Risk Management and Money Management - Forex Market

Pamamahala ng Panganib at Pamamahala ng Pera sa Kalakalan

0 0 Vote
Instructor

Pamamahala ng Panganib at Pamamahala ng Pera sa Kalakalan

Ika-limampu t apat na sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, pag-uusapan natin ang Pamamahala sa Panganib at Pamamahala sa Pera sa Kalakalan.

Pamamaraan sa Kalakalan

Sa una, ang mangangalakal ay kailangan matutunan ang paraan ng Teknikal at Batayang pag-aanalisa upang matukoy ang direksyon at takbo ng presyo ng merkado. Pagkatapos, ang patuloy na pagsasanay sa loob ng maraming taon ay mahalaga upang ang isang mangangalakal ay mapahusay ang abilidad sa pagkakalakal ng matagumpay. Ang panahon ng pagsasanay ay mag-iiba mula sa bawat tao, depende sa kanilang pinagmulan na kaalaman at sigla na matuto pa. Ang mga mangangalakal ay kailangan lagi magsanay at mag-aral, tulad ng isang atleta na hindi dapat tumigil sa kanilang pagsasanay upang maabot ang tuktok ng kanilang propesyon.

Pagkatapos makakuha ng sapat na karanasan at kaalaman ang mangangalakal, kaya na niya tukuyin ang ipinasok na presyo sa Pagbenta o Pagbili sa pamamagitan ng paraan ng Price Action. Ang mangangalakal ay kailangan isaalang-alang na sa ilang rehiyon ay hindi maaaring maglagay ng anumang order, kaya mas mainam na tingnan ang takbo ng merkado at hintayin ang nababagay na punto na maaaring matuklasan sa pamamagitan ng mga estratehiya o pattern tulad ng Price Action, Elliot Waves, Andrew s Pitchfork at Harmonic na pattern.

Risk Management and Money Management - Fundamental and Technical Forex Market Analysis

Ang mangangalakal ay kailangan matutunan at gamitin ang mga estratehiya na maaaring gawing pang-personal para sa bawat mangangalakal. Ito ay pag-uusapan ng mas detalyado sa ating susunod na sesyon Paggawa at Pagbago ng mga Estratehiya .

Pagtagal, ang mangangalakal ay maaaring tukuyin ang eksaktong Pagbenta o Pagbili na pagpasok, TP at SL na mga presyo. Ang mangangalakal ay maaaring gamitin ang Scenario-based na pagpaplano upang mapahusay ang kanyang kahusayan sa pagkakalakal. Base sa bilang ng mga orderat sa halaga ng pips, ang mangangalakal ay kailangan gamitin Pamamahala sa Panganib at Puhunan sa kanilang mga order.

Pamamahala sa Pera

Ang mangangalakal ay kailangan isaalang-alang ang mga estratehiya sa Pamamahala ng Pera upang maabot ang isang matiwasay na proseso ng pangangalakal at mataas na bunga.

  1. Ang pamamahala sa pera ng mga naidepositong pondo sa totoong account para sa iba t-ibang mangangalakal ay maaaring iuri sa mga sumusunod:

a.Ang mga baguhang mangangalakal ay kailangan magbukas ng mga account na may limampu hanggang limang daang dolyar sa loob ng isang taon.

b.Ang mga katamtaman at malayang mangangalakal na hindi nakakuha ng sapat na abilidad sa pangangalakal upang iwasan ang kamalian tulad ng hindi tamang Bulto ng order, presyo ng TP at SL. Ang mga mangangalakal na ito ay kailangan magdeposito ng mas mababa sa tatlong porsyento ng kanilang ekstra budget capital sa loob ng tatlong taon.

Risk Management and Money Management - Stop Loss and Take Profit Prices - Customize Trading Strategies

c.Ang mga propesyonal na mangangalakal na may matinding karanasan at kaalaman ay maaaring magdeposito ng mas mababa sa sampung porsyento ng kanilang ekstra budget capital. Gayunman, ang malawak na kaalaman, makatwiran na prediksyon at pag-aanalisa ay hindi naggagarantiya ng matagumpay na pagkakalakal at tubo.

  1. Ang Pamamahala sa Pera ng mga order at kalakal ay maaaring gawin sa mga sumusunod:

a.Base sa paraan ng pangangalakal at pagkilos:Mahaba, katamtaman o maikling termino; ang mangangalakal ay maaaring magbukas ng totoong account sa pangangalakal. Halimbawa, kung ang mangangalakal ay nagnanais na maglagay ng order sa maiksing termino na may presyo ng TP na dalawampung pips na malayo mula sa ipinasok na presyo na karagdagan sa katamtaman o mahabang termino na mga order sa parehas na simbulo na may limampu at limangdaang pips. Ang mga maiksing termino na mga order ay maaaring magsara sa loob ng ilang minuto o oras, habang ang katamtamang termino ay aabot ng ilang araw at ang mahabang termino ay tatagal ng ilang buwan. Higit na iminumungkahi para sa isang mangangalakal na maglagay ng mga order na magkakahiwalay sa iba t-ibang mga accountbase sa kanilang termino. Ang paraan na ito ay maaaring i-aplay upang mabawasan ang bigat sa paggawa ng desisyon ng isang mangangalakal.

Risk Management and Money Management - Trading Knowledge and Experience - High Yield and Profit

b.Ang mangangalakal ay maaaring maglipat ng halaga ng pondo mula sa bawat isang account papunta sa isa pa. Halimbawa, kung ang mangangalakal ay kumuha ng tubo mula sa katamtamang termino na account at isang nababagay na posisyon na may ilang kumpirmasyon ay natuklasan sa isang maiksing terminong account, ang mangangalakal ay maaaring maglipat ng halaga ng pondo mula sa katamtamang termino na accountpapunta sa maiksing termino na account.

c.Ang mangangalakal ay hindi dapat ilagay ang lahat ng kanyang pondo sa isang account o order. Walang makakapag-garantiya na ang order ay magiging isandaang porsyento na matagumpay. Anumang balita o pangyayari tulad ng giyera, baha o isang lindol ay maaaring magbago ng direksyon ng isang takbo kung saan ang mangangalakal ay naglagay ng order na may ilang makapagyarihang kumpirmasyon.

Risk Management and Money Management - Short, Medium and Long Term Trading Method

d.Ang mangangalakal ay kailangan tukuyin ang bulto ng bawat order na isinasaalang-alang ang mga ang mga susunod na aspeto:

i.Ang rationg pabuya sa pagkalugi ay base sa isang pip na pagpapalit ng presyo. Halimbawa, Ang tubo o lugi ng EURUSD sa bawat isang $10.

ii.Ang bilang ng pips na malayo ang puntos ng TP o SL mula sa ipinasok na presyo

iii.Ang percentage ng panganib na tinukoy ng paraan ng pamamahala sa panganib.

iv.Ang bilang ng mga ordersa paligid ng tiyak na oras.

3.Ang pamamahala sa pera sa pagbawi ng mga pondo ay isang mahalagang bagay na karamihan sa mga mangangalakal ay hindi tinutuklas. Ang pagtatago ng sobrang dami ng pondo sa isang account ay nagpapataas ng panganib na mawala ang puhunan. Halimbawa, ang mangangalakal ay maaaring kumuha ng malaking halaga mula sa tubo sa mga kalakal. Pagkatapos ng ilang kumpirmasyon, ang mangangalakal ay naglagay ng isang order kung saan ang dami ay basta na lang pinili ng mataas dahil sa laki ng halaga ng pondo sa account. Pagkatapos ng ilang fluctuation, ang presyo ay sumaling sa punto ng SL at lahat ng pondo ng mangangalakal ay nawala. Kung lamang nag-withdrawang mangangalakal ng ilang halaga ng pondo pagkatapos kumuha ng tubo, ang kanilang puhunan ay nailigtas sana.

a.Ang mangangalakal ay kailangan isaalang-alang ang tiyak na limitasyon ng kanyang pondo sa bawat account base sa paraan ng pangangalakal.

b.Ang mangangalakal ay kailangan iwithdraw ang halaga ng pera na mas mataas kaysa sa piniling limitasyon.

Risk Management and Money Management - Deposit Money for Trading in Forex Market

c.Kung ang mangangalakal ay kayang kumuha ng siyamnaraang dolyar na tubo mula sa isandaang dolyar na account, hindi ibig sabihin nito na kaya niyang kumuha ng siyam na libong dolyar mula sa isanlibong dolyar na account. Ang isandaang dolyar na account ay may iba t-ibang kundisyon kaysa sa isanlibong dolyar na account. Ang isandaang dolyar ay maaaring hindi makabuluhan, habang ang isanlibong dolyar ay isang halaga na hindi basta-basta binabalewala ng mga tao. Ang mas mataas na halaga ng pera ay nagbibigay ng mas malaking alalahanin sa mga mangangalakal.

Pamamahala sa Panganib

Isa sa pinakamahalagang isyu na kailangan isaalang-alang ng mangangalakal kung nais niyang maglagay ng order ay ang Pamamahala sa Panganib. Tulad ng isang accelerator pedal ng isang kotse, kung ang mangangalakal ay hindi ginamit ng tama ang Pamamahala sa Panganib, ang lahat ng kanyang puhunan sa account ay mawawala.

Sa pamamagitan ng magandang paraan ng Pamamahala sa Panganib, ang mangangalakal ay maaaring ipagsapalaran ang bahagi ng kanyang puhunan base sa nai-aplay na estratehiya, gayundin ang kapangyarihan ng mga signal at kumpirmasyon sa isang punto. Halimbawa, walang makakapagmaneho ng pantay na bilis sa bawat kundisyon. Ang bilis ng kotse sa makitid na kalsada ay kailangan mas mababa sa walong milya kada oras habang ito ay maaaring mas mataas sa pitumpung milya kada oras sa highway.

Halimbawa, ang estratehiya ng isang mangangalakal ay may apat na kundisyon kung saan ang bawat isa ay may iba t-ibang posibilidad ng pagtatagumpay base sa kumpirmasyon at signal:

  1. Animnapu t limang porsyento
  2. Pitumpu t dalawang porsyento
  3. Pitumpu t pitong porsyento
  4. Walumpu t limang porsyento

Kaya kapag ang posibilidad ng katagumpayan ng order ng mangangalakal ay nasa animnapu t limang porsyento, maaari niyang ipagsapalaran ang dalawang porsyento ng puhunan niya sa account. Kung ang ikalawang estratehiya ay natukoy, maaari niyang ipagsapalaran ang tatlong porsyento ng puhunan, habang ang ikatlo at ikaapat na kundisyon ang mangangalakal ay ipagsapalaran ang apat na porsyento at walong porsyento. Kaya base sa kundisyon ng pangangalakal ang mangangalakal ay maaaring pumili ng bahagi ng puhunan sa account upang kumuha ng nababagay na Pamamahala sa Panganib. Ang mangangalakal ay dapat tukuyin ang iba pang kundisyon sa estratehiya upang maglagay ng marami pang order. Halimbawa, limang uri ng pangangalakal na estratehiya ay maaaring bumuo ng kundisyon kung saan ang mangangalakal ay may mas maraming oras at pagtutok upang tuklasin ang marami pang kagamit-gamit na punto at takbo. Ang mga mangangalakal na gumamit ng maraming estratehiya at naghintay ng mas magandang kundisyon, ay maglalagay ng order sa isang kundisyon na kumakatawan sa mas mainam na posibilidad ng pagtatagumpay, kaya, ang posibilidad ng pagkalugi ay bumababa. Sa kabila ng kaunting kalakalan, ang mga mangangalakal na ito ay kayang kumuha ng maraming tubo mula sa kanilang mga order.

Risk Management and Money Management - Strategy, Plan and Analyst - Definition and Models

Isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan matutunan ng mangangalakal ay ang maunawaan at maging maingat sa merkadong ito at habang ginagawa ang kanyang mga kalakalan ay isang pamamahala sa panganib. Ang paggamit ng hindi tama sa pamamahala sa panganib ay maaaring magdulot sa mangangalakal ng pagkawala ng kanyang panustos sa pera.

Ang pamamahala sa panganib o ang pagsama ng bahagi ng puhunan sa isang kalakalan na maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng estratehiya at conformation factor. Halimbawa, imposible na magmaneho ng isandaang kilometro kada oras sa lahat ng oras, ng tuloy-tuloy, sa isang kalsada makakapgmaneho ka ng limang kilometro kada oras at sa kabilang kalsada makakapgmaneho ka ng dalawampung kilometro kada oras, o sa daanan ng motor, maaari kang tumaas hanggang isandaang kilometro kada oras. Kaya ang bilis na iyong pinipili ay base sa iyong pamamahala sa panganib at pagkaalam sa kalsada, sa oras at sa bilis.

Ang parehas na halimbawa ang matatagpuan sa isang pinansyal na merkado, halimbawa, mayroong kang estratehiya na may apat na posibilidad at sa bawat isa ang percentage ng iyong tubo ay magkakaiba. Sa iyong unang estratehiya ang iyong tubo ay animnapu t limang porsyento, sa ikalawa na may mas magandang kumpirmasyon ay pitumpu t dalawang porsyento at sa ikatlo na may higit na mas magandang kumpirmasyon ay pitumpu t pitong porsyento at ang huli, sa ikaapat na may higit na mas maraming kumpirmasyon ay walumpu t limang porsyento. Kaya sa isang kalakalan sa bilang ng kumpirmasyon ang panganib ay maaari ding makwenta sa kalakalan na ito.

Risk Management and Money Management - Confirmations of Trading Pattern, Indicators and Oscillators

Dito ang pamamahala sa panganib ay hinahati sa mga susunod na halimbawa sa itaas: sa animnapu t limang porsyento na tubo, kunin lamang ang panganib hanggang dalawang porsyento, kapag pitumpu t dalawang porsyento kunin lamang ang panganib na 3.5 na porsyento, kapag pitumpu t pitong porsyento kunin lamang ang panganib na apat na porsyento at ang huli kapag walumpu t limang porsyento kunin hanggang walong porsyento na panganib.

Inirerekomenda na gumamit ngpagitan sa dalawa hanggang limang estratehiya, kung nais mong gumawa ng marami pang kalakalan. Nakakatulong din na magkaroon ng mas mainam na limitasyon sa oras upang gawin ang iyong kalakalan at sa espesyal na okasyon magkaroon ng mas mainam na pagpipilian kapag naging matatag na ang merkado, upang payagan ka na gawin ang iyong kalakalan. Halimbawa, gamit ang dalawa hanggang limang estratehiya ay magbibigay sa iyo ng mas mainam na tanawin, kaya hindi ka na gagawa pa ng mga kalakalan tulad ng animnapu t limang porsyento o pitumpu t dalawang porsyento at tanging gumawa lamang ng kalakalan sa pitumpu t pitong porsyento at walumpu t limang porsyento. Tandaan na upang magkaroon ng mas mainam na pamamahala sa panganib kailangan mong gumamit ng maraming estratehiya at maging matiyaga. Ang mga panig na ginagawa ang kanilang kalakakan base sa prinsipyong ito ay may mas mainam na resulta sa merkado.

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates