Triangle Pattern and its Types - Symmetrical Ascending Descending

Tatsulok na Pattern at ang mga Uri Nito

0 0 Vote
Instructor

Tatsulok na Pattern at ang mga Uri Nito

Ikatatlumpu t Apat sesyon sa Pagsasanay ng Banyagang Pagpapalitan

Maligayang pagbabalik sa propesyonal na pagsasanay sa Banyangang Pagpapalitan sa pinansyal na merkado. Sa sesyon na ito, Tatsulok na Pattern at mga uri nito; Pataas (Bullish), Pababa (Bearish) at Symmetrical na Tatsulok ay pag-aaralan .

Tatsulok

Ang Tatsulok ay tuloy-tuloy na patternna nagpapakita ng nagkakasundong direksyon na may kasalukuyang direksyon ng takbo. Sa pataas na takbo pinapatunayan nito ang kasalukyang takbo, habang sa pababang takbo pinapatunayan nito ang pababang direksyon. Ang tatsulok ay nahahati sa dalawang grupo: ang Bullish at Bearish na Tatsulok.

Ang Bearish na Tatsulok ay isang tuloy-tuloy na pattern na nabuo sa pababang takbo, na nagtataglay ng dalawa hanggang tatlong alon, apat hanggang anim na swing. Karaniwan ang anim na swing na tatsulok na pattern ay mas malapad sa apat na swingna tatsulok na pattern. Ang mga alon ay maaaring mapaligiran ng dalawang linya, ay itaas na linya ay isang pangsuporta at ang ilalim na linya ay isang paglaban. Sa isang Symmetrical na tatsulok, pareho na ang pangsuporta at paglaban na linya ay gradient na may magkasalungat na anggulo. Ang Pababang Tatsulok ay may paglaban na antas, habang ang pangsuporta na linya ay isang pababang Trendline. Ang Pababang Tatsulok ay mas mabisa at malaking epekto kaysa sa Symmetrical na Tatsulok, sapagkat ang mga tuktok ng mga alon sa Pababang Tatsulok ay may pababang takbo habang ang mga lambak ay may pantay na antas. Ang H, na taas ng alon, ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagkwenta ng distansya sa pagitan ng tuktok at ng lambak ng unang alon. Ang breakout point ay mabubuo pagkatapos ng lima o pitong swing, kung saan ang presyo ay lumampas sa isang paglaban na linya. Ang orderng pagbenta ay mailalagay sa isang breakout point kung saan ang presyo ng TP ay H o H/2 na pips na mas mababa kaysa sa breakout point, habang ang SL ay mas mataas sa huling tuktok.

Triangle Pattern and its Types - Support and Resistance Lines and Levels - Ascending, Descending and Symmetrical

Ang isang Bullish na Tatsulok, tulad ng Bearish na uri, ay isang tuloy-tuloy na pattern na may apat hanggang anim na swing, dalawa hanggang tatlong alon, na nabuo sa pataas na takbo. Ang mga swing ay napapaligiran ng pangsuporta at paglaban na linya. Ang itaas na linya ay paglaban habang ang ibabang linya ay pangsuporta. Sa isang Symmetrical na Tatsulok, parehas na ang pangsuporta at paglaban na linya ay gradient na may magkasalungat na anggulo. Ang Pataas na Tatsulok ay paglaban na antas, habang ang pangsuporta na linya ay pataas na Trendline. Ang Pataas na Tatsulok ay mas mabisa at malaking epekto kaysa sa Symmetricalna Tatsulok sapagkat ang mga lambak ng isang Pataas na Tatsulok ay may pataas na takbo habang ang mga tuktok ay may pantay na antas. Ang H, na taas ng alon, maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagkwenta ng distansya sa pagitan ng tuktok at ng lambak ng unang alon, ang swing sa pagitan ng una at ikalawang numero. Ang breakout point ay mabubuo pagkatapos ng lima o pitong swing, kung saan ang presyo ay lumampas sa paglaban na linya. Ang order ng pagbili ay mailalagay sa isang breakout point kung saan ang presyo ng TP ay H o H/2 na pips na mas mataas kaysa sa breakout point, habang ang SL ay mas mababa sa huling lambak.

Triangle Pattern and its Types - Continuation Pattern Confirms Agreeing Direction - Bullish and Bearish

Ang mangangalakal ay makakakita ng ilang halimbawa sa tsart ng MT4 na platform. Sa simbulo ng Ginto, ang isang Symmetrical Bullish na tatsulok ay nabuo na may apat na swing. Ang swingsa pagitan ng una at ikalawang numero ay tumutukoy sa H na halaga, kung saan ang Trendline ay maiguguhit sa ibabaw nito. Maaaring ilipat ng mangangalakal ang Trendline sa breakout point. Ang takbo ay lumampas sa presyo ng TP. Maging ang paggamit ng Fibonacciay magiging kapaki-pakinabang upang matukoy ang H at H/2. Isa pang Bullish na tatsulok ang nabuo na may pataas na format dahil sa antas ng tuktok nito at ng isang pataas na takbo ng mga lambak. Ang H sa tatsulok na ito ay 3460 na pips, dahil dito ang presyo ng TP ay 3460 na pips sa ibabaw ng Breakout pointna sa bandang huli ay naabot ng presyo ng merkado. Sa pinakabagong takbo, ang isang Bearish Symmetrical na tatsulok na pattern ay mabubuo. Ang mangangalakal ay maaaring maglagay ng order sa pagbili sa Breakout point, ang TP ay magiging 2554 na pips, ang halaga ng H ay mas mababa kaysa sa Breakoutat ang SL ay magiging mas mataas kaysa sa huling tuktok. Ang mga alon na ito ay maaari ding bumuo ng Double Bottomna pattern, kaya, ang mangangalakal ay kailangan maghintay hanggang ang patternay tuluyang mabuo. Sa isa pang Haba ng oras, ang mangangalakal ay maaaring makahanap ng marami pang tatsulok na pattern. Maraming mga tatsulok na patternang nabuo sa pataas na takbo. Sa isa pang tsart ng simbulo, tulad ng USDJPY, ang mangangalakal ay maaaring alamin ang Symmetrical na tatsulok sa pababang takbo.

Triangle Pattern and its Types - H and H/2 on Chart Take Profit and Stop Loss Prices - Trading Signals

Triangle Pattern and its Types - Breakout Point and Market Entry and Exit Price - Upward and Downward

Ang tatsulok na pattern ay maaaring isama sa isang espesyal na candlestick na pattern upang bumuo ng isang mas maaasahan at magaling na pattern.

Ito na muna sa sesyon na ito, hanggang sa susunod at iba pang sesyon. Ingat kayo.

Comments

Copyright © 2011-2020 PFOREX.COM | Professional Forex School | Cashback and Rebates