hayaan ang spread na tuloy-tuloy. Ang mga ingay sa merkado ay ang tinatawag nating anumalya sa merkado, isang presyong nakalista na mas mataas sa lahat at wala sa lugar; ang mga ito ay nasala na para sa iyo.

Kailangan nating sabihin muli na sa mapagkakatiwalaang broker, ang iyong pagtubo at pagkalugi ay hindi nakakaapekto sa uri ng iyong account maging mali man o hindi ang paghula mo sa takbo ng merkado. Ipoproseso ng broker ang iyong order sa oras na magawa mo iyon, at ayon sa float ng merkado at kapital sa oras na iyon, alinman sa ikaw ay tutubo o haharap sa pagkalugi.

Different Types of Trading Account - Cash Float and Market Chaos - Decimal digit of Symbol on MetaTrader

Kailangan mo din malaman na palaging maraming anunsyo para sa floating at ECN accounts, kung saan, gaya ng sinabi natin nung nakaraan, ay hindi nararapat para sa mga mamimili kumpara sa fixed spread account na may mas nababagay at kapaki-pakinabang na pagpapaliwanag.

Ang kaalaman sa lahat ng ito ang magbibigay sa iyo ng mas ligtas at mas madaling paraan upang masagawa ang iyong mga adhikain.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates