Marubozu Candlestick Pattern - Long Body, No Higher Lower Shadow

Pattern ng Marubozu Candlestick

0 0 Vote
Instructor

Pattern ng Marubozu Candlestick

Ikadalawampu t Apat na sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, ang long candle, Marubozu candlestickna pattern, Three Black Crows at Three White Soldiers na kandila ay pag-uusapan.

Marubozu o Long Candle

Ang Long candle o Marubozu candleay pinakakita ang katatagan ng merkado sa parehong Buy at Sell na order. Nagdudulot ito ng tiwala na ang mga mangangalakal na siyang nagdidirekta sa karamihan sa mga partido sa merkado upang mag-order sa parehas na direksyon, habang ang iba ay mas ninanais na maghintay kung sila ay mag-order sa kasalungat na direksyon. Halimbawa, karamihan sa mga mangangalakal ay naglagay ng Sell order sa isang asset na may pababang direksyon, gayunpaman, ilang mga mangangalakal ang naghihintay para sa kasalungat na pwesto upang maglagay ng Buy order.

Ang pagkukumpara sa laki ng mga kandila

Ang Marubozu ay walang anumang Shadow, kaya ang kabuuang istruktura na naglalaman ng pangunahing katawan sa kabila ng haba ng kandila. Ang mga Long candle ay may maliit na Shadow kumpara sa kanilang mahabang pangunahing katawan. Kadalasanan ang Marubozu o Long candle ay mas mahaba kaysa sa ibang kandila, na siyang nagdudulot dito upang maging kapansin-pansin.

Sa pababang takbo, ang Marubozu o Long black candle ay nagkukumpirma ng parating na pagbaba sa presyo. Ang Marubozuo Long black candle ay mahalagang senyales ng pagbaba ng merkado pagkatapos na dumaan ng presyo ng merkado sa Mababang dulo ng kandila, habang ang White Long o Marubozu candle ay pinapakita ang pataas na takbo lalo na pagkatapos dumaan ng presyo ng merkado sa Mataas na dulo ng kandila.

Marubozu Candlestick Pattern - Long Pattern with Low Shadow - Buy and Sell Reversal Trading Signals

Ang Marubozu

Ang mangangalakal ay maaaring makakuha ng ilang mga halimbawa sa isang tsart sa MT4 na platform. Halimbawa, mayroong Long White candle na sinundan ng sumunod na paglaki ng presyo. Isa pang halimbawa ang nagpapakita na ang paggalaw ng pataas na takbo ay kinumpirma ng Long White candle na may maliit na Shadow. Ang mangangalakal ay kailangan ikumpara ang laki ng Long o Marubozu candle sa kalapit na kandila. Minsan ang isang kandila ay may maliit na Shadow lamang sa isang bahagi na madaling makikita sa tsart. Maaaring may Long at Marubozu black candle, na nagkukumpirma ng pagbaba ng takbo ng presyo. Isa pang Marubozuwhite candle ang nabuo ng walang anumang Shadow kung saan ay sinundan ng patuloy na pagbaba ng presyo ng merkado.

Ang Three Black Crows

Mayroong pattern na tatlong setna kandila na tinatawag na Three Black Crows na naglalaman ng tatlong tuloy-tuloy na itim o pababang kandila sa tatlong magkakasunod na haba ng oras. Pagkatapos ng patuloy na pagbaba sa ilalim ng Mababang dulo ng huling kandila, inaasahan na ang presyo ng merkado ay susunod sa pababang direksyon.

Long, Three White Soldiers and Three Black Crows

Ang Three White Soldiers

Isa pang pattern na tatlong setna kandila na kilala bilang Three White Soldiers, ay naglalaman ng tatlong magkakasunod na puting kandila sa tatlong magkakaibang haba ng oras. Kapag ang presyo sa merkado ay lumampas sa Mataas na dulo ng pangatlong kandila, ipagpapatuloy nito ang pataas na direksyon.

Tandaan na lahat ng tatlong set na kandila ay hindi kailangan na may agwat sa pagitan ng kanilang presyo, na nangangahulugan na ang kanilang High at Low ay kailangan konektado sa isa t-isa. Kung mayroong apat na kandila na may parehas na pattern, ang mangangalakal ay kailangan isaalang-alang ang unang kandila bilang panimulang pattern na tatlong set na kandila. Mayroon silang iba t-ibang hugis at laki sa regular na kandila. Ang pangunahing katawan ng mga kandilang ito ay may normal na laki, gayumpaman, ang kanilang Shadow ay napakaliit, kung mayroon man.

Marubozu Candlestick Pattern - Three White Soldiers and Black Crows Pattern in Forex Market on MetaTrader

Sa loob ng platform

Halimbawa, ang mangangalakal ay makakuha ng maraming pattern sa MT4. Ang Three White Soldier candle ay nagpapakita ng pataas na takbo, habang ang set na ito ay hindi makapangyarihan dahil sa mahabang Shadow. Isa pang halimbawa ang nagpapakita ng Three Black Crows na set, na sinusundan ng isang pagbagsak. Sa isang pattern na tatlong set, kung ang pangatlong kandila ay isang Marubozu o Long candle, ang kasalukuyang direksyon ng presyo ng merkado ay lubusang makukumpirma . Ilan pang pattern na tatlong set na kandila ang mayroon sa tsart ng merkado.

Ito na muna sa sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates