Pennant Pattern - Bearish and Bullish pennant - Continuation

Pennant na Pattern

0 0 Vote
Instructor

Pennant na Pattern

Ikatatlumpu t Anim na sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Ang Pennant, Bearish Pennant at Bullish Pennantay pag-aaralan sa sesyon na ito.

Pennant

Ang Pennant ay isang kombinasyon ng isang bandila at isang tatsulok na pattern na kung saan ay may tuloy-tuloy na paraan. Nauukol na pag-aralan ang mga sesyon sa Bandila at Tatsulok upang tuluyang maunawaan ang detalye ng Pennant na pattern. Ang pennant ay may parang palasong bandila na pattern, habang ang parihabang hugis ng Bandila ay pinalitan ng tatsulok na husig.

Bearish na Pennant

Ang Bearish na Pennant, na pinapakita sa kanan na graph, ay nabuo sa pababang takbo kung saan ay maaaring magkaroon ng pantay o gradient na pagsuporta at paglaban na linya. Ang paglaban na linya kailanman ay walang pababang slope, habang ang slope ng pagsuporta na linya kailanman ay hindi nabubuo ng pataas.

Bullish na Pennant

Ang Bullish na Pennant, na pinapakita sa kaliwang graph, ay nabuo sa pataas na takbo kung saan ay maaaring magkaroon ng pantay o gradient na pagsuporta at paglaban na linya. Ang paglaban na linya kailanman ay walang pataas na slope, habang ang slope ng pagsuporta na linya kailanman ay hindi nabubuo pababa.

Pennant Pattern - Bearish and Bullish pennant - Support and Resistance Levels - Breakout Point

H na Linya

Ang Taas ay ang patayong distansya sa pagitan ng panimulang punto ng tagdan ng Pennant papunta sa tuktok ng unang alon ng Bullish Pennant o ng lambak ng unang alon ng Bearish Pennant. Ang presyo ng TP ay magiging H o H/2 na mas mataas kaysa sa Breakout point sa isang Bullish na uri at mas mababa kaysa sa Breakout point ng isang Bearish na modelo. Sa isang Bullish na uri, ang presyo ng SL ay mas mababa kaysa sa huling lambak hanggang sa 61.8% ng antas ng Fibonnaci, habang ang presyo ng SL sa isang Bearish na paraan ay mas mataas sa huling tuktok hanggang 61.8% ng antas ng Fibonnaci.

Maraming halimbawa ang maaaring suriing muli sa MT4 para sa patuloy pang pagsasanay. Sa pang-araw-araw na haba ng oras ng tsart ng Ginto, ang pattern ay nabuo at ang presyo ng merkado ay inakala na bumaba. Ang presyo ng TP ay maaaring tukuyin sa pamamagitan ng pagguhit ng isang Fibonnaci sa unang swing, mula sa tuktok nito papunta sa lambak. Ang mangangalakal ay maaaring gumuhit ng Tagdan sa takbo, kaya isang Bearishna pattern ay mabubuo. Ang presyo ng TP, na nasa limangdaang pips, ay maaaring makwenta sa pamamagitan ng paglipat ng H Trendline sa Breakout point. Kung ang mangangalakal ay isasaalang-alang ang Tatsulok na pattern, ang TP ay magiging mas maunti kaysa sa halaga ng H sa isang Pennantna pattern. Ang Pennant na pattern ay regular na nabubuo sa mga Gintong simbulo. Isa pang pattern sa pababang takbo, kung ang mangangalakal ay isinasaalang-alang ang isang Pennant sa halimbawang ito, ang TP ay lalampas sa H/2 na pips.

Pennant Pattern - Bearish and Bullish pennant - Flag and Triangle - H and H/2 on MetTrader Price Chart

Sa mas mahabang haba ng oras tulad ng buwanan, mayroong maraming Pennant na pattern. Ang Bullish na patternay nabuo sa pataas na takbo. Ang Tatsulok na pattern ay nagpapakita sa atin ng dalawang libong pips ng presyo ng TP na higit sa Breakout point, habang ang Pennant na pattern ay nagtuturo ng 3222 na pipsna mas mataas kaysa sa Breakout na lugar. Isa pang Bullish Pennantna pattern sa pataas na takbo ang matutuklasan. Ang presyo ng TP ay malalaman sa pamamagitan ng paggamit ng H Trendline na kailangan mailipat sa Breakout point. Ang tumbasan ng TP sa SL ay lubhang mataas sa pattern na ito. Halimbawa, ang presyo ng SL ay sa ibaba ng huling lambak at 61.8% ng antas ng Fibonnaci. Mayroong isa pang makabuluhang antas sa 50% ng Fibonnaci na antas na magagamit upang tukuyin ang presyo ng SL sa halimbawang ito.

Pennant Pattern - Bearish and Bullish pennant - Continuation Trading Strategy - Breakout Point

Ito na muna sa sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates