Fundamental Analysis Basics - Forex Market Price Direction

Mga Pangunahing Batayan sa Pag-aanalisa

0 0 Vote
Instructor

Mga Pangunahing Batayan sa Pag-aanalisa

Ika-limampu t dalawang sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, pag-uusapan natin ang mga Pangunahing Batayan sa Pag-aanalisa at Risk Seeking o Risk Aversion.

Batayang Pag-aanalisa

Ang batayang pag-aanalisa ay isang madalas gamitin na paraan ng mga mangangalakal bago maglagay ng order. Ito ay hango sa isang biglaan o kasalukuyang balita mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagmulan. Ang batayang pag-aanalisa ay base sa antas ng kahalagahan at kahihinatnan ng mga balita sa takbo ng merkado. Dahil sa hindi pagiging matatag ng mga balita, ang Batayang pag-aanalisa ay medyo komplikado, tulad ng, ang isang pangyayari o balita ay maaaring may iba t-ibang kadahilanan at kahihinatnan sa iba t-ibang rehiyon. Bilang resulta ng hindi pagiging matatag ng mga balita, ang mga mangangalakal ay hindi dapat maglagay ng order na base lamang sa Batayang pag-aanalisa. Halimbawa, pagkatapos maabot ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang labinlimang dolyar, ito ay bumaba sa halos tatlong dolyar dahil sa ilang bagong malalalim na imbestigasyon.

Base sa Geopolitical, politikal, panlipunan at pang-ekonomiyang kundisyon ng isang bansa, ang mga balita ay maaaring may iba t-ibang impluwensya sa pinansyal na merkado ng naturang bansa. Hindi gaya ng teknikal na pag-aanalisa, ang Batayang pag-aanalisa ay walang tiyak at maliwanag na pamamaraan. Halimbawa, ang Head and Shoulders na patternay nagbibigay ng tiyak na halaga ng presyo ng TP sa pamamagitan ng H na halaga nito, habang ang Batayang pag-aanalisa ay kumakatawan sa iba t-ibang kundisyon ng isang tiyak na presyo. Karamihan sa mga mangangalakal ay pinipili na gamitin lamang ang Teknikal na pag-aanalisa, gayunman, ang Batayang pag-aanalisa ay may pangunahing epekto sa pinansyal na merkado. Ang mga mangangalakal na pinagsasama ang parehas na Teknikal at Batayang pag-aanalisa ay makakakuha ng mayamang kaalaman sa takbo ng merkado.

Fundamental Analysis Basics - Financial Market Annual Report and News - Bullish and Bearish Price

Higit na iminumungkahi na ang mga mangangalakal ay suriin ang pag-aanalisa ng balita kaysa sa balita mismo. Ang mga bilang at impormasyon sa loob ng balita ay maaaring may ibang epekto mula sa inirerepresenta nito. Ang mangangalakal ay kailangan basahin ang pag-aanalisa ng ilang mga balita mula sa mapagkakatiwalaang website o maaasahan at may kakayahan, bilang resulta pagkatapos ng tatlo o apat na taon maaari nilang mapahusay ang kanilang abilidad sa pag-aanalisa ng mga balita. Kahit na ang mga may karanasan na mangangalakal ay maaaring iba ang maging paliwanag sa mga balita.

Kapag ang mangangalakal ay pinahusay ang kanyang abilidad sa isang simbulo, kailangan niyang buong maanalisa at mapag-aralan ang lahat ng aspeto ng simbulong iyon tulad ng politikal, pang-ekonomiya, panlipunan at geopolitical na sitwasyon ng mga bansa na kumakatawan sa simbulong iyon. Halimbawa, ang Euro ay isang pananalapi na ginagamit sa karamihan ng mga bansa sa Europa, kaya ang mangangalakal ay kailangan suriin ang politikal, pang-ekonomiya at panlipunang kundisyon ng mga bansa upang mapahusay ang kanyang kaaalaman sa pananalapi ng Euro.

Fundamental Analysis Basics - Financial Market Annual Report - Definitions and Examples of Fundamental Analysis

Ang mangangalakal ay kailangan isaalang-alang ang nakakalendaryong mga balita at pangyayari kasama ang normal na pang-araw-araw na balita. Minsan ang pang-araw-araw na balita ay maaaring may higit na makabuluhang impluwensya sa presyo ng merkado kaysa sa nakakalendaryong balita o pangyayari.

May ilang kinakailangang paksa na kailangan maunawaan ng buo ng mga mangangalakal.

Fundamental Analysis Basics - Geopolitical and Financial News of Forex and CFD Markets

  • Ang isa bang mas makapangyarihang pananalapi ay mas kagamit-gamit kaysa sa mas mahinang pananalapi?

Ang mga bansang may mas mahinang pananalapi ay maaaring may mas mataas na halaga ng paglabas ng kalakal at mas mababang halaga ng pag-angkat ng mga materyales, dahil sa mas mababang gastos sa paggawa. Ang mga byaheng panturismo sa mga bansang ito ay may mas mataas na halaga bilang resulta ng mas murang serbisyo. Sapagkat ang trabaho o isang negosyo ay nangangailangan ng mas maliit na kapital, makikita mo ang mas mataas na puhunan mula sa ibang bansa. Kaya, ang mas mahinang pananalapi ay may mas pakinabang kaysa sa mas mataas na pananalapi. Halimbawa, ang Alemanya ay pinili na panatilihin ang pagkakaisa ng Europa gayundin ang mas mahinang pananalapi ng Euro kumpara sa ibang pangunahing pananalapi upang pataasin ang halaga sa paglalabas ng kalakal. Kung ang pananalapi ng Euroay pumalya, ang Dutch na pananalapi, o Mark, ay makabuluhang tataas na magreresulta sa mas mababang halaga paglabas ng kalakal na karagdagan sa mas mababang halaga ng turismong pagbyahe. Ang Tsina ay kinakailangan na panatilihin ang pananalapi nito na mas mababa hangga t maaari upang mapanatili o mapataas din ang halaga ng paglabas ng kalakal. Kung ang Yuan ay naging mas makapangyarihan, magkakaroon ng kakulangan sa budget sapagkat may mataas na dami ng populasyon.

Fundamental Analysis Basics - Monetary Rivalry and Currency Power Indicator of Countries

  • Ang Inflationba ay may pakinabang sa pinansyal na merkado?

Kapag mayroong pagsulong at pag-unlad sa ekonomiya, magkakaroon ng hindi maiiwasan na inflation dahil sa mas mataas na halaga ng asking kaysa sa bidding. Hangga t ang askingay mas mataas sa bidding, ang halaga ng liquidity ay tataas. Ang pinansyal at pang-ekonomiyang pag-unlad ay ang kinahinatnan din ng liquidity. Bagaman ang liquidity ay kinakailangan para sa maunlad na ekonomiya, ang liquidity ay kailangan mapanatiling mababa kaysa sa isang tiyak na halaga.

Risk Seeking

Ang paglago ng ekonomiya at antas ng walang trabaho ay nagbubunga ng risk seeking na kundisyon, kaya, ang mga tao ay babawiin ang kanilang mga kapital at kaban sa mga bangko upang mamuhunan sa isang tiyak na merkado o negosyo. Ang Central bank ay kailangan itaas ang interes upang mapanatili ang inflation sa isang makatwirang halaga. Ang antas ng interes ay nagbabago sa tuwing nagbabago ang inflation. Sa kundisyong ito, mayroong pagtaas sa presyo ng Ginto, kalakal, Stocks, at pananalapi na may mas mataas na interes tulad ng AUD at NZD.

Risk Aversion

Sa pababang ikot na kundisyon, karamihan sa mga tao ay dinedeposito ang kanilang mga kaban at kapital sa bangko upang makatanggap ng interes sapagkat hindi sila makakuha ng anumang tubo mula sa kanilang negosyo. Dahil sa mataas na bulto ng liquiditysa isang pinansyal na merkado, ang mga bangko ay binabawasan ang kanilang antas ng interes upang ang mga tao ay mamuhunan sa kanilang sariling negosyo. Sa kundisyon na ito, mayroong pagtaas sa mga pananalapi na may mas mababang interes tulad ng USD at GBP. Halimbawa, ang AUDUSD na takbo ay tutuloy papunta sa ilalim habang ang interes sa New Zealanday bumababa. Ang Ginto, Kalakal at Stocks ay maaaring bumaba sa mas mababang presyo. Ang Ginto ay bumaba mula $1900 papunta sa $1200 dahil sa pinansyal na pagguho. Ang ginto ay may pataas na takbo sa isang Risk Seeking na kundisyon, gayunman, ang presyo nito ay bumagsak sa Risk Aversion na sitwasyon dahil sa hindi naaayon na kundisyon sa merkado, lalo na sa India at Tsina.

Fundamental Analysis Basics - Risk Seeking and Aversion - Inflation and Interest Rate Reports

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates