MetaTrader Tutorial - Educational Manual of installing MT4 SRV

Tutorial Tungkol sa Metatrader

10 1 Vote
Instructor

Tutorial Tungkol sa Metatrader

Ikalabing-walong sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa pagkakabit ng MetaTrader, ang pagkakaiba sa pagitan ng MetaTrader4 at 5, pagkakabit ng higit sa isang MetaTrader sa isang brokerat paggamit ng isang platform para sa maraming broker.

Pagkakabit ng MetaTrader

Pagkatapos ninyong mai-download ang MetaTradermula sa website ng broker, maaari mo na itong maikabit sa iyong devicegamit ang aming mga direksyon kung paano. Kung nais mong magkabit sa pangalawang platform, sundin lamang ang parehas na direksyon kung paano ikabit ngunit palitan lamang ang pangalan ng file. Bibigyan namin kayo ng iba pang mga direksyon, na magpapadali sa inyo upang gawin iyon.

MetaTrader Tutorial - Installing MetaTrader 4 on PC - Config SRV file - Alpari, Admiral, Fibo and FXPro

Ang pagkakaiba sa pagitan ng MetaTrader 4 at 5

Ang MetaTrader 4 ay hindi lumang salin. Ang MetaTrader 5 ay isang salin na dinesenyo para lamang sa mga Amerikanong mamimili.

Ang pagkakaiba sa pagitan nila ay ang mga kalakalang hedge ay hindi mailalagay sa MetaTrader 5, ibig sabihin hindi ka maaaring magbenta at bimili ng sabay. Kung magbebenta ka ng assetat magdesisyon na maglagay ng kalakal sa pagbili, isasara nito ang bukas na kalakal sa pagbenta. Kaya kailangan mong malaman na maaari kang magkaroon ng anumang dami ng kalakal na gusto mo, ngunit lahat ito ay nararapat na nasa iisang direksyon, ito ay dapat nasa kalakal ng pagbenta o pagbili.

Ang ikalawang pagkakaiba ay sa MetaTrader4 ang bawat isang kalakal ay ipinapakita ng magkakahiwalay, ngunit sa MetaTrader5, base sa halaga ng transaksyon, lahat ng iyong kalakal ay ipinapakita ng magkakasama.

Ang paggamit ng isang platformsa magkakaibang account

Posible na gumamit ng isang platformat suriin ang iyong mga account kahit na ito ay nasa iba t-ibang mga broker. Maaari mo itong gawin sa dalawang magkaibang paraan.

MetaTrader Tutorial - MT4 and MT5 differences - Transaction Amount and Hedging Strategy - Multiple Trades

Ang unang paraan ay ang paggamit ng SRV fileng broker na matatanggap mo mula sa ibang mga mangangalakal at kopyahin ito sa Config folder sa MetaTrader 4, saka isara at buksan ang MetaTraderna software ng isang beses at maaari mo na itong gamitin.

Ang ikalawang paraan ay ang buksan ang SRV filesa pamamagitan ng notepad at kunin ang server file IP, saka ka pumasok sa server IP ng bagong account.

Ngayon, gaya ng nakikita ninyo, kapag nag-downloadka ng file, maaari kang gumamit ng alinman sa MetaTrader 4 o 5 o sa nakikita ninyo, mayroon tayong platform applications mula sa iba t-ibang mga broker, tulad ng Alpari, Admiral, FIBO, Fxpro at IronFX.

Gaya ng nakikita ninyo, mayroon na tayong MetaTrader4 mula sa FXpro at nagnanais tayo na magkabit ng isa pang platform. Alalahanin na ang pagkabit ng isa pang platform at nangangailangan ng higit na atensyon.

Pagkatapos pindutin ang file at patakbuhin ang program, pindutin ang Yes at saka pindutin ang kasunduan at saka pindutin ulit ang Yes . Ngayon sa seksyon na ito, ito ang paunang set up, pindutin lamang ang Yes at ang platform ay maikakabit na sa iyong device. Gayunpaman, para sa ikalawang set upng platform, baguhin lamang ang pangalan kung saan nakasulat ang installation folderat pindutin ang Next at ito ay mado-download at maikakabit ang software sa iyong computer.

Ang paggamit ng SRV

Ngayon sa paggamit ng SRV files gaya ng nabanggit natin kanina, kailangan mo magpunta sa My Computer , windows, program files (Tandaan: para sa 32-bit windows, ang tawag dito ay program files at para naman sa 64-bit windows ito ay tinatawag na program files 86), ngayon hanapin ang iyong software, saka mo makikita ang Config sa MetaTrader folder at dito makikita mo na mayroong ilang demo at totoong server files na siyang SRVfiles.

Gaya ng hindi kinakailangang mag-downloadng iba t-ibang platform mula sa iba t-ibang broker. Sa ipapakita namin ngayon, kopyahin lamang ang file at ilagay ito sa ikalawang MetaTraderna atin lamang na-download. Ngayon ay maaari mo ng gamitin ng buo ang SRV nito. Halimbawa, maaari mong piliin ang ICBM SRV file at ibigay ito sa iyong mga kaibigan, kapag sinundan nila ang kaparehas na paraan makikita nila na ang ICBM ay magagamit nila ng magkakasabay gamit ang iisang platformlamang.

MetaTrader Tutorial - SRV files - Config Folders - MetaTrader 4 Windows and Charts - IP Address of MT4

Ang isa pang paraan ay ang pindutin ang shortcutat pumasok sa properties saka piliin ang open file location.Ito ay isa pang paraan upang makita kung saan naikabit ang iyong file. Kailangan mong iayos ang iyong shortcutsa unang pagkakabit, halimbawa, pindutin sa kanan ang iyong shortcut at magpunta sa properties sa nakikita ninyo ang shortcut ay naugnay sa bagong MetaTrader. Kaya maaari natin itong burahin o isulat ang address para sa orihinal na MetaTraderat pindutin ang Applyo OK . At kung susuriin mong muli, makikita mo na ang address ay nabago sa unang MetaTrader execution file.

Para sa SRV server address, ito ang dapat ninyong gawin. Pumunta sa kinalalagyan ng file at kung i-right click mo ang SRV file at buksan ang file gamit ang note na software, makikita mo kapag ito ay nagbukas, ang server address ay makikita mo.Ito ang server address na binanggit namin nuon. Saka patakbuhin ang MetaTraderat sa log in na seksyon i-paste ang server at mag-log in.

MetaTrader Tutorial - MT4 and SRV file with IP Server of Broker - Trading Platform Server Address

5

Dito mayroon tayong MetaTrader 5 mula sa Iron FX, at binabalak natin na ipakita kung paano ito naiiba sa MetaTrader4.

Sa demo account na ito, iniayos natin ang ating mga kalakal sa 0.1 lot at ngayon ay pindutin ang Sell at ito ay nakarehistro na.

Ngayon ay baguhin ang halaga sa 0.2 at pindutin muli ang Sell . Sa nakikita ninyo, pagkatapos ng unang pagbenta mayroong linya na nagpapakita ng kalakal, ngayon pagkatapos ng ikalawa, sa halip na magpakita ng isa pang linya, base a halaga ng transaksyon at price index, kinukwenta ng software ang average at pinapakita ang impormasyon sa iisang linya. Kung tayo ay gagawa ng isa pang pagbenta, at ngayon ay sa 0.5 lot, ito ay mananatili sa iisang linya.

Kung titingnan ninyo ng mabuti, ang mga orderat mga pagpapaliwanag nito ay hindi nagbago. Sa MetaTrader 4 ito ay naiiba sa magkakaibang kalakal, kung saan ang bawat isa ay pinapakita sa iisang linya. Ito ang pangunahing pagkakaiba ng dalawa.

Ngayon kung nagbabalak ka na bumili ng dalawang lot, ibig sabihin na isasara ng software lahat ng ordersa pagbenta, sa nakikita ninyo dito.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

MetaTrader Tutorial - MT5 Trade Order - Sell and Buy Lot Size - Hedging Policy

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates