Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Trading Account

Pang-Alituntuning Institusyon at Maaasahan na Brokerages

8 1 Vote
Instructor

Pang-Alituntuning Institusyon at Maaasahan na Brokerages

Ika-pitong Sesyon ng Pagsasanay sa Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado.

Sa sesyon na ito, tatalakayin natin ang Pang-Alituntuning Institusyon at Maaasahang Brokerages, mga termino ng accounts ng broker, gayundin ang pagpili ng iba t-ibang uri ng account base sa halaga ng trasaksyon.

Regulators

Ang isang mahalagang bagay pagdating sa pagpili ng broker ay ang kanilang reputasyon. Ang mga pang-alituntuning organisasyon na nagbibigay sa mga brokerng mga lisensya ay tinatawag na regulators. Ang parte na kaugnay sa stock market ay kontrolado ng mga organisasyon na may bahagian ng stock atbond. Lahat ng pampubliko at pribadong brokers ay sinisimulan ang kanilang trabaho na may lisensyang pinamamahalaan ng organisasyon na ito.

NFA, FCA, CYSEC

Mayroong mga regulatorssa buong mundo na nag-aalok ng mga lisensya sa mga kumpanya na gumagawa sa loob ng pinansyal na merkado. Ilan sa mga halimbawa ng mga kumpanyang ito ay:

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Regulations, Terms and Policy of Brokers in Stock or Forex Market

Ang NFA (National Futures Association), .

Ang FCA (Financial Conduct Authority), na kung saan ay kaugnay ito sa Inglatera at sa Europian Union.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - NFA National Futures Association Regulatory USA

Ang CySEC (Cyprus Securities and Exchange Commission), na kung saan ay kaugnay ito sa Cyprusat sa Europian Union.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - FCA Financial Conduct Authority Regulatory UK

Ang bawat bansa ay may sarili nitong pang-alituntuning lupon at ang mga pananagutan ng regulatorsay ang magbigay ng lisensya sa mga broker at subaybayan ang kanilang mga aktibidad.

Nasa Kaayusang Brokerages

Ang mga regulatorsna ito ay mahigpit na sumusubaybay sa mga transaksyon, kalakalan, at aktibidad sa pagitan ng mga mamumuhunan at mga brokers upang imbestigahan ang anumang kahina-hinalang paglabag sa regulasyon. Ilan sa mga nasa kaayusang brokersna nabigyan ng lisensya ay ang FXPRO, IRONFX, HOTFOREX, at ICM na brokers.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Cyprus Securities and Exchange Commission

Mahigit sa 480 na websitesang gumagawa sa pinansyal na merkado sa buong mundo. Kada buwan, may mga brokerna nadadagdag sa listahang ito at ang ilan ay naaalis, ibig sabihin kailangang maging maingat at matalino ang mga panig sa pagpili ng kanilang broker.

Maaari mong mahanap ang impormasyon tungkol sa lisensya ng broker sa website ng broker, gayundin ang siguraduhin na ang impormasyon nito ay tama. Karamihan sa mga websiteng mga organisasyong ito ay nakalagay ang impormasyon tungkol sa lisensya sa mismong pahina ng kanilang website.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Regulation on FXPro Website - FCA

Ang ilan sa mga broker, tulad ng IRONFX, ay may ibang mga regulators sa kadahilanang ang dami ng kanilang mga mamimili ay napakataas. Gayundin, gaya ng inyong nakikita, mayroon silang mga opisina sa lahat ng panig ng mundo. Sa ilalim ng kanilang pahina ay makikita mo ang iba t-ibang uri ng lisensyang kanilang hinihingi at tinataglay.

Paano Pumili ng Broker

Upang makapili ng tamang broker para sa iyo, mayroong ilang bagay na dapat isa-alang-alang.

Ang brokeray kailangang nasa tamang alituntunin at may tamang lisensya mula sa kanilang regulatoro regulators.

Ang brokeray kailangang aktibo na hindi bababa sa limang taon, ibig sabihin sila ay kailangang aktibong gumagawa sa merkado sa loob ng limang taon.

Ang brokeray kailangang mapagkakatiwalaan na iwanan ng ilan sa iyong mga kapital para sa kalakalan.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Broker Advantages and Specifications - Customer Support Quality

Ang brokeray kailangan na may malawak na serbisyo para sa pangangailangan ng mamimili, gayundin ang direktang linya ng telepono ng sa gayon ay madali mo silang makontak.

Kailangan na mayroon silang iba t-ibang paraan ng pagdeposito at pagbawi ng kapital, lalo na sa mga uri kung saan may pinakamababang halaga ng singil para sa mamimili.

Mayroon dapat silang napakasimpleng kasunduan para sa pagbawi ng kapital at walang limitasyon sa pagbawi. Kailangang sigurado ka na nauunawaan mo ang mga tuntunin at kundisyon sa pagbawi ng pera sa isang account sa iyong inaasahang broker.

Ang mabuting brokeray kailangang may platform na may katanggap-tanggap na bilis na walang anumang re-quote o pagbabago sa presyo kahit sa mataas na walang kasiguraduhang mga merkado. Ang ibang mga broker ay hindi pinapayagan ang kanilang mga kliyente na maglagay ng kanilang order sa tiyak na oras at pwesto kung saan ang merkado ay mataas ang posibilidad na walang kasiguraduhan.

Ang brokeray kailangang tapat at walang itinatago sa negosyo, ibig sabihin ang broker ay wala dapat mga reklamo o paglabag sa regulasyon sa pagdeposito ng tubo o anumang aktibidad, mayroon din dapat silang mga kliyente na masaya sa kanilang serbisyo.

Kung ang iyong brokeray naaayon sa batayang ito, malaya mo ng masasabi na tama ang iyong pasya.

Pagpili ng Account

Ngayon ay oras na para pumili ng tamang account. Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng account.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Risk Disclaimer and Re-quoting Policy of Brokers

Kailangan mong malaman ang pinakamababang kinakailangang deposito upang magbukas ng anuman sa mga nakalaan na account na pangkalakal, gayundin ang magagamit na sukat ng lot sa tiyak na account ng pangkalakal na kaugnay sa iyong paraan ng pagkakalakal.

Ano ang pinakamataas at pinakamababang leverage na meron ang broker

Ano ang mga simbulo na mayroon mula sa broker na ito?

Ilan at ano ang mga uri ng account na pangkalakal na inaalok ng broker na ito, tulad ng fixed accounts, floating accounts, ECN accounts, STP accountso NDD accounts. Ating sisiyasatin ng detalyado ang lahat ng mga accountna ito sa mga susunod na kurso.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Specification of Trading Account Minimum Deposit

Ang mga accountba na ito ay may swap o malaya sa swap?

Ang napili bang accountsa pangkalakal ay naaayon sa anumang pangkalakal na estratehiya na ginagamit ng mangangalakal?

Saang termino kaugnay ang account na pangkalakalPangmatagalang termino, pangkatamtaman, o pangmabilisang termino?

Karamihan sa mga brokeray nag-aalok ng serbisyo para sa pangmatagalan at pangkatamtamang termino ng kalakalan; gayunpaman, mahalaga na siguraduhin bago magbukas ng account,kung nagbibigay ba ang broker ng pangmabilisang termino, na kilala bilang scalping, na kalakalan o hindi.

Ang accountay dapat nagbibigay ng hedging trade. Ang ibang mga kalakalan ay nangangailangan ng hedge o hedging na hahawak sa margin. Ang ilang mga broker, kapag bumili at nagbenta ka ng sabay, ay magpapalaya sa margin, na magpapadali sa iyo upang gumawa pa sa iba pang kalakalan. Ngunit ang iba ay panghahawakan ang ilang halaga sa iyong marginsa hedge na kalakalan.

Ang isang accountay maaari din mapili base sa nais na laki ng lot sa kalakalan.

Ang unang uri ay ang Nano o Cent Account kung saan ang pinakamababang laki ng lotsa kalakalan ay one over 1000 o 0.001.

Regulatory Institutions and Reliable Brokerages - Hedging Limitations - Account Specifications and Spread amount

Gaya ng ipinaliwanag natin kanina, kapag nakipagkalakal tayo sa mga account na may USD bilang basihan, ang tubo ay hindi makabuluhan at magdudulot ito ng pagkakaroon ng maraming bukas na order. Ang mga account na ito ay nararapat para sa mga mangangalakal na nagnanais magkaroon ng maraming bukas na kalakalan na magkakasabay, madalas ay mahigit sa isandaang kalakalan. Ang mga mangangalakal ay karaniwang nagdedeposito ng sampu hanggang dalawang daang dolyar sa mga account na ito.

Gayundin, ang mga accountna ito ay mahalaga sa mga mangangalakal at eksperto na nagnanais subukan ang ilang mga istratehiya.

Ang ikalawang uri ay ang Micro o Mini Accounts. Ang pinakamababang laki ng lotna maaaring ikalakal sa ganitong mga account ay 0.01 lot. Ito ay madalas nababagay sa mga baguhan, at mga panig na nagnanais makipagkalakal sa mas malaking halaga ng PIP at gawin ang kanilang kalakalan sa mas mataas na panganib. Ang mga panig dito ay madalas namumuhunan sa pagitan ng limampu hanggang dalawangdaang dolyar sa mga account na ito.

Ang ikatlong uri ay ang pamantayang account. Ang laki ng lot ay nagsisimula sa 0.1 at ang mga propesyonal na mangangalakal at mamumuhunan na may malaking kapital ay naaakit sa ganitong mga account. Ang pinakamababang halaga na maaaring ipuhunan sa ganitong mga account ay isanlibong dolyar.

Dito nagtatapos ating sesyon, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates