Trading Strategies and Customized Strategies - Forex Market

Mga Estratehiya sa Pangangalakal at Nababagong Estratehiya

0 0 Vote
Instructor

Mga Estratehiya sa Pangangalakal at Nababagong Estratehiya

Ika-limampu t limang sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, pag-uusapan natin ng detalyado ang mga Estratehiya sa Pangangalakal at Nababagong Estratehiya.

Estratehiya

Ang pagkilos ng kalakalan ay base sa nakapirming paraan sa pamamagitan ng paggamit ng Batayan at Teknikal na pag-aanalisa gayundin ang mga pattern, kandila at linya na may tiyak na pangyayari.

Ang pag-aaral at pagsasanay sa bawat Teknikal na kasangkapan, na binanggit sa mga nakaraang sesyon, kasama ang pag-aaral ng kanilang mga aplikasyon at pamamaraan ay ang mga kailangan upang gumawa ng isang estratehiya.

Pagkatapos matutunan at pag-aralan ang lahat ng mga kasangkapan, ang mangangalakal ay maaaring makagawa ng simpleng estratehiya na kung saan ay maaaring mapahusay pagkatapos. Ang mangangalakal ay maaaring baguhin ang simpleng estratehiya o maaari niyang gamitin ang nababagay na nagawang estratehiya na mayroon sa internet at saka gawing personal ang mga ito para sa kanilang sariling kaginhawaan.

Trading Strategies and Customized Strategies - Technical and Fundamental Analysis

Mga Uri ng Estratehiya

Ang mga estratehiya ay maaaring i-uri sa mga sumusunod na kategorya:

1.Kategorya ng takbo: Ang mga estratehiyang ito ay maaaring gamitin sa takbo ng merkado. Kaya ang mga mangangalakal ay kailangan mag-aplay ng mga Oscillator tulad ng CCI, gayundin ang mga breaking pattern upang pahusayin ang estratehiya sa takbo.

2.Estratehiya ng range: Kadalasan ginagamit sa range market kung saan ang presyo ay nag-fluctuate sa isang pahalang na channel.

3.Pasalungat na estratehiya: Ang mga estratehiyang ito ay maaaring mabuo sa pasalungat na punto at pivot. Ang mga mangangalakal na nagnanais na humanap ng pasalungat na punto sa huli ng takbo upang maglagay ng order sa Pagbenta sa huli ng pataas na takbo o isang order sa Pagbili sa huli ng pababang takbo.

Trading Strategies and Customized Strategies - Different Types, Trend, Range and Reverse

Pagbabago ng Estratehiya

Ang mga estratehiya ay maaaring baguhin o gawing personal ang isang payak o napahusay na estratehiya base sa kanyang pagkilos sa kalakalan upang tugunan ang ninais na paraan sa pagkakalakal. Kung ang mangangalakal ay nais mangalakal sa pamamagitan ng napahusay na estratehiya na idinesenyo ng isa pang mangangalakal, kailangan niyang sumunod sa pagkilos ng kalakalan at paraan ng gumawa nito kundi kailangan niyang gawing personal ang napahusay na estratehiya. Halimbawa, ang mangangalakal ay pinili na gamitin ang Stochastic na pattern, habang ang isa pang tao ay maaaring gamitin ang RSI upang tukuyin ang pasalungat na punto ng isang takbo. Sa kabilang banda, mayroong ilang estratehiya na hindi maaaring palitan ng mangangalakal.

Pagsubok sa Estratehiya

Ang mangangalakal ay maaaring suriin ang nakaplanong estratehiya sa isang Demo na account sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang mga order. Ang isang estratehiya ay maaaring nagtataglay ng maraming kundisyon na kayang gumawa ng iba t-ibang kumpirmasyon at signal. Kaya ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng orderbase sa mga signal mula sa estratehiya na siyang makakagawa ng isang signalna may ilang kumpirmasyon.

Trading Strategies and Customized Strategies - RSI Relative Strength Index - Stochastic Pattern

Ang success coefficient ng anumang estratehiya ay kailangan itala pagkatapos ng bawat paggamit sa isang order. Halimbawa, ang ratio ng katagumpayan sa isang bilang ng mga orderna may tinutukoy na halaga ng kumpirmasyon.

Ang mangangalakal ay kailangan i-aplay ang bawat estratehiya sa apatnapu hanggang animnapung order upang isaalang-alang ang ratio ng paglago kumpara sa pagkabigo upang tukuyin kung ang binigay na estratehiya ay nababagay. Halimbawa, pagkatapos ng isang pagsubok sa estratehiya, ang mangangalakal ay maaaring kunin ang rationg matagumpay na order nito;

Ang kabuuang ratio ng katagumpayan kaysa sa pagkabigo ay katumbas ng pitumpung porsyento

  • Unang kundisyon (pinakamababang kumpirmasyon) = 65%
  • Ikalawang kundisyon = 72%
  • Ikatlong kundisyon = 77%
  • Ikaapat na kundisyon (pinakamataas na kumpirmasyon) = 84%

Ang kahusayan ng binigay na estratehiya ay tumaas sapagkat wala ng kumpirmasyon.

Ang mangangalakal ay maaaring gamitin ang ilang estratehiya ng magkakasabay upang tuklasin ang ilang mga lugar na may mas maraming kumpirmasyon para sa mataas na antas ng katagumpayan kaysa sa pagkabigo. Ang nag-iisang estratehiya ay maaaring magbigay ng mas kaunting signal, habang ang paggamit ng dalawa o tatlong estratehiya ng magkakasabay ay lilikha ng mas maraming signal na may mas mainam na kumpirmasyon. Ang mangangalakal ay kailangan gamitin ang mga estratehiya ng walang Stop Loss Indicator, sapagkat ang anumang estratehiya ay lilika ng maling signalna maaaring magresulta sa isang Margin Call .

Trading Strategies and Customized Strategies - Success Rate of Trading Orders by Confirmations

Trading Strategies and Customized Strategies - Different Ration and Conditions - Confirmations of Trades

Ang mga estratehiyang iyon na may mas mahabang Stop Loss na presyo kaysa sa Take Profit ay maaaring hindi kumita, sapagkat ang bawat SL ay magiging katumbas lima hanggang anim na presyo ng TP. Kahit na ang Estratehiya na may kahusayan na siyamnapung porsyento ay hindi magkakaroon ng tubo kung ang presyo ng SL ay higit na mas mataas kaysa sa presyo ng TP.

Hindi dapat naglagay ng order ang mangangalakal ng walang estratehiya o signalat kumpirmasyon mula sa ini-aplay na estratehiya. Ang mga mangangalakal na iyon na hindi naglagay ng order sa eksaktong mga punto na kinumpirma ng mga estratehiya ay mauubos ang kanilang puhunan.

Mga Bumubuo sa Estratehiya

Bawat estratehiya ay nagbibigay ng mga sumusunod na isyu:

1.Nababagay na ipinasok na presyo

2.Presyo ng Take Profit

3.Presyo ng Stop Loss

4.Saradong kundisyon ng isang order sa ilalim ng espesyal na pangyayari. Minsan, ang mangangalakal ay kailangan isara ang isang order, kung saan ay sumusunod papunta sa presyo ng SL, sa kabila ng nakaraang kumpirmasyon.

Trading Strategies and Customized Strategies - Margin Call - Entry Price - Failure Signals and Analysis

5.Maraming mga kumpirmasyon sa isang lugar gayundin ang ilang kundisyon na may iba t-ibang kahusayan

Dito nagtatapos ang sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates