Forex Risk Disclosure and Disclaimer - Risk Warning

Paghahayag ng Panganib sa Merkado at Pagkakaila Nito

8 4 Votes
Instructor

Paghahayag ng Panganib sa Merkado at Pagkakaila Nito

Ikalawang sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagdating sa propesyonal na pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, tayo ay magsisimula sa pagsasanay at ipapakilala sa iyo ang paghahayag ng panganib sa merkado at pagkakaila nito.

Mataas na panganib sa pinansyal na merkado, lalo na sa Banyagang Pagpapalitan

Ang trabahong ito ay naglalaman ng mataas na panganib, tulad ng iba pang aspeto sa pinansyal na merkado. Sa merkadong ito, ang mga kumpanyang nag-aalok ng malawak na uri ng serbisyo ay madalas na nagsasabi sa kanilang mga kliyente ng mataas na panganib na kasama sa negosyong ito. Sa ganitong paraan, hindi na sila magiging responsable sa anumang panganib na kakaharapin ng kanilang mga kliyente.

Ang isang indibidwal ay kinakailangan na madaling makapagtrabaho sa ganitong negosyo ng walang kinakaharap na makabuluhang panganib. Upang magawa ito, kinakailangan niya na magkaroon ng kaalaman at impormasyon na nararapat sa ganitong trabaho at gamitin ang kanilang personal na karanasan at kakayahan. Ito ang magdudulot sa isang tao upang makaangat at makaiwas sa potensyal at hindi nararapat na panganib.

Sa ganitong negosyo, ang isang partido ay maaaring matalo o maparami ang kanilang buong panustos na pera sa napaka-ikilng panahon, at posible na wala pang limang minuto. Samakatuwid, sa iyong nakikita, ito ay may kasamang napakataas na antas ng panganib. Kapag ang isang tao ay pumasok sa ganitong linya ng trabaho, ang karamihan sa mga gawain ay pinoproseso ng mga bangko, pinansyal na institusyon at pondong pangpuhunan. Ang mga negosyong ito ay may makabuluhang antas, na nangangahulugang kaya nilang sumugal sa mataas na panganib sa loob ng merkado. Ito ay mas maipapaliwanag pa sa mga susunod na sesyon. Ang isang pinansyal na merkado ay malawak, kaya anumang desisyong iyong gagawin ay nararapat pag-isipang mabuti.

Real Account - High Risk in Financial - Financial Risk Management - Forex Risk Disclosure and Disclaimer

Pagkatapos makamit ng isang tao ang nararapat na kaalaman na mahalaga sa trabahong ito, oras na para sa dahan-dahang pamamaraan. Kinakailangan nilang magbukas ng Virtual o Demo account upang magamit sa pagbuo sa kanilang pagsasanay at mapahusay ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagsasanay. Mahalaga na hindi muna magbukas ng totoong accountng sobrang aga.

Pagbubukas ng totoong account sa maliit na panustos na pera

Pagkatapos nilang mapahusay ang kanilang kaalaman at karanasan at maabot ang katanggap-tanggap na antas ng kakayahan, oras na upang magbukas ng totoong account sa maliit na halaga. Naimungkahi na na hindi mo dapat ilagay sa bagong account na ito ang higit sa sampung porsyento ng iyong itinabing kapital na hindi mo ginagamit. Napakahalaga din na iwasang magkaroon ng malaking pagkakautang sa mga bangko o iba pang mapagkukunan. Upang magkaroon ng magandang pagpapalitan, ang isang tao ay kinakailangang maging mahinahon, tutok at may buong pagpipigil sa sarili.

Kung ang isang tao ay hindi tagumpay sa kanyang maliit na account sa pagpapalitan, maaari sila laging bumalik sa kanilang virtual account. Mula dito, maaari silang magpatuloy na magsanay hanggang sa mapaunlad nila ang mga kinakailangang kakayahan upang makabalik sa totoong pangkalakalang account.

Mga Klase ng Mangangalakal

Ang mga tao na dumadalo sa negosyong ito at mga mangangalakal sa negosyong ito, ay nahahati sa tatlong magkakaibang kategorya.

Forex Risk Disclosure and Disclaimer - Money Management - Demo and Real Account - Trading Skill

Ang Unang kategorya ay humigit-kumulang na siyamnapu hanggang siyamnapu t limang porsyento (90-95%) ng lahat ng mga mangangalakal. Ito ang mga nawala ang kanilang mga puhunandahil sa mataas na panganib, kakulangan sa kaalaman, at iba pang isyu.

Ang Ikalawang kategorya, mula dalawa hanggang limang porsyento (2-5%), ay ang mga taong pinapaunladang kanilang kaalaman, sa panahong ito hindi sila nagkakaroon ng tubo o lugi sa mga kalakal na kanilang ginagawa.

Ang ikatlong kategorya, mula dalawa hanggang limang porsyento (2-5%) din; ay mga mangangalakal na umabot sa mahalaga at katanggap-tanggap na antas ng kakayahan, nangangahulugan na maaari silang matagumpay na tumubo.

Anong Klase ng Mangangalakal Ka

Sa iyong nakikita, ang karamihan ng mga tao ay hindi nagagawang magkaroon ng tubo sa merkadong ito. Kung nais mong paunlarinangiyong kakayahan upang maging propesyonal na mangangalakal, hindi mo dapat isipin na kabilang ka sa huling dalawa hanggang limang porsyento. Sa pamamagitan lamang ng madalas na pagsasanay ay magagawa mong umusad mula sa unang grupo papunta sa pangalawa hanggang sa pangatlo.

Knowledge of Trading - Type of Traders - Professional Traders - Trading Skills - Profit and Loss in Trading

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates