Divergence and Convergence -Bullish and Bearish Reversal Analysis

Divergence at Convergence

0 0 Vote
Instructor

Divergence at Convergence

Ika-apatnapu t Dalawang sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito ang Divergence at Convergence ay pag-aaralan ng mabuti .

Divergence at Convergence

Kapag ang dami ng transaksyon ay hindi sumusuporta sa binigay na direksyon ng takbo sa kabila ng patuloy na pagtaas nito, saka lalabas ang Divergence at Convergence. Halimbawa, ang presyo ay tumaas sa tiyak na antas na may pataas na direksyon, gayunpaman , karamihan sa mga mangangalakal ay walang pagkakataon na maglagay ng orderng Pagbili at ang ilan ay nagsara ng kanilang mga order. Sa kundisyon ng Convergence at Divergence, ang takbo ay nagpapatuloy sa kasalukuyan nitong direksyon na may maliit na mga order na nilagay ng mga mangangalakal.

Divergence

Sa estado ng Divergence, ang presyo ng merkado ay nagpapatuloy sa pataas nitong direksyon at ang mga panibagong tuktok ay mas mataas sa nakaraang mga tuktok na may pataas na takbo, gayunpaman, ang takbo ng oscillator ay pababa at ang mga panibagong alon at tuktok ay mas mababa kasya sa naunang mga alon. Pinapakita nito na hindi sinusuportahan ng mga mangangalakal ang patuloy na pagtaas, ngunit ang presyo ng merkado ay tumataas. Ang Divergence ay hindi nagtataglay ng anumang ordersa Pagbenta ngunit hindi nito hinihimok ang mga mangangalakal na maglagay ng ordersa Pagbili. Nirerekomenda na isara ng mga mangangalakal ang kanilang mga ordersa Pagbili.

Divergence and Convergence - Levels, Support and Resistance Lines and Trends - Buy and Sell signals

Convergence o Negatibong Divergence

Sa estado ng Convergence, ang presyo ng merkado ay nagpapatuloy sa pababa nitong direksyon at ang mga panibagong lambak ay mas mababa kaysa sa mga naunang lambak na may pababang takbo, gayunpaman, ang takbo ng oscillator ay pataas at ang mga bagong alon at lambak ay mas mataas sa naunang mga lambak. Pinapakita nito sa mga mangangalakal na sinusuportahan ng mga mangangalakal ang patuloy na pagbaba, ngunit ang presyo sa merkado ay bumababa. Ang Convergence ay hindi nagtataglay ng anumang order sa Pagbenta ngunit hindi nito hinihimok ang mga mangangalakal na maglagay ng order sa Pagbenta. Nirerekomenda na isara ng mga mangangalakal ang kanilang mga order sa Pagbenta.

Divergence and Convergence - Close Buy Orders, On Peaks, Indicator - Moving Average MACD Bars

Ang Divergence ay nabuo sa mga tuktok habang ang Convergenceay nabuo sa mga lambak. Ang RSI, MACD at AO ang mga pinakaepektibo at kilalang oscillatorna kayang tuklasin ng makabuluhan ang Convergence at Divergence. Kailangan isaalang-alang ng mga mangangalakal na madalas ang Divergence at Convergenceay hindi tama at hindi sila nagpapakita ng tamang direksyon ng takbo sapagkat sila ay may magkasalungat na direksyon ng takbo ng merkado.

Sa MT4 na platform, ang MACD ay ipinasok sa tsart. Sa pataas na takbo ng merkado na may mas mataas na tuktok, pinapakita ng MACD ang isang pababang takbo kung saan ang mga bagong tuktok ay mas mababa kaysa sa naunang mga tuktok. Ang kondisyong ito ay nagpapakita na ang mga mangangalakal ay hindi sumusuporta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng merkado. Ang patuloy na pagsiyasat sa unang dalawang tuktok ay nagpapakita sa atin na nagpatuloy ang takbo sa pataas nitong direksyon, kahit na nagpakita ang MACD ng mabisang Divergencesa rehiyon na ito. Mayroong isa pang halimbawa na ang presyo ng merkado ay nagkaroon ng pataas na takbo at ang MACD na takbo ay bumaba. Sa halimbawang ito hindi dapat nilagay ng mangangalakal ang anumang order sa Pagbili habang ang takbo ng merkado ay pababa. Isang halimbawa ng Convergence sa isang pababang merkado ay nagpapakita na ang order sa Pagbenta ay hindi nababagay na kalakalan sa rehiyon na ito. Ang presyo ng merkado ay bumaba habang ang takbo ng MACD ay may pataas na direksyon. Maaari ding gumamit ang mangangalakal ng RSI upang tuklasin ang Divergence at Convergencesa takbo ng merkado. Sa pababang takbo ng merkado, ang RSI ay may pataas na takbo. Ang Convergence ay maaaring matuklasan sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga lambak sa parehas na takbo sa pamamagitan ng Trendline. Isa pang Convergence ang nabuo sa isa pang haba ng oras. Sa kabila ng pababang takbo ng merkado, ang takbo ng RSI ay tumaas kaya hindi ito naaayon na punto upang maglagay ng order sa Pagbenta. Isang Divergence ang nabuo sa mga kasunod na alon kung saan ang takbo ng merkado ay may pataas na direksyon at ang takbo ng RSI ay bumaba. Ang MACD ay mas nababagay upang tuklasin ang Convergence at Divergence kaysa sa RSI.

Divergence and Convergence - Awesome and Relative Strength Index Levels - Peaks and Valleys on Market Price

Divergence and Convergence - Bullish and Bearish Reveasl Trading Signals, AO and RSI Indicator

Kailangan isaalang-alang ng mangangalakal ang ilang puna kung nais niyang maglagay ng order gamit ang Divergence o Convergence:

  • Ang ilang pasalungat na pattern, tulad ng Head at Shoulder, Double Topat Bottom, Triple Top at Bottom o Wedge, ay maaaring kumpirmahin ang Convergence o Divergence upang maglagay ng matagumpay na order.
  • Ang Overboughtat Oversold ay maaaring kumpirmahin ang nais na order na hango sa Convergence o Divergence.
  • Ang Divergence o Convergence ay nagkumpirma na kailangan isara ng mangangalakal ang orderna may nagkakasundong direksyon sa takbo ng merkado.
  • Kung mayroong maikling pasalungat na swing sa mahabang takbo, ang Convergenceat Divergence ay maaaring gamitin upang tuklasin ang mga punto para maglagay ng order na may nagkakasundong direksyon sa mahabang takbo.
  • Ang pasalungat na takbo ay maaaring magkumpirma ng signal ng Convergence o Divergence.
  • Ang Fibonnacina pattern ay maaaring gamitin upang hanguin ang kumpirmasyon ng Convergenceo Divergence na signal.
  • Ang pangsuporta at panglaban na linya ay maaaring gamitin upang makuha ang kumpirmasyon ng Convergenceo Divergence na signal.

Divergence and Convergence - Triple and Double Top and Bottom - Fibonacci and Wedge Confirmations

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates