Different Types of Trading Method- Scalping and Slippage

Iba\\'t-ibang Uri ng Istratehiya sa Pagkakalakal

0 0 Vote
Instructor

Iba\\'t-ibang Uri ng Istratehiya sa Pagkakalakal

Ika-siyam na Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, pag-uusapan natin ang Iba t-ibang Uri ng Istratehiya sa Pagkakalakal gayundin ang Scalper, Expert at account sa Pamamahala. Tatalakayin din natin ang ibig sabihin ng slippage.

Biglaang Pagsasagawa

Una, titingnan natin ang Biglaang Pagsasagawa. Dito, ipoproseso ng broker ang kahilingan sa pagbili o pagbenta mula sa isang mamumuhunan sa eksaktong presyo na ginawa nila. Ang mga kahilingan mula sa mga mamumuhunan na magbenta at magsara ng order isinasagawa sa parehas na paraan. Kung ang brokeray hindi agad naisagawa ang kahilingan ng mamumuhunan ng dahil sa fluctuationsa merkado, magbibigay ang broker sa mamumuhunan ng pagbabago sa presyo o ng isang re-quote. Ang mga mapagkakatiwalaang broker ay babalaking i-aplay sa float markets ang mga kahilingan ng mamimili sa pinakamabilis na paraan.

Pagsasagawa sa Merkado

Ngayon ay tingnan natin ang Pagsasagawa sa Merkado. Dito, ang broker ay maaaring bumili, magbenta o magsara ng kalakalan sa posibleng pinakamalapit na tamang presyo.

Halimbawa, isipin na ang presyo ngayon ng EURUSD ay nasa 1.3800 at binalak mo na magbukas o magsara ng order sa oras na ito; ang iyong broker ay papayagan lamang na magbukas o magsara ng iyong order sa ilan lamang na pagbabago sa pip tulad ng 1.3803 o 1.3798.

Ang uri ng accountna ito ay pinakamainam sa mga mangangalakal kung saan ang price index ay napakamahalaga, at sa mga naghahanap ng posibleng pinakamababang pip.

Scalper

May mga tao sa merkado na kilala bilang Sclaper, na palaging gumagawa ng napakaraming transaksyon at kalakalan sa maliit na tubo at pagpapalit. Hindi sila gumugugol ng malaking oras sa merkado at madalas nagbabalak na isara ang kanilang posisyon sa maliit lamang na tubo. Ang kahihinatnan nito, hindi madalas sinusuportahan ng mga broker ang mga Scalper at ang panig na naghahanap ng bukas na account sa isang broker ay dapat maingat sa ganito.

Different Types of Trading Method - Instant and Market Execution - Scalper and Slippage or Delay

Slippage

Ngayon ay oras na upang pag-usapan ang isang bagay na tinatawag na Pagkaantala o Slippage. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba ng oras mula ng sandaling makita ng mamumuhunan o mangangalakal ang presyo hanggang sa oras na marehistro sa kanila ang kahilingan sa kanilang order. Ang pagkaantala na ito ay madalas nangyayari dahil sa malaking fluctuation sa merkado at paglawak ng spread.

Ngunit may mga accountsa Slippage na napapangasiwaan ng mga broker, upang maitatag ang pagkaantala sa isang order. Ito ay posible lamang sa ilang mga mangangalakal na may natatanging mga account. Sa paraang ito, maaaring maglagay ng oras ng pagkaantala ang isang broker para sa accountng sa gayon ang anumang order ay naiimpluwensyahan ng pagkaantalang ito. Ito ay uri ng patakaran ng broker.

Kung naramdaman mo na ang bilis ng platform ay bumagal at mayroong pagkaantala sa tuwing interesado ka na maglagay ng order, posible na ang iyong account ay napalitan na ng slippage na account.

Upang malampasan ang ganitong problema, kailangan mong magbukas ng bagong account sa iyong pangalan o sa iba; kung kinakaharap mo pa din ang parehong problema, kailangan mo ng humanap ng ibang broker sapagkat posibleng ang lahat ng accountna iyong ginagamit ay napalitan na ng slippage na account.

Expert

Ngayon ay pag-uusapan natin ang tungkol sa Expert. Ang Expert ay isang softwarena bahagi ng Meta trader software kung saan ay pinapayagan ka na gumamit ng mathematical na lohika, at hinahayaan ka na gumawa ng programa na may kakayahang bigyan ka ng babala, o magbalak na gumawa ng kasunduan ng kusa.

Different Types of Trading Method - Scalper, Slippage or Delay - Broker Policy of Instant or Market Execution

Kritikal na sabihin na walang Expert na makakagawa lagi ng tubo, makakagawa ito ng tubo sa saglit na panahon o sa tiyak na panahon, ngunit pagkatapos ng panahon na iyon ay magpapakita ito ng pagkatalo.

Kung ang mga mangangalakal ay nagpapakita ng programa ng Expert at naghahayag na ito ay naging matagumpay sa saglit na panahon hindi ito naggagarantiya na ang programang ito ay magiging pareho din sa hinaharap. Ito ay lubos na mahalaga, kailangan maging napakaingat ka sa kapag nakikipagkasundo sa ganitong paksa.

sa Pamamahala

Ang sumunod ay mayroong tatlong account sa pamamahala, ito ay base sa percentage.

Different Types of Trading Method - Expert Advisor - Percentage Allocation Management Module

Ang unang uri ay ang PAMM o Percentage Allocation Management Module.

Ang mga PAMM account, kung saan ay mas kilala sa mga broker, ay madalas hawak ng isang taga-pamahala na siyang nagdedesisyong ng halaga ng pagpapalitan. Base sa halaga na kanilang kinakalakal at sa capital flow na ipinagkatiwala sa kanila ng kanilang mga tagasunod, ang kapital ay hahatiin sa iba t-ibang mga account. Ang isang tagasunod ay maaaring pumili na ipuhunan ang bahagi nito sa kanilang account, sabihin nating sampung porsyento sa isang taga-pamahala at ang isa pang bahagi, sabihin nating dalawampung porsyento sa isa pang taga-pamahala.

Ang ikalawang uri ay ang MAM o Multi Account Management.

Ang mga MAM accountay mas flexible, sapagkat ang taga-pamahala ay maaaring magtakda muli ng mataas na leverage sa isang account sa MAM mula sa mga mamumuhunan na may mas mataas na paglaban sa panganib at sumang-ayon dito.

Ang ikatlong uri ay ang LAM o Lot Allocate Manager.

Sa LAM account, ang taga-pamahala ang magdedesisyon sa saktong halaga ng lot para sa posisyon.

ZULUTRADE

Ang pinakamalaking websitena may pinakamataas na bilang ng mamumuhunan gayundin ang taga-pamahala ng asset ay ang ZULUTRADE.

Sa site na ito, makikita mo ang lahat ng impormasyon na iyong kailangan; halimbawa, ang dami ng kalakalan na nagawa hanggang ngayong araw na ito at listahan ng mga mamumuhunan na may pinakamagandang account at iba pa.

Kung pipindutin mo ang performance at titingnan ito lahat, makikita mo sa susunod na pahina ang mga tao na gumagawa bilang taga-pamahala.

Halimbawa, ang tao na nasa unang numero dito at may pinakamagandang ranggo dito ay may accountsa HotForex. Gumagamit sya ng Expert at halos 1.8 na milyong tao ang tagasunod niya sa kanyang account.

Different Types of Trading Method - ZuluTrade Suitable for Investors and Asset Managers - PAMM

Ang halaga na 4.8 milyon na dolyar na iyong nakikita ay galing sa 5,325 na indibidwal at sa loob ng limampu t limang lingo ay tumubo ito ng 785 na porsyento. Ngunit gaya ng nabanggit natin kanina, walang kasiguraduhan na mangyayari ito sa hinaharap at makikita mo ang lahat ng iba pang taga-pamahala mula dito.

Ang mga taga-pamahala na makikita mo sa website na ito bilang mga taga-pamahala sa negosyo ay babagsak sa dalawang magkaibang grupo.

Sa unang grupo, ay ang mga taga-pamahala na gumagawa sa demo account at madalas gumagamit ng expert; sa software na ito pinaplano nila ang programa na mayroon sa kanilang isipan at hahayaan ang mga mamumuhunan na sumunod sa kanila. Ang resulta ay madalas hindi kahanga-hanga, sapagkat ang mga taga-pamahala mismo ay hindi bilib sa sarili nilang dinesenyong mga plano at mabilis mo itong masasabi dahil mayroon silang demo account.

Ang karamihan ng mga taga-pamahala ay nasa ikalawang grupo. Mayroon silang totoong accountna may nakapasok na puhunang kasing laki ng limang libong dolyar hanggang limampung libong dolyar. Kapag ang bilang ng tagasunod, na nagdesisyon na sundan ang kanilang plano sa negosyo ay tumaas, magkakaroon sila ng maraming pagkakamali dahil sila ay nahaharap sa matinding pwersa sa oras na iyon. Bilang resulta, maaaring humarap sa malaking pagkalugi ang kanilang mga tagasunod.

Different Types of Trading Method - High Profit and Capital of Traders - Performance Table

Mahalaga na banggitin na ang paggamit ng experts at account sa pamamahala ay hindi maimumungkahi sa ilalim ng anumang pangyayari sapagkat may kasama itong mataas na panganib.

Gayundin, karamihan ng mga taga-pamahala sa website na ito ay walang sapat na kontrol sa sistema ng kanilang plano at hindi kayang panghawakan ng tuloy-tuloy ang kanilang sitwasyon.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2019 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates