Modern and Electronic Payment Methods - PForex

Moderno at Tradisyonal na Paraan ng Pagbabayad

0 0 Vote
Instructor

Moderno at Tradisyonal na Paraan ng Pagbabayad

Ika-labingisang Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito titingnan natin ang moderno at tradisyonal na paraan ng pagbabayad.

na Pera

Mayroong higit sa limampung uri ng electronic na pera sa buong mundo, gayunpaman, ang dami ng maaasahan ay napakababa.

Maraming halimbawa, ang ilan ay nakumpiska ang kanilang mga assets ng mga nagpapatupad ng batas, tulad ng E-Gold Company at Liberty Reserved, na may pinakamalaking kaso ng paglilinis ng pera sa buong kasaysayan laban sa kanila na umabot sa anim na bilyong dolyar.

Bilang resulta, kailangan maging napakaingat ka, at pumili ng maaasahan at mapagkakatiwalaang sistema. Dito ay ipapakilala natin sa iyo ang ilan sa pinakakilalang uri ng paglipat ng electronic na pera.

Mga Maaasahan at Ligtas

Ang pinakakilala malamang ay ang Paypal, kung saan ay maipapakita din bilang PP. Ang Skrill ay isa sa pinakamalaki, ang simbulo nito ay pinapakita bilang MB, sapagkat kilala sila bilang Money Bookers. Ang dalawa pang malalaking kumpanya ay Neteller at Web Money.

Modern and Electronic Payment Methods - PayPal, Moneybookers or Skrill, Neteller and Webmoney - Online Business

Paypal

Ang Paypal, ang pinakamalaki at pinakakilalang kumpanya ng electronic na pera sa mundo. Ito ay nakabase sa Amerika at lisensyado ng NFA. Madali kang makakapasok sa kanilang website mag-aplay ng account gamit ang iyong personal na email at impormasyon tulad ng pangalan at tirahan; kakailanganin mo din ang debit o credit card o parehas nito.

Sa una, ang iyong accountay kailangan makumpirma at upang mangyari iyon, ang halagang humigit-kumulang na 1.5 na dolyar ay mababawas at maidedeposito ulit sa iyong account at ang iyong account ay makukumpirma sa pamamagitan ng apat na numero na code. Kung mayroong anumang hindi ligtas na kalakalan o panganib na natuklasan sa iyong account, hihingi ang Paypal ng mas detalyadong personal na impormasyon tulad ng iyong mga papeles o pagkakakilanlan tulad ng pasaporte o ID card.

Skrill (Money Bookers)

Ang sumunod ay Skrill, (kilala nuon bilang Money Bookers) na kung saan ay nakabase ito sa Inglatera at sinusubaybayan ng FCA. Upang magbukas ng account sa kanila kailangan mong magpunta sa kanilang website gamit ang iyong email address at personal na impormasyon at mag-aplay ng isa. Mayroong iba t-ibang paraan upang makumpirma ang iyong account, ang una ay ang pagpapadala ng code sa iyong tirahan na post coded, at oras na matanggap mo ang code, babalik ka sa kanilang website at ilalagay ito upang makumpleto ang pagkukumpirma.

Modern and Electronic Payment Methods - Regulated by NFA of USA - Low Commission and High Security

Ang ikalawa ay ang paggamit ng master card o credit card. Ikaw ay makakatanggap ng apat na numero na code gaya ng sistema sa Paypal, gayunpaman, sila din ay maaaring humingi ng mas detalyadong impormasyon tulad ng pasaporte o ID card.

Hihilingin nila sa iyo na magbawas mula sa iyong account at magdeposito muli sa iyong accountsa bangko papunta sa iyong Skrill account ay isa pang uri ng pagkukumpirma.

Ito ang websiteng Paypal. Base sa iyong pinagmulan na bansa, iba ang itsura ng website. Pinapakita din nila ang watawat ng iyong bansa at kailangan mong malaman na ang pambangkong paraan sa Paypal ay magkakaiba depende sa bansa. Ang sumunod na websiteay ang Skrill. Kung titingnan mo sa ilalim ng pahina, makikita mo ang mga lisensya at regulators para sa mga website na ito.

Neteller

Ang sumunod ay Neteller, na pareho sa Skrill sapagkat nakabase ito sa Inglatera.Ito ay may lisensya ng FCA at FSC. Tulad ng Skrill at Paypal, maaari kang magbukas ng accountanumang oras gamit ang iyong email address at personal na impormasyon.

Modern and Electronic Payment Methods - Electronic Money Company - Regulated by FCA - Safe

Web Money

Ang Web Money ay isa pang kilalang sistema ng online na pagbabayad at nakabase ito sa Rusya. Upang magbukas ng account, kailangan mong sundin ang parehas na pamamaraan ng Paypal at Skrill, gayunpaman, dahil sa mataas nitong seguridad magiging mas mahirap gumamit sa account na ito. Upang makumpirma ang iyong account, hindi gaya ng ibang kumpanya, kailangan mong personal na magpunta sa isa sa kanilang mga sangay kasama ang iyong pasaporte o ID card at iba pang kinakailangan na dokumento.

Panloob na Paglilipat

Ang isa pang paraan upang makapaglipat ng pera ang mga panig ay sa pamamagitan ng panloob na paglilipat sa pagitan ng account na pangkalakal ng naturang brokerage. Ang sistemang ito ay hinahayaan kang maglipat ng iyong pera sa pagitan ng iba pang mangangalakal sa loob ng brokerage. Gayunpaman, hindi ito posible sa mga brokerage na lisensyado ng FCA o NFA.

Modern and Electronic Payment Methods - ID Card or Passport for Verification - FCA and FSC in England

Ang paglipat o wiringng pera ay ginagawa sa dalawang paraan sa pagitan ng mga panig na may parehas na brokerage.

Sa ilang mga broker, tulad ng HotForex at ICM Brokers, ang panloob na paglilipat ay magagawa lamang sa pagitan ng mga kliyente na ipinakilala ng isang introducing broker(IB).

Ang iba pang mga brokertulad ng Exness at Forex4You, ay nagbibigay ng serbisyo ng panloob na paglilipat kung saan ang mga kliyente ay malayang makapaglilipat sa kahit sinumang kliyente na walang limitasyon.

Kapakinabangan ng electronic na pera

Ngayon ay titingnan natin ang ilan sa mga kapakinabangan ng electronic na pera laban sa tradisyonal na paraan.

Kailangan natin, syempre, na magsimula sa kitang kita, ang hindi matatawarang bilis nito. Hindi mo na kailangan magsayang ng oras gaya ng ginagawa mo sa Master Card at paglipat ng pera gamit ang wire.

Ang anumang halaga ng pera ay madaling maililipat, at mas nakakatipid para sa maliliit na halaga, dahil walang bayad sa paglipat hindi gaya kung i-wire mo ito.

Mas madali na makipagkalakal base sa pananalapi na iyong napili, halimbawa maaaring nasa anumang panig ka ng mundo at hahayaan ng sistema na pumili ka ng anumang pananalapi gaya ng GBP o USD.

Ito ay lubos na kagamit-gamit hindi gaya dati na kailangan mo pang magbayad upang mapalitan ang iyong lokal na pananalapi sa pangunahing pananalapi bago ka makagawa ng anumang pakikipagkalakal.

Modern and Electronic Payment Methods - Electronic Money Advantages - Low Commission - Security

Ang dalawang napakaimportanteng bagay ay ang mataas na seguridad sa account at ang mataas na seguridad sa pagbabayad. Sa electronic na pera, ang layunin ay ang maging ligtas hanggang maaari upang maiwasan ang anumang tampering o hacking mula sa labas.

Ang komisyon ay napakababa at ito ay base sa halaga sa tuwing ikaw ay maglilipat.

Sapagkat ng ikaw ay unang nagrehistro, gumawa ang kumpanyang iyon ng tala ng lahat ng iyong numero sa card at mga detalye nito at hindi na kailangan na ilagay ulit iyon sa tuwing nakikipagkalakal ka, na siyang nagpapadali at nagpapabilis nito para sa iyo.

Napakadali din nitong sundin at kung ikaw ay naharap sa problema sa anumang oras, napakadali nitong sundin o alamin ang nakaraang pagkalakal o paglipat.

Isa pang malaking kapakinabangan at ang huli nating paguusapan ngayong araw ay ang mga accountna ito ay napakadaling i-wire ang pera mula sa iyong account sa bangko. Madali din ilipat ang iyong pera at assets.

Ang lahat ng ito ay magandang balita para sa mga tao at negosyante na nagnanais gawin ang kanilang negosyo sa paraan na online at sa electronic na pera humaharap sila sa malalaking oportunidad.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates