Order Types and Specifications - Buy Sell Stop Trade MetaTrader

Uri ng Order at Pagpapaliwanag

8 1 Vote
Instructor

Uri ng Order at Pagpapaliwanag

Ikadalawampung sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, pag-uusapan natin ang uri ng order at pagpapaliwanag, halaga ng tubo at lugi, nakabinbin na order, pagbabago ng order at pagsasara ng order.

Biglaang Pagsasagawa

Ang mga order ay maaaring hatiin sa dalawang uri base sa paraan ng pagsasagawa: ang Biglaang Pagsasagawa at Pagsasagawa sa Merkado. Kung ang broker ay nagbibigay ng order sa pagsasagawa, kung ang mangangalakal ay nais mag-order ng kalakal sa isang simbulo sa eksaktong presyo, KAILANGAN ng broker na eksaktong ilagay ang order na iyon sa nais na presyo ng mangangalakal. Kung ang orderay hindi makukuha maaaring tanungin ng broker ang mangangalakal kung nais niyang buksan ang kaniyang order sa kalapit na presyo. Kung ang brokeray hindi nagbigay ng mga Biglaang order, ngunit ang mangangalakal ay nagsabi na nais niyang magbukas ng order sa eksaktong presyo, kung ang orderay hindi mailalagay sa nais na presyo, ang broker ay may karapatan na buksan ang order na iyon sa kalapit na presyo ng nais na presyo. Ang pagbili at pagbenta sa Biglaan pagsasagawa ay tinatawag sa tawag na iyon, ng walang pagbabago, gayunpaman, sa Pagsasagawa sa Merkado, ito ay tinatawag na Buy by market at Sell by market .

Take Profit

Ang Take Profit o halaga ng tubo, na pinaikli bilang TP, ay isang limitasyon na inilalagay mo sa isang order, na iyong tinanggap kung ang presyo sa merkado ay naaabot ang presyong inaasam. Mahalaga, na kung ang presyo ay naaabot ang iyong limitasyon sa take profit, ang order ay kusang maisasara. Siyempre, sa order sa pagbili, ang presyo ng take profit ay dapat mas malaki kaysa sa kasalukuyang presyo. Sa kabilang banda, sa posisyon ng nagbebenta ang mangangalakal ay kailangan ilagay ang presyo ng take profit na mas mababa sa kasalukuyang presyo.

Stop Loss

Ang Stop loss o naluging halaga, na pinaikli bilang SL, ay ang presyong iyong pipiliin upang limitahan ang lugi kung ang merkado ay papunta salungat sa iyong prediksyon sa isang order. Sa order ng pagbili ang SL ay mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo, gayunpaman, sa order ng pagbenta ang SL ay kailangang mas mataas na presyo kaysa sa kasalukuyang presyo. Ang SL ay higit na inirerekomenda lalo na sa walang kasiguraduhang merkado sa katapusan ng linggo kung saan ay magkakaroon ng malaking agwat sa pagitan ng Biyernes hanggang Lunes na presyo. Ang bulto ng agwat ay maaaring mula sampu hanggang dalawang daang pips.

Order Types and Specifications - Take Profit and Stop Loss of Orders - Value, Sell and Buy by Market

Garantiya

Ang ilang broker tulad ng ICMBrokers ay maaaring maggarantiya na isagawa ang SL at TP na presyo tuwing araw ng pagtatrabaho sa merkado (hindi kasama ang agwat sa pagitan ng Biyernes at Lunes), upang ang iyong order ay kusang maisasara sa oras na ang SL at TP ay maabot ng presyo sa merkado. Ang paggarantiya ay lubos na mahalaga sa mga panig na nagkakalakal ng ginto, langis at stock.

Deviation

Kapag ang presyo sa merkado ay lubos na na gfluctuate, ang mangangalakal ay hindi maaaring magbukas o magsara ng isang order sa eksaktong nais niyang halaga, kaya ang pagbabago sa presyo o re-quote ay nangyayari. Upang hayaan ang broker na magsara o magbukas ng isang ordersa halagang malapit sa nais na presyo, kailangan paganahin ng mangangalakal ang quoted price sa Order Window. Ang option na ito ay mayroon sa mga broker na nagbibigay ng Biglaang Pagsasagawa na order. Ang mga broker, na kumakatawan sa Pagsasagawa sa Merkado na order, ay nai-aplay na ang option na ito sa lahat ng order.

Order Types and Specifications - SL and TP in Volatile Market with Price Gap - Order Guarantee of Price

Order Window

Maaaring buksan ng mangangalakal ang Order window sa iba t-ibang paraan, habang ang pinakamadali ay ang pindutin ang New Order button sa itaas na toolbar o sa pagpindot ng F9 bilang shortcutsa keyboard. Ang simbulo ay maaaring piliin sa unang bahagi, kung saan ang mga aktibong simbulo lamang na binigay ng broker ang nakalista. Halimbawa, ang EURUSD_Ask ay hindi maikakalakal sa FXOpen brokersapagkat ang broker na ito ay kumakatawan sa parehas na EURUSD at EURUSD-Ask na simbulo. Sa Market Watch, parehas na simbulo ay makikita, kung ang mangangalakal ay hahayaan ang pointer na hindi gumagalaw sa bawat simbulo, lalabas ang isang kahon na may ilang detalye tungkol sa simbulong iyon. Ang No sa harap ng Trade na option ay nangangahulugan na hindi ito simbulo na maaaring ikalakal sa broker na ito. Kaya ang EURUSD ay simbulo na maaaring ikalakal sa FXOpen. Pagkatapos buksan ang New Order window, kung ang gumagamit ay babaguhin ang tsart sa GBPUSD at ilalabas ang EURUSD_Ask na tsart, ang simbulo na GBPUSD ay kusang mailalagay sa kahon na simbulo. Mahalaga na piliin sa Order window ang simbulo na maikakalakal.

Ang nais na bulto ng mangangalakal ay kailangan isaalang-alang sa susunod na kahon. Ang kahon para sa komento ay mahalaga para sa hinaharap kung nais ng mangangalakal na ibalik ang impormasyon o pagpapaliwanag para sa kalakalang ito. Habang ang FXOpen ay hindi nagpapakita ng Biglaang pagsasagawa sa mga order, ang Sell/Buy na buttonsay Sell by Marketat Buy by Market . Ibig nitong sabihin na ang broker ay hindi ginagarantiya na ang iyong order ay magbubukas sa eksaktong nais mong presyo, ngunit isang malapit na presyo sa merkado ay kusang pipiliin ng broker. Halimbawa, ang isang ordersa Pagbenta ay pipiliin na karagdagan sa nakaraang order sa Pagbenta na maaaring makita kung ang nakaraang haba ng oras ay mapili. Ang mangangalakal ay maaaring piliin ang Buy option sa pamamagitan ng pagpindot sa Buy by Marketna button.

Order Types and Specifications - Deviation and Re-quote in Market Execution - New Order Window for Trading

Ang mangangalakal ay maaaring mag-aplay ng isang accountsa broker na nagbibigay ng Biglaang Pagsasagawa, tulad ng FXPro. Kapag ang New Order button ay pinili, ang SL at TP na bahagi ay aktibo para sa mga numerong madaling maunawaan. Ang mangangalakal ay maaaring pindutin ang Up/Down button ng mga bahaging ito, upang kusang maipasok ng MT4 ang mga kasalukuyang presyo. Ang uri ng order ay makikita sa Type field. Ang mangangalakal ay maaaring pumili ng Sell o Buy na buttonbase sa kanyang prediksyon. Upang alisin ang Price Change o Re-Quotena sitwasyon sa walang-kasiguraduhang merkado, maaaring paganahin ng gumagamit ang Enable maximum deviation from quoted pricena check box. Ang Maximum deviation ay nagpapakita ng halaga ng pips kung saan ang broker ay maaaring isaalang-alang ang order sa walang kasiguraduhang merkado; halimbawa, maaari itong maging apat or sampung pips, base sa pahintulot ng mangangalakal. Halimbawa, ang isang order sa Pagbenta ay napili sa EURUSD na simbulo na may 0.1 na lot. Bagama t ang TP ay maaaring ilagay ng mano-mano, magiging mas mainam na alamin ang numero ng TP sa pamamagitan ng Up/Down button. Para sa order ng Pagbenta sa TP, ito ay dapat mas mababa sa kasalukuyang presyo, kaya sa halimbawang ito kailangan ibaba ng mangangalakal ang halaga ng TP. Sa susunod na hakbang sa pamamagitan ng pagpindot ng Sell button, isang order sa Pagbenta ay ilalagay sa EURUSD na may tiyak na presyo ng TP. Sa mga nakaraang MT4 na platform, maaaring pumili, magbago, at magtanggal ng TP o SL na presyo ang mangangalakal; bukod pa dito, ito ay madaling maililipat ng pwesto sa tsart.

Kailangan isaalang-alang ng mga mangangalakal na may malaking pagkakaiba sa pagitan ng Demo at Real accounts na ibinibigay ng kaparehas ng broker. Karamihan sa mga brokeray kumakatawan sa mababang komisyon at spread na may mas mabilis na platformng serbisyo sa pagtugon sa Demo account kaysa sa Real account. Ang mahusay na serbisyo sa Demo account ay walang kasamang katanggap-tanggap na tungkulin ng Real account.

Order Types and Specifications - Sell and Buy by Market with SL and TP of Quoted Price Symbol

Nakabinbin na order

Ang mga Nakabinbin na Order ay maaaring iuri sa Limit at Stop order.

Ang Buy Limit order ay kailangan mailagay kapag ang mangangalakal ay nagdududa na ang takbo ng merkado ay tataas pagkatapos nitong maabot ang tiyak na presyo (ipinasok na presyo) na mas mababa sa kasalukuyang presyo sa pababang takbo. Kaya ang Buy Limit ay kinukuha sa presyo na mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo na may forecast ng pataas na takbo.

Ang Buy Stop order ay nakatakda sa mas mataas na presyo, kapag ang mangangalakal ay hinulaan na ang presyo sa merkado ay tataas sa tiyak na halaga kasunod ng patuloy nitong pagtaas. Samakatuwid, ang Buy stop order ay kailangan mailagay sa mas mataas na presyo kaysa sa kasalukuyang presyo.

Ang Sell Limit order ay kailangan ilagay kapag ang mangangalakal ay nagdududa na ang takbo ng merkado ay bababa pagkatapos nitong maabot ang tiyak na presyo (ipinasok na presyo) na mas mataas sa kasalukuyang presyo sa pataas na takbo. Ang mangangalakal ay maaaring kumuha ng Sell Limit sa presyong iyon, kaya kailangan niyang maglagay ng presyo na mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo.

Ang Sell Stop order ay nilalagay sa tuwing ang sumunod na pagbaba sa presyo ay inaasahang ng mangangalakal pagkatapos maabot ng presyo sa merkado ang tiyak na mababang presyo kaysa sa kasalukuyang presyo. Kaya, ang mangangalakal ay kailangan pumili ng mababang presyo kaysa sa kasalukuyang presyo para sa Sell Stop order.

Order Types and Specifications - Volume of Sell or Buy Orders - Expiry Time of Pending Orders MetaTrader

Sa kabuuan, ang Limit order ay kailangan ilagay sa merkado na may pagbabago sa direksyon sa natatanging presyo habang ang Stop order ay nagsasabi na ang mangangalakal ay nanghuhula na WALANG pagbabago sa direksyon ng takbo sa merkado kahit na ang presyo ay umabot sa makabuluhang antas.

Sa bawat nakabinbin na order, malalaman ng mangangalakal ang petsa ng pagtatapos kung saan ang orderay magiging aktibo kapag ang presyo ay umabot sa natatanging presyo. Isang halimbawa ang magbibigay linaw sa nabanggit na isyu. Ang mangangalakal ay maaaring magbukas ng New Order window sa EURUSD na simbulo. Ang uri ng orderay kailangan mabago at gawin na Nakabinbin na Order. Isang panibagong optionang lalabas sa Order window. Sa halimbawang ito, ang Buy Stop orderay pinili upang ang panimulang presyo ay kailangan mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo. Ang komento ay makikita sa ilalim ng Order windowna naghahayag ng pinakamababang pips na kailangan idagdag ng mangangalakal sa kasalukuyang presyo upang makapaglagay ng Buy Stop order. Ito ay maaaring sa pagitan ng dalawa hanggang dalawampung pips sa Banyagang Pagpapalitan, habang sa Commodity market ang bilang ng pipsay karaniwang mas mataas. Sakaling ang kasalukuyang presyo sa halimbawang ito ay 1.37221, ang presyo ng Buy Stop order ay maaaring maging 1.37400. Pagkatapos i-click ang Place button, ipapasa na ang orderat ito ay maipapakita na sa tsart na karagdagan sa detalye nito. Halimbawa, inaasahan ng mangangalakal na ang presyo ay tataas, gayunpaman, ito ay bababa sa tiyak na halaga bago ang pataas nitong paggalaw. Kaya ang Buy Limit orderna may presyong 1.37020 ay maaaring ilagay sa EURUSD. Base sa prediksyon ng mangangalakal, ang presyo ng merkado ay bababa sa natatanging antas kasunod ang pagtaas ng takbo papunta sa presyo na mas mataas sa 1.37400.

Sa simbulo na GBPUSD, ang hula ng mangangalakal ay pababang direksyon, kaya siya ay maaaring kumuha ng Sell Stop order na may presyong mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo at babawasan ng sampung pips. Ang presyo na 1.6790 ay maaaring ipasok sa Price box at ang Place button ay pipindutin. Kung ang mangangalakal ay nag-forecast ng maliit na pataas na paggalaw bago ang pagbaba sa takbo ng merkado, maaari siyang maglagay ng Sell Limit order na may presyo na 1.6850. Ang parehas na order ay pinapakita sa nasabing tsart. Kung ang Petsa ng Pagtatapos ay kailangan isama sa sa anumang order, ang mangangalakal ay kailangan mag-right-click sa nais na order. Ang Modify option mula sa menu ay kailangan piliin, at sa Order windowang Expiry check box ay maaaring paganahin. Ang petsa ng pagtatapos ay ay maaaring piliin kapag nais ng mangangalakal na maglagay ng bagong ordero kahit sa modification window ng naunang order. Ang petsa ng pagtatapos ay maiaayos ng may tiyak na oras, araw, buwan, at taon. Ang orderna may petsa ng pagtatapos ay aktibo hanggang sa dumating ang petsa ng pagtatapos.

Order Types and Specifications - Sell and Buy Limit in Forex Market Trading Platform MetaTrader MT4

Pagbabago

Ang pagbabago sa mga order ay maaaring mai-aplay sa SL, TP, o petsa ng pagtatapos sa anumang order. Ang mga order ay nakalista sa Trade tab ng Terminal window. Ang bahagi ng TP ng mga order na iyon na may mas mababa sa sampung pipssa presyo ng TP ay magiging berde ang kulay, habang ang bahagi ng SL na orderna may mas mababa sa sampung pips na agwat sa presyo ng SL ay magiging pula. Ang mga nasagawa ng order ay nakakategorya sa isang seksyon habang ang nakabinbin na order ay maaaring ilagay sa isa pang grupo. Halimbawa ang naisagawa ng Sell order ay maaaring mabago sa pamamagitan ng Modifyo Delete Order option sa right-click menu ng nasabing order. Sa halimbawang ito ang presyo ng SL ay hindi nai-aplay ng mangangalakal. Ito ay maaaring ipasok ng mano-mano o ang mangangalakal ay maaaring pumili ng halaga ng agwat sa pagitan ng kasalukuyang presyo at presyo ng SL mula sa bahagi ng Level. Ang halaga sa Level ay narerepresenta sa pipettes na yunit, kaya ang isandaang puntos ay nangangahulugan ng agwat na sampung pips. Kaya ang SL at TP na presyo ay maaaring baguhin sa pamamagitan ng modification window. Maaari itong alisin sa pamamagitan ng pagpili ng halaga nito kasunod ang pagpindot sa Backspace button sa keyboard at ito ay maaalis na sa tiyak na order. Ang mangangalakal ay maaaring idagdag ang presyo ng SL at TP sa anumang order sa Trade tab sa pamamagitan ng modification window. Ang pagbabago ng mga nakabinbin na orderay maaaring i-aplay sa kaparehas na paraan. Halimbawa, sa Buy Stop order,maaaring baguhin ng mangangalakal ang Presyo, SL, TP at Petsa ng Pagtatapos. Ang mga nakabinbin na order ay maaaring alisin sa pamamagitan ng modification window, kung hindi maaaring gamitin ng mangangalakal ang delete buttonna nasa kanang bahagi ng bawat order sa Trade tab ng Terminal window.

Trailing Stop / Break Even

Sa kalakalan kung saan ang presyo ay kumikilos papunta sa pwesto ng TP, ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng optionna ang presyo ng SL ay magiging panimulang presyo ng order. Ang optionna ito ay tinatawag na Trailing Stop. Kailangan piliin ng mangangalakal ang halaga ng Trailing Stop para kapag kumilos ang presyo papunta sa presyo ng TP sa mas mataas na halaga, ang SL ay mailalagay ng kusa sa bagong presyo na may halaga ng Trailing Stop mula sa kasalukuyang presyo. Ang Break Even ay isa pang option kung saan ang presyo ng SL ay maaaring mailipat ng mano-mano ng mangangalakal sa presyo ng order .

Order Types and Specifications - Order Stop Loss, Take Profit and Volume Amount - Account History

Isang halimbawa ang nagpapakita kung paano maglagay ng Trailing Stop option sa isang order. Sa Trade tabsa Terminal window, ang mangangalakal ay maaaring mag-right-clicksa isang tiyak na simbulo at sa Trailing Stop option ang anumang halaga ay maaaring piliin. Sa halimbawang ito, ang halaga ng Trailing Stop ay nakalagay sa labinlimang puntos. Ibig nitong sabihin sa tuwing kumikilos ang presyo ng labinlimang pipettes papunta sa presyo ng TP, ang SL ay magiging labinlimang pipettes palayo mula sa kasalukuyang presyo. Kaya kung ang presyo ng merkado ay bumaba papunta sa pwesto ng TP, ang SL ay magiging presyo ng order at sa patuloy na paggalaw papunta sa presyo ng TP, ang SL ay maililipat sa bagong presyo na labinlimang pipettes na malayo mula sa kasalukuyang presyo. Karaniwan, ang maliit na halaga ng Trailing Stop ay magsasara ng order ng biglaan sapagkat ang halaga na labinlimang pipettes ay maliit na halaga na kayang abutin sa maikling panahon ng merkado na may normal na fluctuation. Ang order na ito ay naisasara ng kusa at sa simpleng pagsasagawa, ang bagong presyo ng SL ay maaabot. Isa pang order ang maaaring mailagay na may natatanging presyo ng TP at SL. Kung ang mangangalakal ay nais pumasok sa mas mataas na pwesto, kailangan piliin ang Custom option at anumang nais na halaga ay maaaring mailagay. Kailangan isaalang-alang na ang halagang ito ay nasa pipettekaya kung ang mangangalakal ay nais na pumili ng apatnapung pips, ang kailangan ilagay ay apat na raang pipettes. Apat na raang puntos ng Trailing Stop ang rekomendadong halaga sa isang merkadong may normal na fluctuation.

Posisyon sa pagsasara

Ang mga order ay maaaring isara ng buo o bahagya lamang. Lahat ng aktibong order ay makikita sa Terminal window. Ang ilan ay maaaring may 0.1 habang ang iba ay maaaring may mas maraming bulto. Halimbawa, ang mangangalakal ay maaaring isara ang ordersa pamamagitan ng modification window. Ang order ay maaaring isara ng buo sa pamamagitan ng pagpindot ng Close button sa modification window. Gayundin, ang order ay maaaring isara ng bahagya sa pamamagitan ng pagbabago ng dami ng nabigay na order sa modification window. Sa isang lot na order, kung ang mangangalakal ay maglagay ng 0.2 na lot sa bahagi ng Volume at i-click ang Close button, 0.2 na lotlang ang mababawas mula sa nabigay na order. Ang natirang dami ng order na iyon ay 0.8 na lot. Ang bahagyang Pagsasara ng order na iyon ay nakadepende sa uri ng accountna binigay ng broker. Halimbawa, ang bulto na binigay ng FXPro sa bawat orderay 0.1 na lot, kaya ang mangangalakal ay hindi maaaring bawasan ang bulto na mas mababa kaysa sa 0.1 na lot, gayunpaman, ang ICMBrokers ay nagbibigay ng bulto ng order na may 0.01 na lot kaya ang mga orderna may bulto na 0.1 na lot ay maaaring isara ng bahagya.

Order Types and Specifications - Trailing Stop and Break Even in Financial MArket - Pip and Pippet in Trading

Ang mga mangangalakal ay dapat isaalang-alang na kung ang presyo ng Sell order ay naabot ang pwesto ng SL, ang order ay magsasara, habang kung ang presyo ay naabot ang antas ng TP, ang order ay hindi magsasara hanggang hindi ito dumadaan sa TP na may karagdagang halaga ng spread. Sa Buy order, ang presyo ay nararapat maabot ang presyo ng TP upang ang order ay maisara. Kung ang presyo ay kumilos papunta sa presyo ng SL, ang order ay magsasara kahit na hindi nito maabot ang presyo ng SL. Ang presyo ng SL kasama ang spreaday mas malapit sa presyo ng order kaysa sa presyo lamang ng SL. Halimbawa, kung ang presyo ng SL sa order na ito ay 1.66955 at ang spreadsa GBPUSD ay dalawang pips, ang order ay magsasara sa 1.66975. Sa Sell Stop order, ang platform ay isasagawa ang nakabinbin na ordersa oras na maabot ng presyo ang presyo ng Stop Sell, habang ang Buy Stop order ay maisasagawa ng mas maaga na kasama ang halaga ng spread.

Order Types and Specifications - Exit Price and Closing Position of a Trade - Partial Closure Policy and Terms of Brokers

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates