False Breakout Strategy with Candlestick Confirmation - Forex

False Breakout na Estratehiya na may Kumpirmasyon ng Candlestick

0 0 Vote
Instructor

False Breakout na Estratehiya na may Kumpirmasyon ng Candlestick

Ika-limampu t walong sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, ang False Breakout na Estratehiya na may Kumpirmasyon ng Candlestick ay pag-aaralan.

False Breakout

Minsan ang Breakout na estratehiya ay hindi kumpletong nabubuo, kaya magkakaroon ng isa pang pagkakataon na makapaglagay ng nababagay na order. Ang mangangalakal ay kailangan gumuhit ng pangsuporta at pangpigil na mga linya upang tuklasin ang isang breakout point.

Sa una, kailangan matukoy ng mangangalakal ang gilid ng channel sa paligid ng isang ranged na takbo. Pagkatapos maputol ang channel, ang takbo ay bumalik muli sa channel. Kung ang takbo ay sumaling sa channel at ang kandila na may saradong presyo ay wala sa channel, ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng isang ordersa direksyon ng breakout. Kung anumang kandila ang nagsara sa loob ng channel, saka lang hindi maaasahan at hindi na makabuluhan ang estratehiyang ito.

Ang estratehiyang ito ay maaaring gamitin sa lahat ng simbulo na bumuo ng channel sa kanilang ranged na takbo, tulad ng EURUSD, GBPUSD, Pilak, Ginto at Langis.

False Breakout Strategy with Candlestick Confirmation - Bullish and Bearish Trading Signals on Volatile or Range Market

Ang estratehiyang ito ay maaaring magamit sa lahat ng haba ng oras, gayunpaman, ang pinakamainam na haba ng oras para sa estratehiyang ito ay ang H4, Arawan at Lingguhan.

Ang isang order sa Pagbili ay maaaring ilagay sa tuwing ang mga kandila ay nabuo sa ibabaw ng channel, sa ibabaw ng isang Bullish na pasalungat na kandila na nabubuo pagkatapos ng Pullback na takbo.

Ang isang order sa Pagbenta ay maaaring ilagay sa tuwing ang mga kandila ay nabuo sa ilalim ng channel, na mas mababa sa isang Bearish na pasalungat na kandila na nabubuo pagkatapos ng Pullback na takbo.

Kung ituturing na ang H ay ang taas ng channel, ang presyo ng TP ay maaaring H o H/2 ang layo mula sa ipinasok na presyo.

False Breakout Strategy with Candlestick Confirmation - Pullback Trend after Bullish and Bearish Reversal Points

Ang Breakout na estratehiya ay nababagay sa walang kasiguraduhang mga merkado, lalo na sa panimulang oras ng bawat sesyon tulad ng New York.

Sa MT4, mayroong ranged na merkado sa GBPUSD. Ang channel ay maaaring tukuyin sa paglalagay ng kahon. Pagkatapos ng Breakout, isang Bullish na kandila ang nabuo, gayunpaman, hindi ito magsasara sa loob ng channel. Pagkatapos mabuo ng pasalungat na Bearish na kandila, ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng order sa Pagbenta na may ipinasok na presyo sa ilalim ng Lowna presyo ng binigay na kandila. Isa pang halimbawa sa Ginto na tsart. Mayroong Pullback na takbo pagkatapos lumabas ng breakout. Isang nararapat na punto para sa mangangalakal upang maglagay ng order sa Pagbenta.

Isa pang magandang halimbawa ang nagpapakita na pagkatapos lumabas ng Breakout na estratehiya, ang takbo ay nagpatuloy sa pataas na direksyon. Ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng ordersa Pagbili sa ibabaw ng Bullish na kandila na may saradong presyo. Kasama ng anumang signal mula sa estratehiyang ito mayroon dapat ibang mga kumpirmasyon upang ang mangangalakal ay makapaglagay ng mga orderbase sa matiwasay at maaasahang mga signal.

False Breakout Strategy with Candlestick Confirmation - Head and Shoulder, Double Top and Bottom

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates