Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Forex Market

Batayang Pag-aanalisa at Pinansyal na Taunang Pag-uulat

0 0 Vote
Instructor

Batayang Pag-aanalisa at Pinansyal na Taunang Pag-uulat

Ika-limampu t tatlong sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, Batayang Pag-aanalisa at Pinansyal na Taunang Pag-uulat ang pag-aaralan.

Antas ng Interes

Ang balita sa antas ng interes ay ang pinakamahalagang anunsyo sa pinansyal na merkado. Ang antas ng interes ay bihirang magbago, gayunman, ang impormasyon na binibigay sa panayam sa pamamahayag ang tumutukoy sa direksyon at takbo ng pananalaping iyon. Ang pagbabago ng antas ng interes ay tinatalakay sa Panayam sa Pamamahayag kung ang antas ng interes ay mananatiling hindi nahahawakan sa hinaharap o ito ay mababago. Ang balita sa pagtaas ng antas ng interes ay may kapaki-pakinabang na epekto sa pinansyal na merkado, habang ang anumang pagbaba ng antas ng interes ay magreresulta sa pagbaba sa pinansyal na merkado.

Ang Economic Outlook ay isa pang paksa, na tinalakay sa Panayam sa Pamamahayag, na tumutukoy sa kararaang pinansyal at pang-ekonomiyang kundisyon gayundin ang pang-ekonomiyang patakaran at layunin. Halimbawa, kung ang tagapagsalita ay nagdeklara na ang ekonomiya ay may matiwasay na kundisyon, gayundin ang inaasahang layunin na pang-ekonomiya ay tiyak . Ang kahihinatnan ng anunsyo na ito ay may makabuluhang kapaki-pakinabang na epekto sa pinansyal na merkado.

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Financial Press Conference of Financial Market

Ang datos ng Inflation at Deflationay nirerepresenta din sa panayam na ito. Ang inflation ay nagbibigay ng paglago sa ekonomiya, habang ang deflation ay nagdudulot ng recession.

Ang Quatitative Easing, kilala bilang QE sa US, ay isang patakaran sa kaperahan na ginagamit ng central bankupang mapabuti ang maysakit na ekonomiya. Ito ay tinatawag na Asset Purchase Facility, APF, sa Britanya. Anumang pagbabago sa patakarang ito ay magkakaroon ng makabuluhang epekto sa pinansyal na merkado. Mayroong tatlong yugto kung saan ang balita ay dapat i-analisa: Nakaraan, Prediksyon at Anunsyo. Halimbawa, kung ang nakaraang APF sa Inglatera ay 200 bilyon, at ang prediskyon bago ang panayam sa pamamahayag ay tinukoy bilang 200 bilyon, at sa idineklara sa panayam sa pamamahayag na ang APF para sa susunod na taon ay magiging 200 bilyon. Kaya, ang balita sa APF ay hindi nagkaroon ng anumang impluwensya sa pinansyal na merkado. Kung ito ay inanunsyo sa panayam sa pamamahayag na ang APF ay nakatakda sa 180 bilyon, saka ito nagpapakita na ang kundisyon sa ekonomiya ay bumuti ng bahagya. Sa kabilang banda, kung ang APF ay nakatakda sa 220 na bilyon, masasabi na ang kundisyon ng ekonomiya ay humina.

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Recession, Inflation and Deflation shows Economic Conditions

Ang Central Bank ng US ay kilala bilang FOMC.

Ang Central Bankng Britanya ay kilala bilang BOG.

Ang Central Bank ng Europian Union ay kilala bilang ECB.

Ang Central Bank ng Hapon ay kilala bilang BOJ.

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Asset Purchase Facility, Interest Rate and Inflation

Ang Central Bank ng Australia ay kilala bilang RBA.

Ang Central Bank ng New Zealand ay kilala bilang RBNZ.

GDP (Gross Domestic Product)

Isa pang mahalagang balita na inanunsyo sa Panayam sa Pamamahayag ay ang GDP, Gross Domestic Product, na nagpapakita ng halaga ng paglabas ng produkto. Ang mataas na halaga ng GDP ay tumutukoy ng mas magandang kundisyon sa ekonomiya. Tatlong magkakaibang GDP na halaga ng UK ay nakadeklara. Prelim, Final at Revised. Ang Panayam sa Pagpapahayag ng Europian Union ay tumutukoy sa dalawang uri: Prelimat Final; habang sa US mayroong tatlong uri: Final, Prelim at Advance. Sa Europian Union at Britanya ay Prelim at sa US ay Advanceang pinakaimportanteng halaga.

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Central Bank of  Countries - Gross Domestic Product DGP

Ang Germany ay nagbibigay ng 28% ng GDP sa Europian Union, habang ang France, Italya, Espanya at Portugalay nagbibigay ng mas kaunting halaga ng GDP. Ang mas mataas na halaga ng GDP ay nagreresulta sa mas makapangyarihang pananalapi.

Antas ng Walang Trabaho at pagbabago sa pagtatrabaho

Ang antas ng walang trabaho at antas ng pagbabago sa pagtatrabaho ay idineklara sa Panayam sa Pamamahayag. Habang karamihan ng mga tao ay nakatutok sa Antas ng walang trabaho, kung saan ito ang kabuuan ng antas ng walang trabaho na i-divide sa dami ng period, ang pagbabago sa pagtatrabaho ay may mas malalim na epekto sa merkado. Ang antas ng walang trabaho, tulad ng Moving Average, ay may mas kaunting epekto sa merkado dahil sa pagtigil nito, gayunman, ang pagbabago sa pagtatrabaho ay ang pinakabagong halaga ng walang trabaho sa isang bansa.

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Unemployment Rate and Employment Change Rate in Financial Market

PMI (Purchasing Management Index)

Ang PMI, o Purchasing Management Index, ay isa pang halaga na iaanunsyo sa Panayam sa Pagpapahayag na tumataas habang ang interes at inflationay tumataas, kaya, ito ay nagpapakita ng pagganda ng kundisyon sa ekonomiya. Tumutukoy ito sa halaga ng mga order, mga nagawa at Buy shares ng mga taga-pamahala. Kung ang halagang ito ay higit sa limampu, ang ekonomiya ay nasa magandang kundisyon, habang ang antas na mas mababa sa limampu ay nagpapakita na ang ekonomiya ay humina. Ang PMI ay may dalawang uri:

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Purchasing Management Index - Consumer Index

-Sa US, Manufacturing at Non-Manufacturing

-Sa ibang mga bansa, Services at Manufacturing

Siyempre, ang Manufacturing ay nagpapakita ng halaga ng PMI sa manufacturing at production field, habang ang PMI ng Manufacturing ay may mas maraming epekto sa takbo ng merkado kaysa sa halaga ng Non-Manufacturing o Services.

Retail Sell

Ang Retail Sell ay isa pang halaga na tinukoy sa Panayam sa Pamamahayag na nagpapakita ng customer buying power na ibinigay ng mga kumpanya na kumakatawan sa mga kalakal ng mga huling gumagamit.

PPI (Producer Price Index)

Ang PPI o Producer Price Index, na naanunsyo sa Panayam sa Pamamahayag, ay nagpapakita ng production rate. Ang mas mataas na halaga ng PPI ay tumutukoy sa mas magandang kundisyon ng ekonomiya. Ang PPI ay ang gastusin sa paggawa at paglikha ng mga kalakal.

CPI (Consumer Price Index)

Ang Consumer Price Index, o CPI, ay idedeklara din sa Panayam sa Pamamahayag. Ang halagang ito ay nagpapakita ng pagbabago sa pangunahing gastusin ng isang pamilya. Ang mas mataas na halaga ay tumutukoy sa mas mataas na inflation, na nagreresulta sa paglago ng ekonomiya at mas mataas na sahod. Sa ilalim ng bihirang okasyon, kung saan ang isang sakuna, tulad ng giyera o lindol ay nangyari, ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at enerhiya ay nawala mula sa halagang ito, na tinatawag na Core CPI, dahil sa pagtaas ng presyo ng merkado ng mga materyales na ito.

Ang mga mangangalakal ay kayang kumuha ng malawak na impormasyon sa Forexfactory.com. Ang antas ng interes at GDP ay tumutukoy sa direksyon at takbo ng pananalapi, habang ang ilang antas ay nagdudulot ng arawan, lingguhan at buwanan na fluctuation.

Fundamental Analysis and Financial Annual Report - Producer Price Index Rate and Consumer Price Index Rate

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates