Introducing Broker Services - IB Regulation and Qualification

Serbisyo ng Tagapagpakilalang Broker

0 0 Vote
Instructor

Serbisyo ng Tagapagpakilalang Broker

Ikalabing-anim na sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, tatalakayin natin ang Tagapagpapakilalang Broker, Serbisyo ng tagapagpakilalang broker, serbisyo ng IB, pagkakaiba sa pagitan ng pagbubukas ng account sa pamamagitan ng IB at direkta, rebate at paglipat ng account sa pamamagitan ng IB.

IB o Tagapagpakilalang Broker

Ang IB o Tagapagpakilalang Broker ay isang legal na tao na nagawang makapag-aplay para sa isang sangay mula sa isang broker, at maaaring makapagtrabaho bilang kinatawan ng broker.

Hindi madali na maging maaasahang IB at maraming itong tuntunin at kundisyon.

Introducing Broker Services - Broker Information and Reliability - Regulation and Financial Knowledge

Kundisyon ng IB

Sa paggamit ng website, ang isang IB ay maaaring mkapag-alok ng lahat ng kinakailangang impormasyon sa kanyang mga kliyente, kasama ang kumpletong detalye sa kung paano magbukas ng account, magdeposito at magbawas ng pondo, at maaasahang mapagkukunan kung saan ang mga kliyente ay maaaring maka-access ng mga pagsasanay na pang-edukasyon.

Kung titingnan mo ang aming website, makikita mo ang makabuluhang dami ng impormasyon tungkol sa Banyagang Pagpapalitan, Paaralan ng Banyagang Pagpapalitan, pagbubukas ng account, istratehiya sa Banyagang Pagpapalitan, mga maaaring i-download na platform at pag-aanalisa, gayundin ang iba pang seksyon na maaaring kailanganin ng kliyente.

Mayroon ding kumpletong impormasyon tungkol sa mga broker, sa kanilang komisyon, ang kanilang spread at regulators, sa pag-hahalimbawa.

Madalas, ang maaasahang IB ay mayroong higit sa limampung kliyente, at maaari silang dumirekta dito anumang oras.

Sa pagkakaroon ng access sa kumpletong impormasyon tungkol sa brokerage, makukumpara ito ng IB at makakapag-alok ng pinakanararapat para sa kanyang kliyente ayon sa pangangailangan nito.

Ang magaling na IB ay may malawak na kaalaman tungkol sa pinansyal na merkado, tulad ng iba t-ibang pag-aanalisa at pamamaraan, kasama ang malalim na kaalaman tungkol sa mga broker.

Serbisyo ng IB

May iba t-ibang serbisyo ang maiaalok ng mga maaasahang IB:

Maaari silang makapagbigay ng payo sa pagbubukas ng account, at kung paano mag-sign-up para sa demo o sa totoong account, at mahahalagang papeles para accountna pangkalakal. Natutulungan ng mga IB ang kanilang mga kliyente sa mas nababagay na paraan ng pagbabayad.

Introducing Broker Services - Financial Market Broker - Forex Strategies - Market Analysis and Trading Signals

Ang rebate, na tatalakayin ng mas detalyado sa hinaharap.

Nag-aalok sila ng pag-aanalisa sa kanilang mga kliyente, maging araw-araw o lingguhan, na mayroon sa kanilang website.

Maaari silang makapag-alok ng mga serbisyo sa mga mamimili at pagpapayo sa kanilang mga kliyente anumang oras.

Binibigyan nila ng solusyon ang anumang posibleng isyu na kinakaharap ng kliyente. Tutulong din sila sa kanilang mga kliyente na paghusayin ang kanilang kaalaman sa pangangalakal.

Maaari din silang mag-alok ng mga programang pang-edukasyon sa kanilang mga kliyente.

Nag-aalok sila ng lahat ng mga updates na may kinalaman sa broker, mga balita, promosyon, mga bonus, at iba pa sa kanilang mga kliyente.

Maaari silang maglipat ng iba t-ibang halaga sa pagitan ng mga broker. Posible na ang isang panig ay may iba t-ibang account sa iba t-ibang broker, samakatuwid, ang isang IB ay kinakailangang na matulungan ang isang kliyente na ilipat ang kanyang pera mula sa isang broker papunta sa isa pa.

Mga Nasa Alituntuning IB

Sa ibang mga bansa, tulad ng Estados Unidos at Singapore, ang isang tao na interesado na mag-aplay bilang IB ay kinakailangang maipasa ang isang pagsusulit upang matanggap ang isang espesyal na katangian ng IB.

Ito ay sapagkat ang isang IB ay napakadelikado at importanteng paksa at lahat ay nararapat mag-aral at maipasa ang pagsusulit na ito upang ipakilala ang mga kliyente sa mga broker.

Introducing Broker Services - Customer Services and Client Issues - Promotions and Bonuses - Broker Latest News and Updates

Maraming tao ang nagnanais malaman kung may pagkakaiba ang pagbubukas ng accountgamit ang IB at ang direktang pagbubukas ng account.

Kinakailangan mong malaman na ang spread at ang komisyon ay parehas maging ikaw ay ipinakilala ng isang IB o direkta kang nagbukas ng account. Maraming brokerang mas nais ang kanilang mga kliyente na magbukas ng account sa pamamagitan ng IB, kaya ang kanilang IB ay masusuportahan ang kanilang mga kliyente hanggang sa huli.

Sa katunayan, ang isang IB ay isang tulay sa pagitan ng broker at ng isang kliyente. Ang Sub IB na nangangahulugang mas malaking IB, ay makakapagtrabaho sa mas maliliit at sa paraang ito ang mas maliliit na IB ay maaaring gamitin ang mga serbisyo na inaalok ng malalaking IB.

Komisyon ng IB

Bawat IB ay nakakatanggap ng komisyon sa bawat kliyente na ipinapakilala sa broker, at ang komisyon na ito ay para sa mga kalakalan na nagagawa ng kliyente, at hindi sa halaga na kanilang unang idineposito.

Ang komisyon na ito ay may dalawang uri:

Nakapirming Komisyon

Ang pakikipagkalakal sa iba t-ibang simbulo sa iba t-ibang kundisyon at halaga ay nagbibigay ng sigurado at katumbas na halaga ng komisyon. Anumang kalakalan na gawin ng isang kliyente, ang broker ay magbabayad ng siguradong komisyon sa IB tulad ng FIBO.

Introducing Broker Services - Regulation and Regulated IB - Exams and Tests in United States - IB Qualifications

Percentage na Komisyon

Ang percentagena komisyon ay nangangahulugan na ang percentage ng spread sa kinalakal na simbulo ay babayaran bilang komisyon. Ibig nitong sabihin na ang mga komisyon ay magkakaiba mula sa isang asset at simbulo maging sa iba pa. Halimbawa, ang Exness ay nag-aalok ng tatlumpu t tatlong porsyento ng mga spreadsa simbulo.

Rebate

Ito ang isa sa mga serbisyo na inaalok namin sa aming mga kliyente. Ang proportionng komisyon na madalas ibinabayad ng broker sa IB ay ibibigay sa kliyente.

Introducing Broker Services - Fixed and Percentage Commission - CPA and Revenue Plan - Spread and Symbol Commission

Madalas nagbabayad kami ng percentage ng komisyon na ito sa kliyente.

Ang oras kung kailan nagbabayad ng rebate ang broker ay maaaring iba sa ibang mga broker. Ang ilan ay pinipili sa unang araw ng bawat buwan at ang iba ay gumagamit ng kusang pagbabayad sa pang-araw araw na basehan, gayunpaman, mayroong limitadong bilang ng broker sa ganitong patakaran.

Halimbawa, sa FOREX4YOU, dalawang oras pagkatapos mo matapos ang iyong pakikipagkalakal, ang komisyon ay kusang babayaran.

Muli, sa aming website, ang isang mangangalakal sa ilalim ng FOREX4YOU na kategorya ay maaaring makatanggap ng rebate dalawang oras pagkatapos ng kanyang pakikipagkalakal araw-araw.

Mayroon ding mga mangangalakal na nagnanais baguhin ang kanilang mga account at gawing IB account, ang mga mangangalakal na ito ay nahahati sa dalawang grupo. Sa unang grupo ay ang mga mangangalakal na nagbukas ng accountdirekta sa isang broker; sa ikalawang grupo ay ang mga mangangalakal na may account sa iba t-ibang IB na maaaring ilipat.

Paglipat ng Account

Mayroong iba t-ibang paraan upang mailipat ang iyong account sa mga broker.

Ang isang mangangalakal ay maaaring magbukas ng bagong account sa pamamagitan ng pagpunta sa website ng mga broker tulad ng EXNESS upang mag-aplay ng bagong account. Ang ilang mga broker, tulad ng Alpari, ay humihiling sa kliyente na isara muna ang lumang account sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa broker, bago magbukas ng panibago.

Introducing Broker Services - Rebate and Cash-back - IB Commission - Deposit and Lot Volume Trade

Ang isang kliyente ay maaaring magpadala ng email sa kanilang broker at hilingin na ilipat ang kanilang account sa ilalim ng IB na account.

Kung nais mong malaman ang iba pang bagay tungkol sa palipat ng iyong account, maaari kang magpunta sa aming website at magpunta sa seksyon ng paglipat ng account. Makikita mo ang lahat ng impormasyon tungkol sa paglipat ng accountpara sa iba t-ibang mga broker. Maaari ka din magpunta sa seksyon ng rebate sa Banyagang Pagpapalitan sa aming website at makikita mo ang halaga ng rebateng iba t-ibang broker.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates