Fundamental Definitions in Financial Market - Currency and Metal

Mga Kahulugan na Batayan sa Pinansyal na Merkado

10 2 Votes
Instructor

Mga Kahulugan na Batayan sa Pinansyal na Merkado

Ika-apat na Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, ipapaliwanag natin ang mga kahulugan na batayan sa pinansyal na merkado na inyong makakasalamuha sa pinansyal na merkado. Magsisimula tayo sa mga simbulo.

Ang isang simbulo ng pananalapi ay binubuo ng tatlong letra, kung saan ang unang dalawang letra ay kumakatawan sa pangalan ng bansa, at ang pangatlong letra ay para sa pananalapi ng bansang iyon.

Mga Simbulo

Ito ang unang walo na pinakakilalang pananalapi sa mundo at ang mga simbulo nito.

●USD Dolyar ng Estados Unidos

●CAD Dolyar ng Canada

●JPY Yen ng Hapon

●NZD Dolyar ng New Zealand

●GBP Libra ng Britanya

●AUD Dolyar ng Australia

●EUR Euro ng Europa

  • CHF Swiss Franc

Sa isang pinansyal na merkado, kapag pinag-usapan natin ang simbulo, madalas nating sinusubukan na alamin ang halaga ng isang pananalapi laban sa isa pa.

Fundamental Definitions in Financial Market - Major Currencies and Instruments - Direct and Indirect

Mayroon laging tumbasan sa pagitan ng mga pananalapi sa pinansyal na merkado. Ang pananalapi na base sa isang dolyar (ng anumang uri) ay tinatawag na Pangunahing pananalapi. Ito ay sinusulat sa dalawang paraan: sa anyo ng denominator, halimbawa, ang Euro at ang Dolyar ng US EURUSD; pangalawang paraan ay hindi direkta, halimbawa ang Dolyar ng US at ang Yen ng Hapon USDJPY. Ang iba pang mga pananalapi, tulad ng EURGBP, ay tinatawag na cross, at madalas na binabasa bilang X divided by Y, kung saan ang X ay kumakatawan sa pangunahing pananalapi, habang ang Y ay tumutukoy sa kasalungat na pananalapi.

Mga Mahal na Metal

Ang mga mahal na metal ay medyo kakaiba, ang spot gold ay tinatawag na XAU o XAUUSD (laban sa Dolyar ng US) at ang future gold naman na GCXX. Gayunpaman, ang future gold ay maaaring maipakita bilang XAU, ngunit ito ay nasa sarili nitong seksyon ng future gold sa Meta trader website.

Pagdating naman sa enerhiya, ang pinaka-karaniwan ay ang langis, na ipinapakita bilang CLXX, kung saan ang XX ay magbabago mula sa isang kontrata hanggang sa iba pa. Ito ay laging matatagpuan sa panghinaharap na bahagi ng Meta trader website.

Fundamental Definitions in Financial Market - Precious Metal, Gold and Silver Forex MetaTrader 4 Trading Platform

Kung titingnan natin ang Metatrader platform, makikita natin ang maraming iba t-ibang uri ng simbulo. Muli, halimbawa, USDCHF ay ang Dolyar ng US laban sa Swiss Franc. Makikita mo din ang simbulo ng spot gold at langis, bilang XAU at CLXX, kung saan madalas itong kinukwenta bilang panghinaharap na instrumento.

Maliit na Sukat

Panahon na ngayon upang pagusapan ang tungkol sa PIP. Ito ang pinakamaliit na sukat ng pagbabago sa pares ng pananalapi. Halimbawa, kung ang presyo ng EURUSD ay 1.3800 at tumaas ito ng 1.3801 at bumagsak sa 1.3799, ito ay nagbago ng isang PIP. Kung iyong hahatiin ang isang PIP sa sampu, ikaw ay magkakaroon ng sampung Pipettes, kung saan magdadagdag ito ng isa pang tambilang ng decimal sa halaga ng pares ng pananalapi. Halimbawa, kung ang EURUSD ay ipinapakita bilang 1.38500 at tumaas ito sa 1.38501 o bumagsak sa 1.38499, ito ay tumubo o nalugi ng isang Pipette. Ang limang decimal places na numero ay mas tama kaysa apat na decimal places na numero, sapagkat hinahayaan nito na maobserbahan mo ang anumang maliit na pagbabago sa presyo, samakatuwid, nagbibigay ito sa iyo ng mas malaking pananaw at mas mataas na pagkakataon upang kumita.

Fundamental Definitions in Financial Market - Oil and Spot Gold vs US Dollar in CFD Market in Market Watch Window

Sa pagsusulat ng pananalapi bilang simbulo, nararapat na gawin mo ito sa apat na decimal places na numero na kumakatawan sa halaga ng PIP o limang decimal places na numero na kumakatawan sa halaga ng Pipette.

Fundamental Definitions in Financial Market - Pip and Pipette - Decimal Digits of Symbols

Ang iba pang mga simbulo na may JPY o laban sa langis at pilak ay kumakatawan sa alinman sa dalawang decimal place format para sa PIP at sa tatlong decimal place format para sa Pipette o ginto bilang isang decimal format na kumakatawan sa halaga ng PIP at dalawang decimal format para sa Pipette.

Kung iyong titingnan ito sa platform, makikita mo dito na ang GBPUSD ay pinapakita sa limang decimal format at ang USDJPY ay nasa halaga ng Pipette sa kadahilanan na ito ay may tatlong tambilang ng decimal. Malinaw din na makikita ang presyo ng mga ginto, na nasusukat sa pipette na may dalawang decimal places, at muli ang langis ay kumakatawan na may dalawang decimal places ngunit sa PIP format.

Spread

Ang susunod na paksa ay tinatawag na Spread, na nangangahulugang pagkakaiba sa pagitan ng presyo sa pagbili at presyo sa paghingi, gayundin ang presyo ng pagbebenta at bidding price. Halimbawa, kung ang presyo ng EURUSD ay 1.3820 at nabago ito sa 1.3822, ang pagtaas ng dalawang PIP ay tinatawag na spread. Upang maipaliwanag ang laki ng trasaksyon, ginagamit natin ang salitang Lot . Ang isang lot ay katumbas ng isandaang libong bahagi. Nangangahulugan ito na kung ikaw ay makipagkalakal ng isang lot gamit ang mga pangunahing pananalapi, malulugi ka o tutubo ng sampung dolyar at kung ikaw ay nakipagkalakal ng ika-sampung bahagi ng lot, ikaw ay nakikipagkalakal ng sampung libong bahagi o isang dolyar.

Kung ikaw ay nakikipagkalakal ng ika-isandaang bahagi ng lot, na katumbas ng isang libong bahagi, ikaw ay malulugi o tutubo ng ng ika-sampung bahagi ng isang dolyar. Madalas ang pinakamababang halaga na ikinakalakal sa mga pamantayang accountsay 0.1 samantalang sa Mini accounts ito ay 0.01 at sa Nano accountsito ay 0.001. Gayon man, mayroon napaka kaunting bilang ng broker na nag-aalok sa mababang halaga.

Fundamental Definitions in Financial Market - Symbol, Price, Commission, Swap and Profit amount in MT4

Mayroong formulaupang kwentahin ang iyong tubo at lugi at ito ay:

Ang pagkakaiba ng dalawang halaga, i-multiply sa laki ng transaksyon, i-multiply sa netong tubo sa pangkalakal na halaga. O kaya, (pagkakaiba ng dalawang halaga) x (laki ng transaksyon) x (netong tubo sa pangkalakal na halaga).

Para sa mas maliwanag na pagkakaunawa, ating tingnan ang mga halimbawa na ang basihang halaga ay 50.

Unang Halimbawa

Tayo ay nagkakalakal ng isang lot, ang pagkakaiba ng dalawang halaga ay 50 at ang laki ng transaksyon ay isang bahagi. Samakatuwid, sa bawat isang lottayo ay tutubo o malulugi ng sampung dolyar. Kung maglalagay tayo ng numero sa formulaito ang kalalabasan nito: 50 x 1 x 10 = 500.

Fundamental Definitions in Financial Market - Oil and Spot Gold vs US Dollar in CFD Market in Market Watch Window

Ikalawang Halimbawa

Tayo ay nagkakalakal ng 0.2 lot, ang pagkakaiba ng dalawang halaga ay 50 pa din.

Pagkatapos gamitin ang formula ito ang kalalabasan nito: 50 x 0.2 x 10 = 100.

Ikatlong Halimbawa

Tayo ay nangangalakal ng 0.03 lot, ang pagkakaiba ng dalawang halaga ay nananatiling 50. Gamitin muli ang formula: 50 x 0.03 x 10 = 15.

Ang dolyar ang basihang pananalapi sa lahat ng ipinakitang halimbawa.

Spread - Profit and Loss Calculation - Fundamental Definitions in Financial Market - Lot Size

Ito ay naiiba sa iba pang hindi direkta na pananalapi, halimbawa kung ang halaga ng palitan ng USDJPY ay 102.57, ibig sabihin na ang bawat isandaang Yen ay nagkakahalaga ng isandaan at dalawang dolyar. Kaya nararapat natin i-divide ang numerong 2 sa 102 upang makuha ang 0.02, kung saan ay idadagdag natin dito. Kasunod natin i-divide ang numerong 10 sa 1.0257 (ika-isandaang bahagi ng halaga ng palitan) upang magbigay sa atin ng 9.749 kung saan ito ang halaga ng tubo o lugi na makukuha natin kung makikipagpalit tayo sa mga pananalaping ito.

Leverage

Ang sumunod na bagay na aagapay sa maliliit na panig upang makalahok sa merkadong ito ay ang Leverage. Ito din ay magpapakita ng panganib sa panig nila, sapagkat maaari silang umutang ng maraming beses na higit sa kanilang kapital mula sa kanilang brokersa oras ng palitan. Ang dami ng utang na ito sa pagitan ng broker ay pabago-bago. Halimbawa, ang ilang broker ay maaaring tumaas ng isang libo hanggang dalawang libo sa leverage, ngunit nararapat mong malaman na ang batayang halaga ay sa pagitan ng isang daan hanggang limang daan. Nararapat mo din isaalang-alang na kung gaano kataas ang leverage, ganoon din kataas ang panganib na kasama nito.

Margin

Ang sumunod na hakbang ay ang Margin. Ang margin ay isang collateral na kailangan ideposito ng isang may hawak ng pinansyal na instrument upang takpan ang ilan o lahat ng panganib sa pag-utang ng kabilang panig (madalas ay ang kanilang broker o kapalit). Sa inyong nakikita, ang ating puhunan ay limampung libong dolyar at ito ay isang demo account. Ang marginna tinanong sa mga posisyon dito ay 252.98 na dolyar at sa ilang saglit tayo ay nalulugi ng 33.90 na dolyar. Ngayon kung idagdag natin ang ating tubo o lugi sa halaga ng margin, tayo ay magkakaroon ng free margin. Samakatuwid, sa anumang oras na isara natin ang posisyon, isang free margin na halaga ang sisingilin sa account. Tandaan na habang mas malaki ang transaksyon, mas malaki din ang margin na magagawa nito. Kapag mali ang pagkwenta ng isang panig sa kanyang account at ang account na ito ay bumaba sa halos zero, ito ay tinatawag na margin call.

Fundamental Definitions in Financial Market - Leverage amount with higher risk of losing Money

Swap

Ang sumunod ay ang Swap, na kaugnay sa halaga ng interes. Ang halaga ng interes na ito ay kinukwenta eksaktong hatinggabi. Sa nakikita niyo ang oras ng serverng FXPRO ngayon ay 18:25, at mamayang hatinggabi ang mga swap ay idadagdag na sa account. Sa nakikita niyo, sa oras na ito ay mayroon tayong ilang posisyon. Ang positibong swap, kung saan ito ang pagkakaiba sa pagitan ng halaga ng interes at ng brokers cut, ay madalas idinadagdag sa bukas na posisyon kung ito ay positibo. Ang negatibong swap, kung saan ito ang pagkakaiba ng halaga ng interes kasama ang brokers cut, ay ibinabawas tuwing gabi sa iyong bukas na posisyon. Nararapat mong malaman na ang dalawang numerong ito ay negatibo. Ang Miyerkules ang pinakaabalang araw para sa swap. Sapagkat ang mga araw na MIyerkules, Sabado at Linggo ay mga holiday na araw. Ibig nitong sabihin, lahat ng swap ay pinoproseso sa gabi ng Miyerkules at Huwebes ng maaga.

Leverage and Margin Call - Fundamental Definitions in Financial Market - MetaTrader Account History

Fundamental Definitions in Financial Market - Swap Interest Rate on Wednesdays, Saturdays and Sundays

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates