Introduction to Candlesticks - High and Low, Open and Close Price

Pagpapakilala sa Candlestick

0 0 Vote
Instructor

Pagpapakilala sa Candlestick

Ikadalawampu t Tatlong sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Ang sesyon na ito ay tungkol sa pagpapakilala sa candlestickkaya candlestick, kaya kandilang Hapon, detalye ng kandila, pataas at pababang kandila kasama ang panimulang pwesto ng kandila, linya ng tubo at linya ng lugi ay pag-uusapan.

Candle stick

Ang candle stick o kandilang Hapon ay unang nabanggit at ginamit ng mga mangangalakal na Hapon. Ang hugis ng kandila ay naglalarawan ng emosyon ng mamimili at nagbebenta karagdagan sa kanilang nararamdaman tungkol sa kanilang mga order sa pagbili at pagbenta.

Gamit ng candle stick

Ang teknikal na pag-aanalisa sa candlestickay ang may pinakamakabuluhang epekto sa hinaharap na takbo ng merkado, kaya ang impormasyon tungkol sa stock market ng anumang bansa ay binibigay sa estilo ng Candlestick na Hapon na may parehas na presyo at aspeto, dahil sa katotohanan na lahat ng impormasyon ay nirerepresenta ng tanging organisasyon ng Stock Exchange. Sa kabilang banda, habang ang merkado ng Banyagang Pagpapalitan ay isang interbank network, ang estilo ng Candlestickna Hapon ay nirerepresenta ng iba t-ibang broker na may iba t-ibang aspeto at presyo, sa pagsasaalang-alang na bawat tagapagbigay ng merkado ay may iba t-ibang time zone. Ang hugis, taas, baba, bukas at saradong presyo ng candlestick na nirerepresenta ng mga broker ay higit na nagkakaiba.

Introduction to Candlesticks - Japanese Style - Stock Exchange Market Application - Time Zone Frame MetaTrader

Ang pinakamahusay at pinakatamang kandila ay binibigay ng FXPro na may mahabang kasaysayan ng presyo na kagamit-gamit sa mas maayos na teknikal na pag-aanalisa, lalo na sa mga kalakal tulad ng Langis at Ginto. Ang ilang mga broker ay nagrerepresenta ng limitadong haba ng oras ng presyo, sa ilang mga kalakal ito ay magiging mahirap.

Ang bulto na naikalakal sa merkado ng Stockay maaasahan sapagkat ang impormasyon ay nirerepresenta ng isang organisasyon, organisasyon ng Stock Exchange, gayunpaman, ang bulto ng transaksyon ay hindi tama. Kung ang mangangalakal ay nais suriin ang bulto ng transaksyon sa merkado ng Banyagang Pagpapalitan, magiging mas mainam na suriin ito sa FXPro, FXCM, IG at OANDA na platform sa kadahilanan na marami itong kliyente. Mayroong higit sa isandaan at apatnapung uri ng candlestick na may iba t-ibang halaga ng kredibilidad. Ang Candlestick ay mas maaasahan sa H4 at mas mahabang haba ng oras. Ang teknikal na pag-aanalisa na nabigay gamit ang impormasyon sa candlestick ay mas mapagkakatiwalaan kapag ang mangangalakal ay gumagamit ng H4 o mas mahabang haba ng oras. Ang Candlestickay may mas hindi maaasahan na resulta sa maikling haba ng oras dahil sa matalas na fluctuation sa presyo.

Mayroong iba t-ibang candlestick base sa kanilang numerong ginamit sa teknikal na pag-aanalisa.

Introduction to Candlesticks - Forex Market and Financial Market - Price Market in Time-frame - Lot Size

Ang teknikal na pag-aanalisa ay maaaring ibase sa isang candlestick.

Ang teknikal na pag-aanalisa ay maaaring gawin sa higit na isang kandila, dalawa o limang kandila. Ang kaugnayan sa pagitan ng mga kandila ay may makabuluhang epekto sa teknikal na pag-aanalisa.

Ang mga kandila ay maaaring uriin base sa kanilang kahalagahan.

  1. Mataas na kahalagahan
  2. Katamtamang kahalagahan
  3. Mababang kahalagahan

Ang pinakakagamit-gamit na kandila ay may mataas na kahalagahan sa teknikal na pag-aanalisa.

Iba t-ibang parte ng candlestick:

Ang kandila ay may pangunahing katawan, na kilala din bilang totoong katawan. Ang Open ay ang presyo na nabubuo ng kandila. Ang Close ay ang presyo na nasasara ng kandila. Ang Highay nangangahulugan ng pinakamataas na halagang naabot ng kandila. Ang Loway ang pinakamababang halagang naabot ng kandila. Ang lugar sa pagitan ng katawan at High/Low na presyo ay tinatawag na Shadow. Ang Upper Shadoway nasa pagitan ng High at pangunahing katawan, habang ang Lower Shadow ay nasa pagitan ng pangunahing katawan at ng Low. Mawawalan ng Shadow sa kandila.

Introduction to Candlesticks - Main Body, High and Low Prices, Opening and Closing Price of Candlstick

Uri ng kandila

Ang candlestickay maaaring ikategorya sa dalawang grupo: Ang Increasing o Bullisho Decreasing o Bearish;

Ang Increasingo Bullish na candlestick, kung saan ang mga Bukas na posisyon ay matatagpuan sa ilalim ng mga Saradong posisyon, ay pinapakita sa kaliwang pigura. Ang presyo ay nagsisimula sa Bukas na posisyon, pagkatapos ng ilang oras, na may kasamang pagbabago sa presyo, ito ay nagsasara sa halagang mas mataas sa ipinasok na presyo.

Ang Decreasingo Bearish na candlestick, kung saan ang Bukas na posisyon ay matatagpuan na mas mataas kaysa sa Saradong posisyon, ay makikita sa kanang pigura. Ang presyo ay nagsisimula sa Bukas na posisyon, pagkatapos ng ilang oras, na may kasamang pagbabago, ito ay nagsasara sa halagang mas mababa kaysa sa ipinasok na presyo.

Ang Highat Low na presyo sa alinman dito ay pareho.

Ang presyo ng ipinasok na order ay naiiba, base sa uri ng candlestick. Sa isang Bullish na candlestick, ang presyo ng order ay kailangan mas mataas sa High na presyong binigay ng candlestick. Ang Buy order na pagpasok ng presyo ay kailangan mas mataas sa Highna presyo ng candlestick. Sa Bearish na candlestick, ang presyo ng Sell order ay kailangan mas mababa kaysa sa Low na presyo ng tiyak na candlestick.

Rekomendado na ilagay ng mangangalakal ang kanilang paunang orderna may tatlong pipsna malayo mula sa kandila sa H4 na haba ng oras. Ang agwat na ito para sa pang-araw-araw, lingguhan, at buwanan ay magiging lima, pito at sampung pips. Ang paraang ito ay pinapababa ang kabiguan ng teknikal na pag-aanalisa base sa candlestick.

Introduction to Candlesticks - Bullish and Bearish Type - Higher and Lower Shadow Price

Ang TP ng Buy order sa Bullish na candlestick ay kailangan ilagay sa ibabaw ng High na presyong binigay ng kandila kasama ang haba ng kandila. Ang SL sa order na ito ay kailangan ilagay sa Low na presyo ng candlestick.

Ang TP ng Sell order sa Bearish na candlestick ay kailangan ilagay sa Low na presyo ng nasabing kandila at ibabawas ang haba ng kandila. Ang SL ay kailangan nasa Low na presyo ng nasabing candlestick.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates