Financial Markets and Advantages of Forex - PForex Education

Pinansyal na Merkado at Pakinabang ng Banyagang Pagpapalitan

10 4 Votes
Instructor

Pinansyal na Merkado at Pakinabang ng Banyagang Pagpapalitan

Ikatlong Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, ipapakilala natin ang pinansyal na merkado at ang kapakinabangan ng Banyagang Pagpapalitan. Ang unang bahagi ng sesyon na ito ay kaugnay sa kasaysayan ng pinansyal na merkado.

Kasaysayan ng Pinansyal na Merkado

Ang mga merkadong ito ay nabuo agad pagkatapos ng mangyari ang pinakaunang pagpapalitan. Sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya at paglawak ng industriya, ang dami ng pag-angkat at paglabas sa pagitan ng mga bansa ay bahagyang lumago. Bilang resulta, ang kaibuturan ng banyagang pagpapalitan at relasyon sa pinansyal na merkado ay nabuo. Ang simula ng panahon ng computer at ang pagsilang ng Internetang nagtulak sa lumalagong pagbilis at pagdali ng mga transaksyon. Ito ang nagdulot upang maging mas malaki itong negosyo.

Ang mataas na pamumuhunan sa negosyong ito mula sa mga bangko at iba pang pinansyal na institusyon ang nagbuo ng kinakailangang tiwala sa pagitan ng mga mamimili at nagtitinda na alam natin sa kasalukuyan. Ito ang nagdulot upang maging ng libre at posible ang madaling pagpapalitan.

Sa mga panahong ito, maraming mga negosyante at mangangalakal ang pinipiling gawin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng alin man sa espesyal na software o sa legal na website ng mga bangko at pinansyal na institusyon. Higit pa dito, alin man sa kanila ay hindi pisikal na nakikita ang isat-isa o ang mga kalakal nila, ang sistemang ito ay posible lamang sa credit at insurance na itinatag ng mga pinansyal na institusyon.

Financial Markets and Advantages of Forex - Banks and Monetary Institutions

Iba t-ibang Bahagi ng Pinansyal na Merkado

Lahat ng pinansyal na merkado ay may iba t-ibang bahagi, dito ay hinati namin ito sa lima.

Pagpapalitan ng Stocks

  1. Ang unang bahagi ay tinatawag na stock . Sa tulong ng mga pinansyal na institusyon at ibang mga kumpanya, ang mga tao ay maaaring magbenta o bumili ng mga stocks saan man sa buong mundo. Halimbawa, sa Inglatera, ang London s Stock Exchange ay naglaan sa mga tao ng pagkakataon na bumili at magbenta ng mga stocks.

Index

  1. Ang ikalawang bahagi kung saan nagpapakita ng interes ang karamihan ng mga tao ay tinatawag na Index . Ito ay kung saan sa halip na bumili ngshare sa kumpanya, maraming tao ang nagtatangkang bumili ng indexng share na iyon. Ito ay maaaring ikalakal sa ibang bansa. Sa Amerika, ito ay kilala bilang S&P 500 o ang Standard & Poor s 500 , at sa Alemanya naman ito ay kilala bilang DAX (DeutscherAktienindex).

Different Financial Markets and Advantages of Forex - Stock Exchange - Index - Bond - Commodity

Kalakal

  1. Ang ikatlong bahagi ng pinansyal na merkado na nagbibigay ng interes sa mga mangangalakal ay ang Kalakal . Ito ay kung saan karamihan ng mga tao ay nagbabalak bumili at magbenta ng iba t ibang mga produkto tulad ng ginto, pilak, langis, trigo at iba pa.

Bond

  1. Ang ika-apat na bahagi ay ang madalas na kilala sa tawag na Bonds . Ang bonds ng gobyerno at shares na hindi sa pagmamay-ari ng gobyerno na mayroon o walang seguridad sa nakapirming halaga ay madaling mabili. Halimbawa sa USA, ang departamento ng treasury ay nag-aalok ng ng mga bond na ito.

Banyagang Pagpapalitan (Banyagang Pagpapalitan ng Pananalapi)

  1. Ang ikalimang bahagi ay kaugnay sa bangayang pagpapalitan ng pananalapi. Ito ang pinakamalaking bahagi ng merkado. Sa seksyon na ito, ang mga legal na panig ay nagbabalak na bumili at magbenta ng banyagang pananalapi.

Halimbawa, kung ipapalit mo ang Libra ng Britanya o Dolyar ng Amerika sa ibang pananalapi, ikaw ang nagbebenta at bumibili ng banyagang pananalapi. Ang mga ganitong transaksyon ang bumubuo sa mayorya ng mga pagpapalitan sa lahat ng pinansyal na merkado.

Iba t-ibang pagpapalitan sa pinansyal na merkado

Mayroong iba t-ibang mga pagpapalitan na maaaring magawa sa loob ng pinansyal na merkado. Titingnan natin ang iba dito.

Financial Markets and Advantages of Forex - Foreign Currency Exchange Market

Dali-dali o Biglaang Pagpapalitan

Ang unang uri ng pagpapalitan ay ginagawa gamit ang dali-daling kontrata, o mas kilala sa biglaang pagpapalitan. Sa ganitong uri ng kontrata, ang mga kalakal na ipinapalit ay nasa pagpapasya ng may-ari. Ibig nitong sabihin wala silang obligasyon sa pagbabago ng kontrata o ng kanilang posisyon sa pagpapalitan. Halimbawa, kung ikaw ay bibili ng bahay o gintong salapi, nasa sa iyo kung gaano mo katagal itatabi ang mga ito at libre ka upang maghintay ng tamang panahon upang ibenta ang mga ito.

Pangkinabukasang Pagpapalitan

Ang ikalawang uri ng pagpapalitan ay ang paparating o pangkinabukasang pagpapalitan. Sa mga kontratang ito, isang sigaradong petsa sa kinabukasan ang kailangang mapagkasunduan ng dalawang panig (bilang expiry date). Ang mga pagpapalitang ito ay nangangailangan na ang mamimili ay magbayad ng kaukulang halaga bilang deposito. Kung ang expiry date ay dumating na, nararapat na ibenta na ng may-ari ang produkto kung hindi pa ito nabebenta.

Pagpipilian na Pagkakalakal

Ang ikatlong uri ng pagpapalitan ay tinatawag na Pagpipilian na Pagkakalakal. Ito ay kaparehas lamang ng pangkinabukasang pagpapalitan na ating nakita, maliban lang na ang napagkasunduang petsa ng pagpapalitan ay maaaring mabago. Gayunpaman, ito ay mangyayari lamang kung ang dalawang panig ay magkakasundo na baguhin ang petsa. Ang kahihinatnan ng ganitong pinataas na flexibility ay ang pagpapalitan ay mas mahal na gawin.

Financial Markets and Advantages of Forex - Liquidity and Leverage - Future Option and Forward Trade

Pauanang Pagpapalitan

Ang ikaapat na uri ng pagpapalitan ay tungkol sa sariling kontrata at tinatawag na paunang pagpapalitan. Sa ganitong pagpapalitan, ang mamimili ay kinakailangang magbayad agad ng buo at matatanggap niya ang kalakal sa hinaharap na petsa.

Ang Kapakinabangan ng Paggamit ng Banyagang Pagpapalitan Kumpara sa Ibang Merkado

Ang susunod na ating pag-uusapan sa sesyon na ito ay ang benepisyo ng paggamit ng banyagang pagpapalitan sa kalakalang merkado.

  1. Ang unang benepisyo ay ang Banyagang Pagpapalitan ay nasa operasyon ng dalawampu t apat na oras kada araw. Sapagkat ang Banyagang Pagpapalitan ay isang pandaigdigang merkado, ang pagpapalitan ay tuloy-tuloy hanggang mayroong merkado na bukas saan man sa mundo. Ito ay inter-bank network, na gumagawa araw at gabi, nangangahulugang kahit anong panig ay maaaring makipagpalitan anumang oras.
  2. Ang ikalawang benepisyo ay ang merkado ng Banyagang Pagpapalitan ay nakikinabang sa mataas na antas ng liquidity. Madalas na may mga mamimili at nagbebenta sa merkadong ito na nakikipagkalakal sa anumang halaga sa anumang oras. Ang pakikipagkalakal ay ginagawa sa dalawang paraan sa Banyagang Pagpapalitan: Ang mga mangangalakal ay maaaring bumili ng panananalapi bago tumaas ang halaga nito, sa ganitong paraan ay tumutubo siya; o magbenta ng pananalapi bago bumagsak ang presyo nito, at muli ay magkakaroon ng tubo. Ito ang kapakinabangan na hindi naibibigay ng ibang merkado; samakatuwid, mayroong maraming paraan upang tumubo.
  3. Ang ikatlong benepisyo ay ang Banyagang Pagpapalitan ay hinahayaan kang gumamit ng Leverage. Ang leverage ay nangangahulugang ang mga mangangalakal ay maaaring pumasok sa merkado sa posisyon na sa tingin nila ay magdadala sa kanila ng mas malaking tubo, kahit na ang posisyong iyon ay nangangailangan ng mas maraming pondo kaysa sa kapital na papayagan ng kanilang account na pangkalakal. Sa kabilang banda bilang kapalit, ang mga mangangalakal ay nahaharap sa mataas na halaga ng pagkalugi sa mas kaunting pagkilos laban sa prediksyon.

Financial Markets and Advantages of Forex - High Liquidity and Various Leverage plus all Day Trading

Sa huli, sa kasalukuyang paglago ng teknolohiya, kahit sino mang panig ay masusubaybayan ang kanilang kalakal gamit ang Internetkahit na ang kanilang smartphone. Ito ay nagpapakita na muli ito ay lumalagong merkado.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2019 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates