Market Analysis and Trading Signals - Risk Capital Management

Pagsusuri sa Merkado at mga Signal sa Kalakalan

0 0 Vote
Instructor

Pagsusuri sa Merkado at mga Signal sa Kalakalan

Ika-labingapat na Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito pag-uusapan natin ang tungkol sa Pagsusuri sa Merkado at mga Signal sa Kalakalan saka mga detalye sa signal.

Mga Signal sa Pagsusuri

Kapag ang isang baguhan ay nagsimulang gumawa sa negosyong ito kailangan nilang ikumpara ang kanilang pagsusuri sa gawa ng isang propesyonal. Madalas ang mga pagsusuri na ito ay base sa kalakal at banyagang pananalapi.

Ang mga pagsusuri ay base sa batayang patakaran at tiyorya, gayunpaman, napakasimple din nitong gamitin, gaya ng paggamit ng indicators.

Mayroong iba t-ibang paraan ng pagsusuri ng datos na ating titingnan.

Ang pagkilos ng presyo ay isang pagsusuri base sa galaw at pagbabago ng presyo; ito ay isa sa pinakamagandang paraan upang suriin ang kalakalan bago mo gawin ito.

Maaari mong ibase ang iyong pagsusuri sa Elliot waves.

Market Analysis and Trading Signals - Fundamental Rules and Theories- Price Action of Market Trend

Maaari mo din ibase ito sa Andrew s Pitchfork.

At ang huli ay maaari mo itong ibase sa anyong Harmonic.

Madalas namin ina-uploadang aming lingguhang pagsusuri, base sa Elliot Waves at gamit ang mga paraang tulad ng indicators, sa aming website. Maaari mo kaming sundan sa aming Facebook para sa iba pang impormasyon. Ipinapadala din namin sa mga tao ang aming pagsusuri sa pamamagitan ng email, ito ay madalas nangyayari sa pagitan ng ika-siyam hanggang ika-labingisa ng umaga.

Ang aming mungkahi ay kailangan mong pag-aralan ng mabuti ang pagkilos ng presyo at gawin ang pagsusuri mag-isa. Upang makasiguro na ang gawa mo ay nararapat na upang ikumpara sa pagsusuri ng propesyonal, at sana ay nasa tama kang landas.

Madalas ang mga mangangalakal ay lubos na naniniwala sa kanilang mga kalakalan, halimbawa, maaari silang maniwala na ang merkado ay pataas at mahirap baguhin ang kanilang pananaw. Kapag ikinumpara mo ang iyong gawa sa propesyonal na panig, makikita mo ang isa pang pananaw tungkol sa merkado at ito ay talagang makakatulong sa iyo upang magkaroon ng posibleng pinakamagandang kalakalan. Kung kaya ipinipilit namin na lagi mong ikumpara ang iyong pagsusuri sa gawa ng mga propesyonal.

Ang pinakamainam na oras upang gawin ang iyong pagsusuri ay tuwing Sabado at Linggo, sapagkat sarado ang mga pinansyal na merkado at hindi ka naghahanap ng pwesto upang ilagay ang anumang kalakal sa oras na iyon ng walang pagdududa; ito ay mag-iiwan sa iyo ng mas mahabang oras upang mag-isip at malinaw na pagtutok.

Kung nais mong tulungan ka namin tungkol sa bagay na ito, magpadala lamang ng email sa:[email protected] kasama ang iyong buong pangalan, at iyong email addressat humingi ng pinakabagong pagsusuri at sumali sa aming listahan ng papadalhan.

Market Analysis and Trading Signals - Elliott Waves, Andrew\\'s Pitchfork and Harmonic Patterns

Maaari mo din kaming sundan sa Facebook (www.facebook.com/...) at panatilihing updated sa mga kasunduan at alok ng mga broker o kaya ay bisitahin ang aming pahina sa Facebook.

Market Analysis and Trading Signals - Market Analysis by professional team - Expert Advisor MetaTrader

Mga Signal

Ngayon ay oras na upang pag-usapan ang mga signal, kung saan ito ang bahagi na nagpapakita ng interes ang mga mangangalakal.

Sa madaling salita, ang signal ay isang pagkakataon sa pangangalakal na ibinibigay ng mga tagapagbigay ng signal.

  1. Ang Pagpasok o Presyo sa Pagpasok ay nahahati sa dalawang grupo:

a)Kasalukuyang presyo kung saan ang mga panig ay ginagawa ang kanilang mga kalakalan base sa kasalukuyang price index ng merkado.

b)Nabitin na orderkung saan ang mga panig ay naghihintay ng nais nilang presyo para sa tiyak na estratehiya. Ang uring ito ay mas kilala ng mga mangangalakal sapagkat mayroon silang mas mahabang oras upang isaalang-alang ang kanilang pagdududa.

  1. Ang presyo sa Pagsasara o presyo ng Paglabas, ay may dalawang natatanging karakter sapagkat anumang kalakalan ay maaaring nasa tama o maling datos ng signal.

Market Analysis and Trading Signals - Profit and Loss Limit - Current Price and Pending Orders - Buy Sell Stop

a)Limitasyon ng Tubo (take profit)

b)Limitasyon ng Pagkalugi (Stop loss)

Tandaan na ang pagpapanatili ng bukas na kalakalan at ang pag-asa na babalik ito sa posisyon kung saan ay maaari kang tumubo ay isang napakadilikadong negosyo kung saan ang isang mangangalakal ay maaaring makatanggap ng margin call.

Simbulo Mahalaga na malaman ang simbulo sa signal, halimbawa, ito ay Ginto o Banyagang pananalapi.

Direksyon Ito ay nagpapakita kung ito ay Pagbili (Mahaba) o Pagbenta (Maiksi) na order.

Porsyento ng PanganibSa seksyon na ito inihahayag ng tagapagbigay ng signalkung gaano katagumpay maaaring maging ang isang signal.

Petsa ng PagtataposIto ay madalas ginagamit sa mga naantalang orders; ang isang tagapagbigay ng signal ay maglalagay ng oras ng pagtatapos para sa signal na iyon. Halimbawa, maaari mong gawin ang iyong pakikipagkalakal sa loob ng susunod na dalawang oras ngunit pagkatapos ng oras na ito, ang signal ay magtatapos.

UpdateIto ay mahalaga dahil sa fluctuation sa merkado. Ang datos ng isang signal ay kailangang bago, upang matumbasan ang anumang maling pagdududa, kilala bilang Break Even, o maaari nitong kumpirmahin ang nakaraang signal sa naturang pwesto.

Mahahalagang Bagay Tungkol sa Signal

Mayroong ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman tungkol sa signal.

Market Analysis and Trading Signals - Long and Short Orders Symbols - Break Even - Risk Management Percentage

Ang mga uri ng signal na base sa oras at tagal ay nahahati sa tatlong kategorya:

a)Pangmabilisang termino ng signal

b)Pamantayan o premiumna termino ng signal

c) Pangmatagalang termino ng signal

Ang ilang paraan ng mga mangangalakal ay base sa pagkuha ng tubo mula sampu hanggang dalawampung pips, ang iba ay may kagustuhang kumuha ng tubo mula tatlumpu hanggang limampung pips, habang ang iba ay may kagustuhang kumuha ng tubo ng higit pa sa isandaang pips.

Ang mga signal na base sa bilang ng kalakalan ay maaaring magkaroon ng iba t-ibang punto ng pagpasok. Kaya hinati natin ito sa dalawang kategorya:

a)Pang-isang kalakalan

b)Pangmaramihang kalakalan

Ito ang halimbawa na nagpapaliwanag sa mga kategoryang ito. Ang isang tagapagbigay ng signal ay inaalam na ang direksyon ng takbo ng merkado sa Langis, na may presyo bilang isandaan at apat na USD, ay pababa. Siya ngayon ay nag-aalok ng dalawang signal, ang isa ay sa isandaan at apat at ang isa ay sa isandaan at lima. Sa ganitong paraan, maisasara ng mangangalakal ang dalawang account sa isandaan at dalawa at makakakuha siya ng tubo.

Sa natatanging uri na ito, mas mainam sa lahat ng mga order na mapunta sa parehong direksyon, halimbawa lahat sila ay bumibili at nagbebenta.

Market Analysis and Trading Signals - Multi and Single Trades - Short, Medium and Long Term Strategy

Presyo ng SignalAng presyo ng signal ay magkakaiba; sila ay talagang nakadepende sa pagiging tapat ng mga tagapagbigay ng signal, ay ilan ay libre at ang ilan ay nagkakahalaga ng higit sa limangdaang dolyar.

Paraan ng Pagdadala ng Signal

Ang mga signal ay maaaring maipadala sa maraming paraan, ang mga pangunahing paraan ay sa pamamagitan ng:

a)SMS (mensahe sa text)

b)E-mail

c)Sa pamamagitan ng Website

Madalas ang propesyonal na paraan ay ang paggamit ng SMS, ibig sabihin ang mangangalakal ay maaaring makatanggap ng alok mula sa kanyang cell phone. Maaaring hindi makita ng mga mangangalakal ang mga alok sa kanilang emailo website sa tamang oras, ibig sabihin maaari silang mawalan ng posisyon sa pag-aalok.

Makakapagbigay ng Tubo o Hindi

Maraming mangangalakal ang nagtatanong ang paggamit ba ng signalay makakapagbigay ng tubo

Ang sagot sa tanong na ito ay simple lang, ito ay nakadepende lahat sa mangangalakal at sa kanilang mga puhunan.

Halimbawa, nais ng isang mangangalakal na makipagkasundo sa tatlong magkakaibang signal, kung isugal nila lahat ng kanilang puhunan sa nauna, maaaring mawala lahat ng kanilang panustos na pera o maaaring madoble ang kanilang panustos na pera kung ang signal ay mapagkakatiwalaan.

Market Analysis and Trading Signals - Delivery Method by Mobile App, Text and Email - Profit and Loss Ratio

Kaya hindi tayo maaaring makabuo ng tiyak na halaga ng tubo kada buwan at ito ay nag-iiba sa bawat mangangalakal. Iminumungkahi namin na, kasama ng pamamahala ng panganib, hindi ka dapat sumugal ng higit sa isa hanggang limang porsyento ng bawat kalakalan.

Pinakamababang Puhunan

Ang pinakamababang halaga ng puhunan na mailalagay mo ay mahalaga.

Ang ilang mga signal ay may kasamang mataas na lawak ng Pip at halaga ng Pip, kaya, mahalaga na ang kalakalan at ang halaga ng transaksyon ay nakaayos na.

Sa ilang mga kalakalan, ang alok na iyon ay maaaring apat na daan hanggang limangdaang pip sa isang signal, kung saan kailangan mo ng hindi bababa sa limang libo hanggang sampung libong dolyar na puhunan.

Kaya mahalaga na magkaroon ng malinaw na pananaw sa pagkakalakal at ang halaga ng trasaksyon na inaalok bago ka kumuha ng signal. Maaari ka din pumasok sa aming website upang malaman ang iba pang tungkol sa signal at mga materyales sa pag-aaral na iyong kakailanganin, maaari ka din makikita ng nararapat na tagapagbigay ng signal.

Bago tayo matapos sa sesyon na ito kailangan mong malaman ang isang importanteng bagay tungkol sa mga signal.

Dahil sa katotohanan na ang isang istratehiya ay maaaring magkaroon ng maraming maling signal kasama ng ilang totoong signal, mahigpit na iminumungkahi na gawin mo ang lahat ng kalakalan na mabubuo ng inaasam mong tagapagbigay ng signal. Gayundin, makikilala mo ang pagiging mabisa at pakinabang ng tagapagbigay ng signal kapag ginamit mo ang lahat ng signal na mabubuo nito.

Market Analysis and Trading Signals - Money and Capital Management - pip Range - Minimum Deposit and Investment

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates